43

24.8K 927 317
                                    

• 🏐 •

Alam n'yo iyong feeling na nahuli ka ng mama mo na nangungupit ng pera sa wallet ng tatay mong lasing?

Gano'n iyong nangyayari ngayon. Ako iyong batang nangungupit. Si number eleven iyong tatay na lasing. At si Nica Guerrero iyong nanay na nakahuli sa 'kin.

Pero hindi pera ang nahuli niyang kinukupit ko. Iyong way ng pagkakatingin niya sa 'min ngayon, para bang iyong halik at si number eleven mismo ang kinukuha ko. Which is akin naman talaga pero bakit pinaparamdam niya na kaniya raw iyon at wala dapat umagaw?

Don't get me wrong. Hindi ko kinakahiya si number eleven at kung ano ang meron kami ngayon. Ang sabi ko pa nga, 'di ba, kung may magtanong kung ano kami, sasagutin ko naman. Sasabihin ko iyong totoo. Private pero hindi itatago.

Siguro sa sobrang gulat na rin na may nakakita sa 'min na nagshe-share ng private moment kaya naitulak ko nang malakas si number eleven palayo sa 'kin.

Iyon nga lang, mukhang na-anticipate niya iyong gagawin ko kaya hinawakan niya agad iyong braso ko saka pinadulas ang kamay niya papunta sa kamay ko.

Shit, holding hands pa nga kami ngayon sa harap ng ex-girlfriend niya!

At halos tumakbo ako sa panic nang makita si Nica Guerrero na titig na titig sa mga kamay namin ni number eleven. Pero doon ko lang din na-realize na hindi nga pala ako makakatakbo kasi injured nga pala ako. Badtrip.

Hinila ko iyong kamay ko.

Pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak ng walang pakialam kong boyfriend.

Hinila ko ulit.

Hinigpitan niya lang ulit.

Shit... mukhang pati kamay ko, mai-injure sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Nilingon ko siya at ang loko, chill na chill lang na namulsa habang tinitignan ang ex niya.

"Oh, my god," rinig kong sabi ni Nica Guerrero.

"Nics," sabi naman ni number eleven habang may maliit na ngiti. "What's up?"

Wait... Nics?

May nickname siya para sa kaniya?

Ngumuso ako. Nagbago bigla ang timpla. Kung kanina, nagpa-panic, ngayon ay gusto nang mang-away. Nics? Tinatawag niyang gano'n ang ex niya? Pwede namang Nica? Dalawang syllable lang naman iyon?

Gago, Kai, iyan pa talaga iniisip mo ngayon? Iba talaga priorities mo sa buhay. Tsk.

Pero kasi naman... Nics? Ang corny.

"Alis muna ako para makapag-usap kayo," ng Nics mo. Bulong ko pero tinaasan lang ako ng kilay ni number eleven.

"No, baby," malambing ang boses na sabi niya sabay ngiti.

Tsk. Tinawag pa akong baby sa harap ng ex niya. Akala siguro nito, matatabunan ng baby ang Nics niya.

"Roen," tawag ni Nica Guerrero kaya napalingon ulit ako sa kaniya. Huminga siya nang malalim habang nakatingin pa rin sa magkahawak naming kamay ni number eleven. "Y-You're... gay?"

Iyong tono ng tanong niya, hindi naman... uhm, galit? Parang normal na nagtatanong lang na hinaluan ng gulat. Iyong may na-discover siyang hindi kapani-paniwala.

"Yes," sagot ni number eleven kaya mabilis akong lumingon sa kaniya. At hindi pa nga ako nakaka-recover do'n nang itaas niya iyong mga kamay naming magkahawak. "This is Kaizen. My boyfriend."

Napakurap ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

Nilingon ako ni number eleven nang nakangiti. "Kai, baby, that's Nica. One of my friends."

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon