14

25.9K 987 514
                                    

• 🏐 •

Ilang beses ko nang nakita sa mga videos sa social media ang Tanay pero iba pa rin talaga kapag sa personal. Grabe... ang ganda rito! Parang iyong mga nasa post cards.

Ang tahimik din. Parang ang payapa lang palagi. Sobrang layo sa busy at matao na Manila. Tapos ang lamig pa ng hangin kahit medyo tirik ang araw.

Ang sarap siguro tumira rito.

Alam mo iyon, para siyang probinsya na parang hindi. Gano'n iyong vibes niya. Kung gusto mo ng quick getaway or roadtrip na malapit lang sa Manila, okay rito pumunta. Gets ko na rin kung bakit ang daming nagmo-motor dito.

Pero syempre hindi ko pa rin ipagpapalit ang Baguio. Baka magalit sina mama sa 'kin, e.

Nandito na kami ngayon ni number eleven sa isang café and restaurant na may overlooking view ng Sierra Madre at Laguna de Bay. Nakarating kami rito siguro pagkatapos ng lagpas isang oras. Medyo maraming tao ngayon dahil Sunday. May al fresco dining setting sila kaya do'n kami naghanap ng pwesto para masulit iyong view at sariwang hangin.

Grabe nga, e. Feeling ko, ang linis na ng baga ko. Hindi pa yata kasi nabibisita ng polusyon ang lugar na 'to.

Nilabas ko iyong phone ko saka p-in-icture-an iyong view para may mai-IG story naman mamaya. Nang ma-satisfy na ay tumingin ako kay number eleven.

Na nakatingin na pala sa 'kin.

At mas instant pa sa instant noodles na naramdaman ko ulit iyong... something.

Something na mabilis ko ring inalis sa utak ko.

Tumikhim ako. "Bakit?" Kinapa ko iyong gilid ng mga mata ko. "May muta ba ako?"

"Do you want me to take a picture of you with the view?"

Natawa ako at agad na umiling. Ano ba iyan. Nakakahiya naman dito kay MVP. Kaya siguro nakatingin siya sa 'kin kasi mukha siguro akong ignorante na ngayon lang nakakita ng magandang view. Akala mo, hindi tiga-Baguio, e. Pero first time ko naman talaga rito. Ay, ewan.

"Hala, hindi. Nakakahiya. Ang daming tao," sagot ko.

"Sure?"

"Sure na sure," tumango tango pa ako. "Ikaw? Gusto mo ba? Ako na lang mag-picture sa 'yo."

Umiling din siya. Natawa ulit ako. Tignan mo 'to. Ayaw rin naman pala magpa-picture. Loko rin 'tong si number eleven, e.

"Kung sabagay. Marami ka na sigurong picture dito. Madalas ka rito, 'no?" Tinanong ko iyong obvious.

"I go here once or twice a month especially when I'm stressed. Sometimes with my high school friends with our motorbikes."

"Wow, marunong ka rin mag-motor?"

Tumango siya saka ngumiti.

Natigilan ako at huminga nang malalim no'ng magandahan na naman ako sa signature smile niya. Ano ba naman iyan. Dati pa namang ngumingiti si number eleven nang hindi nakalabas ang ngipin, a? So, anong difference ngayon, Kai? Kamukha niya nga iyong emoji na may creepy na smile na ayaw ko, e.

Pero maganda naman kasi talaga iyong smile niya. Baka ngayon ko lang na-appreciate kasi ngayon ko lang din talaga natignan.

Pero may kung ano talaga-

Tsk. Ewan ko sa 'yo, Kaizen.

Kung anu-ano iniisip mo. Gutom lang iyan.

Pasimple kong nilipat ang tingin sa menu. Naghanap agad ng pwedeng kainin kasi nando'n na naman iyong malikot sa loob ng tiyan ko. Wala na 'to kanina, a? Bumalik na naman? Hindi ko na nga inubos iyong iced coffee ko, e...

Jersey Number ElevenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant