40

25K 1K 218
                                    

• 🏐 •

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit si number eleven. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon na yata ang default na reaction ng puso ko kapag nakikita ko siya... o dahil kinakabahan na ako para sa buhay ng bestfriend niya.

Tignan mo naman kasi si number eleven. Sigurado akong once na makalapit siya rito sa 'min, e, dadagdagan niya iyong injury nitong katabi ko.

At speaking of katabi, ito na ba iyong easy way kung paano mananalo ang Creston na sinasabi nitong si Carlos? Ang galitin si number eleven? Ibang klase talaga. Samantalang ako, e, ayoko kapag nakikitang badtrip iyong isa.

Gwapo, oo, pero nakakatakot si number eleven kapag salubong ang dalawang kilay.

"Here comes the green-eyed monster," bulong ni Carlos na nakukuha pang tumawa.

Hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako nagsalita. Nakatingin lang ako kay number eleven na malalaki ang hakbang na palapit pa rin sa 'min. Parang wala na siyang pakialam sa paligid niya kahit sumisigaw na iyong mga tao o kahit tinatawag na siya ng mga coaches at teammates niya.

Huminga ako nang malalim. Sa kinikilos niya ngayon, mukhang ako lang yata ang lalaban para sa privacy na gusto ko para sa 'ming dalawa.

Nag-isip agad ako ng sasabihin kay number eleven kapag nakalapit na siya. Hindi rin naman kasi ako makatayo gawa ng tuhod ko. At hindi ko nga rin alam kung bakit ko kailangang mag-explain kahit itong bestfriend naman niya ang nakaisip ng kalokohan na 'to.

Gets ko na kung bakit ayaw ako ipakilala ni number eleven dito kay Carlos.

Isa ring loko-loko, e.

May game pa naman itong isa. Baka mamaya, e, ma-distract pa at iyon pa ang ikatalo ng Westmore. Ayaw ko namang matalo sila dail badtrip si number eleven, 'no. Oo, gusto kong manalo ang Creston pero sa patas na paraan naman. Mas masarap sa feeling na nanalo kayo kasi pinaghirapan n'yo.

Iyon nga lang, bago pa makalapit ang number eleven sa 'min, e, nahabol na siya ng iba niyang teammates saka siya hinila para makapag-warmup na sila. Ayaw pa nga niya no'ng una at nagpupumiglas pa pero mukhang pinagalitan ng isa sa mga coaches kaya wala nang nagawa.

Nagsimula na ang official warmup ng both teams at medyo concerned na ako kay number eleven kasi halatang distracted na siya. Ilang beses ko siyang nahuhuling tingin nang tingin sa banda namin at hindi nagfo-focus sa warmup.

Nagkakatinginan kami at ngumingiti na lang ako pero wala yatang epekto. Nakakunot pa rin ang noo niya at nando'n pa rin iyong simangot.

Okay. Ayoko rin pala kapag nagseselos siya.

Akala ko dati, cute kapag may kaunting selosan sa inyo ng partner mo. Pero hindi pala maganda sa pakiramdam. Para tuloy kawawang tuta si number eleven na hindi makalapit sa amo niya ngayon...

Wait. Tuta talaga, Kai? Laking tuta naman niyan.

Pero hindi iyon ang point! Tsk.

Narinig kong tumawa si Carlos kaya nilingon ko siya saka sinimangutan.

"Told you, seloso si Roen. Katabi pa lang kita niyan, a?" Umiling iling pa siya. "I already knew that he's in love with you but seeing him like this? I didn't know he's that whipped."

"Kaya naman pala hindi ka niya pinakilala, e," sabi ko. "Ito iyong easy way na sinasabi mo?"

"Woah," sabay taas niya ng isa niyang kamay sa ere na para bang sumusuko. "Nag-suggest lang naman ako. Pero I'll admit, medyo natakot ako kanina. Feeling ko, e, babaliin niya rin itong isa kong braso."

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon