45

25K 932 118
                                    

• 🏐 •

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong injured ako ngayon kaya hindi ako makakauwi sa Baguio. Nakalimutan yata ni mama na nagpapagaling ako kasi grabe iyong pagpipilit niya na dalhin ko raw iyong ate ni number eleven sa bahay para makilala niya.

Sa totoo lang, nalungkot ako ro'n.

Ayoko masyadong isipin pero... mukha talagang hindi kami matatanggap ni mama kung sakaling ipapakilala ko si number eleven bilang boyfriend ko.

Kasi tignan mo naman iyong naging reaksyon niya no'ng kumalat ang video edit namin ni Carlos versus sa video namin no'ng ate ni number eleven. Tinadtad niya ako ng tanong do'n sa una tapos itong pangalawa ay kulang na lang, e, magpadala siya ng bus sa dorm para lang dalhin ko ro'n si Ate Rian.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong babae ang gusto niya para sa unico hijo niya.

Gets ko naman iyon. Pero... may masama ba kung sa lalaki ako magkagusto? Hindi ba pwede na may possibility talaga ang tao na magkagusto sa kahit na sino kahit pa ano iyong gender ng taong iyon?

Paano kung doon ka masaya, 'di ba?

Paano kung sabihin ko sa kanila na masaya ako kapag kausap at kasama ko si number eleven?

Sapat na bang dahilan iyon para tanggapin nila kami? O baka iyon ang magiging dahilan kung bakit hindi na ako makakabalik ng Baguio? Ang OA pero pwede kasing mangyari iyon kahit may malaking part sa 'kin na confident na hindi ako palalayasin ni mama.

Kasi kung itatakwil nila ako, wala na silang anak, 'no.

Iyan kasi. Hindi ako ginawan ng kapatid. Kaya wala silang choice kundi tanggapin ako.

Pero what if palayasin nga ako?

Shit... hindi ko na alam talaga. Iiyak na lang siguro ako kasi sa totoo lang, wala pa talaga akong plano just in case hindi namin makuha ang approval ng parents ko.

Basta ang alam ko lang, ilalaban ko si number eleven.

"Baby..." tawag ni number eleven.

Wala sa sarili akong lumingon sa kaniya. Sunday na at tapos na rin ang hell week sa Creston kaya nagkaro'n na kami ng time na magkita. Sobrang busy kasi talaga ng week na 'to. Ang daming nangyari. Bukod sa final exams at rehab sessions ko, e, dumagdag pa nga rin iyong tungkol sa video namin ng kapatid nitong isa.

Na kung hindi lang bini-big deal ni mama, e, wala lang naman sa 'kin ang mga gano'n.

And speaking of Ate Rian, well, iyon daw ang itawag ko sa kaniya, pagkatapos nilang magbangayan na magkapatid ay umalis din siya agad. Hindi na siya nanood ng game. Ako naman daw talaga ang pakay niya ng araw na iyon.

At aaminin ko, kinilig ako no'ng sabihin niya na gusto niya raw ako at masaya raw siya para sa 'min ng kapatid niya. Na nilu-look forward niya raw ang official meeting ko sa kanila kasama ang parents nila.

Oo, sinabi ni number eleven na approved kami sa pamilya niya pero iba pa rin pala talaga kapag narinig mo iyon mismo galing sa kanila.

Ang sarap lang sa feeling na alam mong tanggap ka... na tanggap nila ako... kaming dalawa ni number eleven.

Kaya nakakalungkot talaga na baka hindi gano'n pagdating naman sa pamilya ko.

"Bakit?" Tanong ko.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop dito sa Tagaytay. Katatapos lang naming mag-lunch at nagpapababa na lang ng kinain gamit ang kape. At dahil Westmore naman ang may hell week next week, e, dinala rin ni number eleven iyong mga reviewers niya para makapag-aral na rin.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon