Epilogue 04

25.8K 1K 587
                                    

Hi! I just want to say thank you for giving my first attempt in writing a chance. I hope you enjoyed reading Jersey Number Eleven as much as I enjoyed writing it. May the story of Kai and Roen be a reminder to all of us that love is love no matter who you are as an individual. Let's always give love; celebrate pride 🌈; and spread kindness.

This is the last part of the epilogue.

Again, thank you po! :)

• 🏐 •

"Creston University's starting libero, wearing jersey number eleven, Kaizen Reyes!"

It's game day today.

Ito rin ang unang balik ko sa taraflex simula nang maka-recover ako sa ACL tear injury na nakuha ko last year. Naka-lineup ako sa buong season pero ngayon lang talaga ako pinasok ni coach dahil importanteng match ito. Ramdam na ramdam ko iyong excitement at adrenaline sa katawan ko ngayon habang nakikipag-high five sa mga teammates ko at sa coaching staff.

It's so good to be finally back on the court. Na-miss ko r-um-eceive ng bola na sana ay kaya ko pa ring gawin. Na-miss ko mag-dig ng mga malalakas na spikes. At sobrang na-miss ko ring maglaro sa harap ng maraming tao rito sa arena katulad na lang ngayon.

"Let's go Creston! Let's go!" Cheer ng mga supporters ng school namin.

Grabe... ang bilis talaga ng panahon, 'no? Sobrang tanda ko pa iyong araw na na-injure ako. Tanda ko pa nga rin iyong sakit ng tuhod ko no'n. At syempre, makakalimutan ko ba iyong confession ko rin ng araw na iyon kay number eleven? Talagang mas inuna ko pa iyon kaysa alalahanin ang tuhod ko, e.

Tapos heto na ulit ako ngayon, back in action ulit.

Hindi ko na nga halos namalayan ang mga araw, e. Pagkatapos ng Thailand trip namin ni number eleven ay naging busy na ulit kami pareho. Siya kasi, e, 4th year na niya tapos ako naman ay 3rd year ko na sa college at 3rd playing year ko na rin.

Akalain n'yo iyon? Parang dati lang, e, rookie pa lang ako ng team. Tapos ngayon, co-captain na at isa na sa mga seniors na nagli-lead at guma-guide sa mga rookies namin. Nando'n iyong pressure pero sobrang nae-enjoy ko naman.

And speaking of team, nag-participate ulit ang Creston sa off-season tournament last year. And from bronze ay naiuwi nila ang silver medal! Natalo kami against Westmore sa finals no'n pero nakita kong sobrang laki ng improvement ng team na makipagsabayan sa in-season champions. To think na iyong team A ng Westmore ang nakalaban nila, a? Si number eleven lang ang wala sa lineup nila pero ang ma-push ang game sa 5 sets against them ay malaking bagay na.

And speaking of number eleven naman, pinakilala na pala niya ako sa parents niya.

At tandang-tanda ko pa iyong kaba ko no'n na gusto ko nang ipahinto kay number eleven iyong sasakyan niya sa gitna ng kalsada para lang hindi na matuloy ang meet-and-greet ko sa parents niya.

Mas doble pa yata iyong kaba ko no'n kaysa no'ng niyaya ko siyang sumabay sa 'kin sa shower sa Thailand.

Mabuti sana kung iyong kaba ay mapapalitan ng sarap-

Hoy, Kaizen! Anong sarap?!

I mean, alaga at kalinga pala!

Mabuti sana kung pagkatapos kong makausap ang parents niya ay mapalitan iyong kaba ko ng alaga at kalinga gaya ng ginawa ni number eleven sa 'kin no'n sa Thailand pero baka ma-upgrade lang iyon sa nerbyos at palpitation ng kawawa kong puso.

"Kinakabahan talaga ako," sabi ko habang paulit-ulit na bumubuga ng hangin.

"Baby, relax," natatawang sagot naman ni number eleven, patingin-tingin sa 'kin habang nagmamaneho siya papunta sa bahay nila sa Parañaque.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now