39

25.8K 1.1K 477
                                    

Note: Happy 10K reads kina Kai at Roen. Salamat po! 😭

• 🏐 •

"Good luck, cap," sabi ko kay Jerome no'ng nasa bus na kami papuntang arena.

It's game day today against Westmore University. Nagpaalam ako kina coach kung pwede ba akong sumama para manood nang live at binigyan naman nila ako ng go signal. Buti na lang at pinayagan ako kasi sinabihan ko na si number eleven na manonood ako, e.

Actually, ayaw pa nga ni number eleven na manood ako nang live. Baka raw kasi ma-stress iyong tuhod ko. Pero in-assure ko naman siya na kaya ko naman at kasama naman namin iyong PT ng team just in case.

Napapayag ko na rin naman siya pero may pahabol pang suggestion na mag-wheelchair raw ako. Hindi ko alam kung nagjo-joke ba ang isang iyon o hindi, e.

Tapos nag-joke ako kung kailangan ko rin ba ng neck brace para kumpleto na kung sakaling magwi-wheelchair ako. Iyon nga lang, nakalimutan kong rich kid nga pala si number eleven kasi hindi niya na-gets iyong context ng joke ko. Palibhasa, laking aircon, e.

Sorry naman, number eleven. Laking lamig sa Baguio lang ako, e.

Nasermunan pa tuloy niya ako na masama raw na mag-joke na may neck brace ako. 'Wag daw ako mag-iisip ng gano'n.

Napagalitan pa tuloy ang Kaizen.

"Salamat, Kai," sagot ni Jerome saka ngumisi sa 'kin. "Kaya ka ba naggu-good luck ngayon kasi si Alejo na ang ichi-cheer mo mamaya?"

"Hindi, a. Creston U pa rin hanggang mamatay," sabi ko at natawa kami pareho.

"Pero pakisabi sa boyfriend mo, 'wag masyadong galingan. Larong college lang kamo."

"Sinabihan ko na. Ta-try niya raw."

"KJ naman pala no'n. Hindi pa ba siya magfo-forego ng playing years niya? Sasagarin niya ba? 'Wag na kamo. Kailangan na siya ng national team."

Natawa na lang ulit ako at napailing.

Pero grabe... hindi pa rin ako sanay na alam na nina Jerome at ng buong team na boyfriend ko na si number eleven. Sinabi ko sa kanila kagabi habang nagpapahinga sila sa training at nagulat pa nga ako na hindi na sila nagulat. C-in-ongrats pa nila ako at sa totoo lang, gusto kong maiyak no'n pero pinigilan ko kasi aasarin na naman ako ng mga loko sigurado.

Pero iyon na nga, nakakatuwa lang at ang sarap sa feeling na wala akong nakitang judgment ni isa sa kanila. Ang saya makita na masaya sila at suportado nila kami ni number eleven. Nagtanong lang sila kung kailan daw nila makikilala si number eleven at sinabi ko na lang na baka pagkatapos na ng season.

Kaya sa boyfriend ko, pasensya na.

Team Creston U talaga ako. Best team talaga manalo o matalo. Hindi ako nagkamali ng school na pinuntahan.

Nagsabi rin sila na hindi raw nila ipagkakalat para makaiwas raw kami sa mga chismis. Pumayag ako hindi dahil sa hindi ako proud o kinakahiya ko ang pagiging mag-boyfriend namin ni number eleven. Tama naman kasi sila. Para iwas intriga na rin at panghuhusga ng ibang tao. Ang bilis pa naman kumalat at magpakalat ng fake news ngayon.

Kapag may magtanong, sasagutin ko naman.

Pero hangga't maaari ay mas gusto kong private lang kami ni number eleven.

"Kai, ikulong mo kaya muna si Alejo sa CR? Ngayon pa lang, natatakot na ako sa kaniya," sabi ni Vince.

"Oo nga, Kai. May trauma pa rin ako ro'n. Dahil sa kaniya, nabali iyong daliri ko," si Kiko naman na ginalaw galaw pa iyong ring finger niya.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon