28

23.8K 961 199
                                    

• 🏐 •

"Ang daming tao," sabi ko nang sa wakas ay nakapasok na rin kami sa loob ng Good Taste Restaurant.

Actually, muntik na kaming pumunta na lang ng ibang kainan nang makita naming may pila sa labas. Pero nag-insist si Reena na rito na lang kasi ngayon na lang daw siya ulit makakakain dito. At since nililibot ko nga ang number eleven at mukhang willing to wait naman siya, e, pumayag na rin ako.

And yep, sumama sa 'min si Reena.

Ang sama ko ba kung may part sa 'kin na ayaw siyang pasamahin? Paano ba naman kasi, halos ikwento na niya rito kay number eleven ang buong high school life ko. Kulang na lang pati elementary moments ko, e, i-broadcast niya.

Pero alangan namang tumanggi ako, 'di ba? Ang rude naman no'n kahit pa mukha na siyang sasakalin ni number eleven.

Iniisip ko na lang, naiingayan si MVP kay Reena. Ayoko i-overthink ang mga kilos nitong isa kasi for sure, e, iisipin ko iyon for the rest of the day.

Iyon nga lang, tsk, mukhang may ibang plano itong kababata ko.

"Kai," tawag ni number eleven.

Nilingon ko siya. Medyo kunot pa rin ang noo ni sir. "Bakit?" Tanong ko.

Pero hindi ko in-expect iyong sunod niyang ginawa. Kumabog iyong dibdib ko nang bigla niyang hilahin iyong upuan ko palapit sa kaniya. At hindi lang iyon! Sunod naman niyang nilapit, e, iyong mukha niya sa tenga ko! Akala ko kung ano nang sasabihin pero bumulong lang siya sa 'kin na magsi-CR lang daw siya!

Tumayo ang lahat ng pwedeng tumayo sa 'kin ng mga oras na iyon-

Ah, shit! Ang pangit namang pakinggan no'n, Kaizen! Ibig kong sabihin, e, tumayo lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko iyong hininga niya sa tenga ko.

Ramdam ko rin agad iyong pag-iinit ng buong mukha ko. Hindi ko tuloy alam kung saan lilingon kasi ginawa lahat iyon ni number eleven sa harap ni Reena!

"What was that, Kai?"

Sinimangutan ko agad si Reena na nakangisi agad. Tsk. Nag-react agad siya pagkaalis ni number eleven. Sabi na, e! Mapapansin niya iyon! Hindi lang halata pero observer ang isang 'to.

"Ha?" Nagpatay malisya ako.

Mas lalong ngumisi si Reena. "You know what I mean."

Nag-focus lang ako sa pagtingin sa menu. Pero kahit anong basa ko ro'n, e, wala akong maintindihan! Kumalma ka, Kai!

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang.

Pero mukhang walang makakapigil sa kaniya. Humalukipkip siya saka sumandal sa upuan niya habang nakatingin pa rin sa 'kin na para bang may nalaman siyang dapat ay alam ko rin pero hindi ko lang ina-acknowledge.

O ako lang ang nag-iisip no'n?

"I know the look when I see one, Kai."

"Ano na naman ba iyon? Kailan ka pa naging pa-mysterious sa mga sinasabi mo?"

Natawa siya. "OMG! Bagay ba sa 'kin ang pa-mysterious? Tina-try ko kasi siya lately."

"Hindi sa 'yo bagay. Mukha kang ewan."

Pero mas lalo lang siyang natawa. "Ang KJ mo na ngayon, a?" Sabi niya na inilingan ko lang. "Pero seryoso, anong meron sa inyong dalawa?"

Natigilan ulit ako. Chill, Kaizen. As if namang meron talagang kung ano sa 'ming dalawa ni number eleven. As if namang magkakaro'n ng kung ano. Tsk.

"Sa 'ming dalawa nino?"

"Kung sa 'kin, hindi bagay ang pa-mysterious, sa 'yo naman, hindi bagay ang pa-inosente."

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now