23

23.7K 939 273
                                    

• 🏐 •

"How is it?" Tanong ni number eleven nang tikman ko na iyong niluto niyang strawberry sinigang.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya pero nandito pa rin kami sa parking lot ng arena. Hawak ko iyong lunch box sa kandungan ko. Akala ko nga ay sa ibang lugar namin 'to kakainin pero mukhang excited si number eleven kasi inabutan agad ako ng kutsara kanina. Boy scout si MVP!

Pero hindi ako agad sumagot sa tanong niya.

Seryoso lang akong tumingin kay number eleven.

No'ng mga oras na iyon ay ang daming tumatakbo sa isip ko. Pero iisa lang iyong nangingibabaw na nararamdaman ko.

Gusto ko sanang ngumiti pero pinigilan ko iyong sarili ko para ma-suspense muna si number eleven. Nagke-curl na nga iyong mga daliri ko sa paa para lang 'wag matawa sa hitsura niya ngayon, e.

Magkasalubong iyong mga kilay niya tapos nakaawang iyong labi. Inaabangan niya talaga kung anong masasabi ko sa strawberry sinigang niya.

Ang cute, e.

Ang laking cute.

Pero grabe pala talaga ang isang 'to, 'no... ano bang hindi kayang gawin nitong si number eleven?

Magaling mag-volleyball. Season MVP lang naman siya. Future engineer. Tapos marunong din pala siyang magluto?

It's official. Isa siya sa mga favorite ni Lord.

"Oh, please stop staring and tell me. Is it... bad?" Nag-aalala na niyang tanong nang tinignan ko lang siya at hindi ako nagsalita.

Pero hindi pa rin ako kumibo. Nakatingin lang talaga ako sa kaniya habang walang ekspresyon sa mukha ko. Tawang-tawa na talaga ako sa isip ko pero ang cute kasi talaga nitong si number eleven. Para siyang nagde-defend ng thesis tapos alam niyang malaki ang chance na ipapa-revise iyong buong paper niya.

Pero kasi naman... grabe na talaga itong si MVP.

Masarap iyong strawberry sinigang niya. As in! Hindi katulad ng recipé ni mama pero nando'n pa rin iyong feeling na para akong nasa bahay namin sa Baguio. Na-miss ko tuloy bigla ro'n. Kailan lang ako umuwi pero parang ang tagal na.

Pero higit pa sa lasa ng sinigang ni number eleven kung bakit gusto ko lang siyang titigan ngayon.

Iyong fact na pinagluto niya ako nito... iyong fact na naisip niyang gawin 'to at pumunta pa talaga siya rito... sobrang sarap sa feeling. Nando'n iyong kilig pero mas ramdam ko iyong tuwa kasi hindi ko talaga in-expect 'to ngayon.

Kaya tanggap ko na talaga, e.

Gusto ko siya, oo, pero ngayon? Gustong gusto na.

To the point na... gusto ko nang sabihin iyon sa kaniya.

Regardless kung pareho ba kami ng nararamdaman. Sa totoo lang, nawalan na ako ng pakialam kahit ako lang ang may feelings. Basta masabi kong gusto ko siya.

Pero... inaamin ko rin naman na umaasa ako kahit paano na gusto niya rin ako.

Kasi kung hindi niya ako gusto, e, bakit hindi na siya makatingin ngayon sa 'kin? Bakit pulang-pula na iyong tenga niya? Bakit parang nagpa-panic siya? Bakit feeling ko, nahihiya siya ngayon sa 'kin?

Assuming pero masisisi ba ako?

Iniisip ko pa lang na gusto rin ako ni number eleven, e, sobrang saya ko na. Ang OA pero parang nanalo na rin ako ng championship.

Tanungin ko na ba siya?

Oo! Para magkaliwanagan na once and for all!

O ako na muna ang umamin?

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now