Special Chapter 03

28.4K 1.3K 1.6K
                                    

[04.11.2024] Happy birthday, Kai! 🥳🎈🎉🎂🥂 So, here's a special chapter to celebrate. Hope you enjoy this one. Thank you so much po! ♡

• 🏐 •

"Number eleven..."

Pang-ilang beses ko nang gising sa kaniya pero hindi talaga natitinag itong katabi ko rito sa kama. Tulog na tulog pa rin ang loko. Uungol lang nang kaunti tapos maya-maya ay mahimbing na ulit ang tulog.

Ngumingiti-ngiti pa nga habang pikit ang mga mata. Nilalaro pa yata ng angel niya.

"Roen, gumising ka na," kunwari ay galit na ang boses ko at mukhang effective iyon kasi dinilat na niya iyong isa niyang mata.

"Good morning, baby. Happy birthday," sabay pakita ng signature smile niya. Akala niya, tatalab iyon? Medyo.

"Malapit nang hindi maging good ang morning ko at hindi maging happy ang birthday ko kaya bumangon ka na riyan."

Pero ang mokong, pumikit lang ulit! Talaga naman!

"Roen!"

"Who's that? My name's not Roen, baby. I'm number eleven."

"Daming alam!"

"Of course," ngumisi pa siya sabay halik sa pisngi ko.

"Roen Alejo!"

"Yes, Kaizen Alejo?"

Nakuha pang bumanat! Medyo kinilig ako pero hindi ko na pinahalata kasi lalo lang akong aasarin ng isang 'to.

"Bumangon ka na kasi!"

"Five minutes," paos na sagot niya.

"Naka-tatlo ka nang five minutes. Fifteen minutes na iyon."

"Shh. I'm still sleepy, baby."

"Kailangan na nating mag-asikaso. Anong oras na-"

Umungol lang siya ulit sabay hila sa 'kin palapit sa kaniya. Kakalas sana ako pero mahigpit na agad ang yakap sa 'kin ng malaking baby. Nasubsob pa iyong mukha ko sa dibdib niyang exposed na naman ngayon. E, ano bang laban ko sa mga braso ng isang 'to?

Isang braso pa lang niya, hita ko na yata, e.

Napapailing na lang talaga ako rito kay number eleven. Paano ba naman kasing hindi siya mapupuyat, e, nag-usap na naman kami kagabi. Tignan mo tuloy. Pagod na pagod siya kahit ako dapat iyong mas pagod sa 'ming dalawa kasi galing pa ako sa Baguio.

Umuwi kasi ako sa 'min no'ng nakaraan para ro'n ko muna i-celebrate ang birthday ko. Early celebration ba. May plano kasi kami ni number eleven kaya inuna ko munang puntahan sina mama at tita sa Baguio para hindi magtampo. Gusto ko nga sana siyang isama ro'n pero sabi niya ay mag-bonding at quality time daw muna kami nina mama.

Three days din ako ro'n tapos kagabi lang ako nakauwi rito sa condo namin ni number eleven. Pero sakto lang din ang oras ng balik ko kasi iyon naman talaga ang plano namin nitong isa. Birthday salubong ko raw.

Naabutan ko pa nga siyang may dalang cake kagabi at pagkatapos kong hipan ang kandila ng 12 midnight, hindi na nag-aksaya ng oras ang number eleven.

Sinunggaban niya agad ang kawawang Kaizen na akala mo ay siya ang birthday boy na excited buksan ang regalo niya.

At sino naman ako para pumalag pa? Nagpaubaya na ako kahit pagod pa ako galing sa byahe... joke lang! Akala mo naman talaga, e, hindi ko rin gusto ang usap sessions namin ng number eleven.

"Bumangon ka na, number eleven. Sabi ko kasi sa 'yo, 'wag tayo magpupuyat, e."

Tinapik ko iyong dibdib niya pero hinigpitan niya lang ang yakap sa 'kin.

Jersey Number ElevenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora