04

27.9K 1.2K 886
                                    

• 🏐 •

"Kai, 'nak, ingat pabalik sa Manila ha?"

"Opo, ma. Una na po ako," sagot ko saka ako nag-bless at nag-kiss sa pisngi ni mama. "Tita, ingat po kayo ni mama rito," sabay bless ko rin sa Tita Melba ko na kapatid ni mama.

Dito rin talaga nakatira ang tita ko na 'to sa amin pero halos 1 month siyang wala kasi namundok siya. Yep, literal siyang namundok kasama ng mga kaibigan niya na gaya niya ay wala ring mga asawa't anak. Umalis siya no'ng umuwi ako at kababalik lang niya kahapon.

Cool tita nga 'tong si Tita Melba, e. Gano'n din sana ang gusto kong maging ako kapag medyo tumanda na pero only child kasi ako. May mga pamangkin naman ako sa mga pinsan ko pero mas maganda sana kung sa sarili kong kapatid.

Ewan ko ba kina mama't papa. Hindi na ako sinundan.

"Saan ka, hijo?" Tanong sa 'kin pagkarating ko sa bus terminal.

"Cubao po," sagot ko.

Tinuro sa 'kin iyong pa-Cubao na bus kaya sumakay na ako agad. Isang malaking backpack lang naman ang dala ko kaya pinatong ko na lang iyon sa mga hita ko saka niyakap. Iyong mga pasalubong ko naman para sa mga teammates ko ay nilagay ko sa itaas na compartment.

Actually, hindi pa talaga ako dapat babalik sa Manila. Next week pa dapat pero nag-decide akong live na manood ng game 3 ng finals.

Mamayang hapon na nga iyong game kaya inagahan ko talaga ngayon. Naisip ko kasing mas maganda iyong panoorin nang live kasi ang intense pareho ng game 1 and 2. Buti na nga lang din ay nakakuha pa ng isang extra ticket sina Jerome para sa 'kin.

Excited na ako.

Iba pa rin kasi talaga kapag isa ka sa audience at hindi ikaw iyong naglalaro.

"Welcome back, Kai!" Inakbayan ako ng isa sa roommates kong si Jerome nang safe akong nakarating sa dorm. "Pasalubong ko?"

"Iyong strawberry jam lang ang libre ko dyan, a? Iyong jacket, babayaran mo," sagot ko saka binigay sa kanila iyong box ng mga pinamili ko.

"Akala ko pa naman, libre mo lahat! Iyon na lang bayad mo sa ticket mamaya sa game."

"May freebie namang kasama iyang jacket," sabi ko. "May libreng kaluluwa no'ng huling nagsuot."

"Gago!" Muntik pa akong batukan ni Jerome. Tinawanan namin siya kasi ang dali niya talagang takutin.

"Iyong barrel man na pinabili ko, Kai? Dala mo?" Tawang tawa pa ang mokong na si Vince, isa sa opposite spikers namin.

"Siraulo. Aanhin mo iyon?"

"Titignan ko kung sino mas malaki-"

"Manyak ka talaga!" Sabi ni Jerome tapos nag-wrestling na sila ro'n.

Hindi ko na sila pinansin at mabilis lang na nagligpit ng mga gamit. Pagkatapos ay nag-decide akong matulog muna para may energy mamaya sa game. Niyayaya pa nga ako ng dalawa na lumabas pero tumanggi na ako. Medyo inaantok pa kasi talaga ako since ang aga kong nagising. Hindi kasi ako natutulog kapag nasa byahe.

Bago pumikit ay nag-text lang ako kay mama na nakarating na ako. Tapos kaunting scroll sa mga inaamag kong social media accounts hanggang sa mapadpad ako sa IG.

Nanood lang ako ng mga IG stories ng mga fina-follow kong rabbit accounts hanggang sa makita ko si number eleven na may ni-repost na story.

Picture niya iyon habang nagre-ready para mag-serve.

Pag-check ko, iyong magandang babae pala na tinutukan ng camera last game iyong nag-story. Iyong girlfriend ni number eleven.

Ganito pala mga tipo niya? Morena...

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now