27

23.1K 968 468
                                    

• 🏐 •

"Kai?"

"Reena?"

"Oh, my god! Ikaw nga, Kaizen! Sabi ko na, e!"

Nagulat na ako no'ng makita ko si Reena rito sa Burnham Park pero mas nagulat ako no'ng bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Natawa na lang ako pagkatapos ay niyakap ko na rin siya. Hindi ko in-expect na makikita ko siya rito sa Baguio kasi ang alam ko ay sa Cebu siya nag-aaral ngayon ng college. Sembreak din siguro?

Pero unti-unting nawala iyong ngiti ko nang makita si number eleven na nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'min ni Reena.

Actually, kay Reena lang talaga siya nakatingin ngayon. Maganda ang kababata ko, totoo iyon, pero alam kong hindi dahil do'n kaya gano'n ang tingin sa kaniya ni number eleven.

Ako lang ba o parang binubutas niya iyong pisngi ni Reena gamit lang ang tingin niya?

Sige, Kai, mag-ilusyon ka na naman.

Pero kasi paanong hindi ako mag-a-assume na naman, e, pisngi ko naman yata iyong sinusubukan butasin ni number eleven no'ng ako na ang tignan niya?

"Umuwi ka rin pala rito? Na-miss kita!" Sabi ni Reena nang humiwalay na siya sa 'kin.

Awkward akong napangiti. "Uhm, yep. Sembreak namin kaya iyon..."

"Same! Na-miss talaga kita! Kumusta ka naman? And how's Manila rin? Alam mo ba, napanood ko iyong game n'yo last week. Ang galing, galing mo pa rin ha!"

"Ay, thank you," napakamot ako sa pisngi.

"Hoy! Ba't parang nahihiya ka sa 'kin? Nasaan na iyong Kaizen na patay na patay sa 'kin no'ng grade 10 pa lang tayo?"

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at automatic na napalingon kay number eleven na sana pala ay hindi ko na ginawa. Actually, nawala na nga sa isip ko na kasama ko nga pala siya, e!

'Di ba nakakunot na ang noo niya kanina?

Dinagdagan niya iyon ngayon ng busangot!

First time kong makita iyon sa mukha niya! Ewan ko pero natakot ako. Hindi ko alam kung para kanino. Palagi kasi siyang nakangiti lang sa 'kin pero ngayon ay parang may bumabalot sa kaniyang itim na aura.

Iniwas ko na lang ang tingin kay number eleven. Feeling ko ay anytime, e, may lalabas na laser sa mga mata niya.

"Patay na patay ka diyan," sagot ko kay Reena. "Fake news."

Sa totoo lang, halos wala namang nagbago rito sa kababata ko. Grade 11 kami no'ng lumipat ang family nila sa Cebu pero gano'n pa rin siya. Maganda pa rin. Tumangkad siguro nang kaunti pero mukha namang siya pa rin iyong Reena na una kong nakilala no'ng grade 5 pa lang kami.

"Hindi ba? Kung makasilip ka sa room namin no'n-"

"Hoy! Wala nang ungkatan ng nakaraan," putol ko sa kaniya kasi ramdam ko na iyong pag-iinit ng buong mukha ko. Pero tinawanan lang niya ako. Yep, wala pa ring pinagbago.

"Bakit? Nahihiya ka? Namumula ka, o! Crush mo pa rin ako, 'no?"

Napanganga ako. "Ang kapal pa rin ng mukha mo."

Lumakas ang tawa niya. "There he is and his audacity! Hindi bagay sa 'yo ang shy type, Kai."

Gusto ko sanang ngumiti pero hindi ko magawa lalo na no'ng hinawakan ni Reena ang braso ko at nang pasimple kong tinignan si number eleven ay ro'n na naka-focus ang atensyon niya.

Shit! Kamay naman ni Reena ngayon ang binubutas ng mga mata ni MVP!

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang at pasimple kong iniwas ang braso ko nang ma-realize na out of place na si number eleven. Kailangan ko na siyang ipakilala! "Um, Reena, si-

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now