01

35.9K 1.2K 848
                                    

• 🏐 •

"Kai, okay ka na?"

Nag-thumbs up lang ako kay coach habang hawak iyong bulak na nakapasok sa ilong ko. Sa sobrang lakas ng contact ng bola sa mukha ko, hindi ko na namalayang nagno-nosebleed na pala ako. Gano'n kalakas ang palo ni number eleven ng Westmore. Buti na nga lang ay hindi ako nabungi, e.

Nandito na kami ngayon sa bus pabalik na ng Creston. Medyo tahimik ang buong team kasi nga talo kami. Sayang din naman kasi iyong 3rd set. Kung naipanalo namin iyon, may maliit pa sana kaming chance paabutin ng 5th set iyong game.

Pero sa totoo lang, proud ako sa nilaro namin kanina. At least do'n sa 3rd set. Dumikit score namin unlike sa first two sets, e.

Pero sabi nga rin ni coach, one step at a time. Ang goal talaga namin ngayong season ay pumasok sa final 4. Which is nagawa namin. Kung nakapasok kami sa finals na alam naming medyo suntok sa buwan, sobrang laking achievement na iyon considering na rebuilding ang team namin. Ang dami kasing gr-um-aduate last year. Sayang nga at hindi ko sila naabutan. First year ko pa lang kasi sa team.

Ah, basta. Babawi kami sa susunod na season.

Babawi ako. Need ko pa ng malalang training sa reception at floor defense. Dapat ang goal ko next year ay walang basta-bastang lalapag na bola sa zone ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jerome na katabi ko ngayon.

"Oo. Pero grabe iyong hilo ko kanina," sagot ko. "Hindi ko nakita iyong bola ni number eleven. Sa 'kin na pala tatama."

"Malakas talaga ang isang iyon. Si Kiko?" Tukoy niya sa isa sa mga injured naming middle blocker. "Si Alejo lang naman ang may kasalanan kung bakit kailangang operahan iyong dalawang daliri niya."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"

Natawa si Jerome at tumango na lang.

Grabe naman pala talaga ang number eleven na iyon.

Pero kung iisipin, ang laki niya kasing tao talaga. May height na, parang tambay pa sa gym. Ang laki ng mga braso ng isang iyon. Siguro kapag binatukan ka niya, tanggal iyong ulo mo. Medyo OA pero parang medyo totoo rin.

Naawa tuloy ako sa bola.

Sana hindi siya iyong tipo na nanghahampas kapag tumatawa.

Pero intense lang naman yata siya sa court. Napatunayan ko iyon kanina nang after nilang manalo, imbes na maki-celebrate siya sa mga teammates niya ay dumiretso siya sa 'kin para mag-sorry.

Actually, sorry nga siya nang sorry, e. Tapos halata rin na sobrang na-guilty siya sa nangyari. Kaya kahit masakit talaga iyong mukha ko, tumawa lang ako para hindi na siya kabahan. Kunwari strong ako no'n.

Sinabi ko na lang na part naman iyon ng game at alam kong hindi niya sinasadya.

Don't get me wrong. Hindi naman sa sinasabi kong normal na masaktan ka during the game pero may mga times talaga na hindi iyon maiiwasan. At nosebleed lang naman ang nakuha ko. Nalagyan naman na kanina ng ice. Malayo sa bituka.

Iyon nga lang, parang hindi yata kumbinsido si number eleven.

Kung hindi pa nga siya tinawag ng teammates niya, hindi pa rin siya titigil kaka-sorry sa 'kin. Hanggang do'n sa shakehands namin sa kanila sa ilalim ng net, tinanong pa rin niya ako kung okay lang ba ako. Syempre, sinabi kong okay lang ako.

Baka hindi siya makatulog mamayang gabi, e.

"O, ba't ang tahimik n'yo?" Tanong ni coach na lumingon ulit sa amin. "Nakalimutan n'yo na? 'Di ba may usapan tayo na kapag naka-23 points kayo sa Westmore, manlilibre akong Korean barbecue?"

Jersey Number Elevenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن