19

24.4K 1K 281
                                    

• 🏐 •

"Gusto ko na lang matulog," sabi ko kay Jerome no'ng nililigpit na namin iyong mga bola na ginamit sa training.

Natawa siya at napailing na lang. Kita sa kaniya iyong pagod at medyo nakakapanibago iyon kasi mataas palagi ang energy niya kahit katatapos lang ng intense na training. Well, hindi lang naman siya ang pagod na pagod. Iyong buong team din.

No'ng malaman kasi ni coach na wala kaming mga morning classes ngayon, e, bigla siyang nagpa-training. From 4AM to 8AM! Gabi kasi talaga kami nagte-training para mag-give way sa mga klase namin. Hirap na hirap kaming bumangon lahat kanina pero mukhang dinibdib kasi talaga ni coach iyong pagkatalo namin sa Westmore no'ng isang araw.

Sa totoo lang, ayoko ng umaga na workout at training.

Mabuti sana kung walang pasok pagkatapos, e. Sure akong makikipaglaban na naman ako sa sarili ko mamaya kasi antok na antok ako.

Pero hindi ko rin masisisi si coach. Nakaka-disappoint naman talaga ang naging performance ng team no'ng game 1 ng semis. Kung gano'n pa rin ang lalaruin namin sa game 2, e, wala nang pag-asa.

Kasi aminin na natin, no'ng pinasok na ang team A ng Westmore sa lineup nila, tumagilid na ang chances namin na pumasok sa finals. Mukhang malalaglag pa kami sa battle for bronze na hindi pa sure kung mananalo kami.

Pero iniisip ko na lang na kaya pa rin naman iyon.

Hindi pa naman tapos ang laban.

Kung hindi kasi gano'n ang mindset ng team, e, talagang matatalo kami.

"Una na akong maligo," sabi ko saka pumasok na agad sa banyo pagkabalik namin ng dorm.

May klase na kasi ako ng 10AM. Buti na lang ay tapos na ako mag-present ng report sa subject na iyon kasi mukhang makakatulog talaga ako sa sakit ng katawan ko.

"Kai, napanood ko iyong game n'yo against Westmore," sabi ng kaklase kong si Marivic nang makarating na ako sa room namin. "Bawi kayo sa game 2. Kaya n'yo iyan!"

Ngumiti ako. "Thank you."

"Pero ang lakas talaga nila, 'no? Wala pa si Roen Alejo no'n, a?"

Saglit akong natigilan nang mabanggit niya si number eleven. Nag-message nga iyon agad sa 'kin after ng game, e. Bawi raw kami sa game 2. Nagyaya pa nga siya na mag-ice cream daw kami ng araw na iyon pero hindi natuloy kasi back to the drawing board agad si coach.

Sayang nga, e.

E, 'di sana okay na ako agad no'n sa pagkatalo namin sa Westmore kasi may ice cream date naman kami ni number eleven.

Hoy, Kaizen. Date talaga?

Ako lang naman nakakaalam na date iyon!

Mga delusyon mo, a?

KJ naman! Sa isip ko lang naman iyon. Tsk.

"Oo nga, e," sagot ko kay Marivic bago pa ako mabaliw sa pakikipagtalo ko sa sarili kong utak. "Idlip lang ako sandali, a? Galing pa akong training, e. Pakigising na lang ako kapag nandiyan na si prof."

"Ay, go lang. Sleep ka na."

"Salamat."

Pero wala pa yatang 10 minutes ay dumating na iyong professor namin at nagsimula na iyong klase. Gano'n lang ang naging takbo ng araw ko hanggang sa mag-2PM na ng hapon. Tutulog kapag hindi pa start ang klase tapos parang sinasapian na kasi tumitirik na iyong mga mata ko sa paglaban sa antok during discussion. Partida, uminom pa ako ng kape no'n.

Gusto ko na talagang bumalik sa dorm at matulog nang matulog kaso may 4:30PM to 6PM pa akong last class for today. Sana walang quiz do'n kasi na-mental block talaga ako kanina sa second class ko. Muntik na akong walang masagot, e.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now