00

54.3K 1.3K 571
                                    

• 🏐 •

"Westmore University is now at match point!"

Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao lalo na sa side ng mga naka-dark blue na t-shirt na supporters ng Westmore. One point na lang kasi ang kailangan nila at sila na ang pasok sa finals. Nag-cheer din ang side ng mga naka-white na supporters naman ng Creston pero mas malakas talaga iyong sa kabilang team.

"Isa na lang! Isa na lang! Go, Westmore! Whooo!"

"Let's go Creston U! Fifth set! Fifth set!"

Nilibot ko ng tingin ang buong arena. Ngayon ko lang talaga napansin na puno pala talaga ng tao ang venue. Well, semifinals na rin naman kasi. Idagdag pa na iyong isa sa mga naglalaro ay iyong Westmore na defending champion at crowd favorite.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Kahapon pa nga actually. Kung gaano kalakas iyong sigaw ng mga supporters ng dalawang school ay gano'n din kalakas ang tibok ng puso ko. Adrenaline na rin siguro. Ang intense naman kasi ng laban mula pa no'ng first set.

Bawat point, papalakpak at magchi-cheer ang mga tao.

Bawat long rally, sisigaw sila kaya nakaka-pressure din.

Tiningala ko ang score board. Third set na. 24-23 ang score in favor of Westmore. Nakuha nila iyong set 1 and 2. Meron silang twice-to-beat advantage coming into the semifinals as the number 1 team after the elimination round. Kami naman iyong 4th seed kaya twice-to-win ang kailangan naming gawin.

No doubt, sobrang lakas talaga nitong Westmore. Partida, pinag-aralan pa namin iyong galaw nila sa mga past games nila pero sobrang hirap i-predict kung paano sila maglalaro. Ang bilis ng adjustments ng coaching staff nila at naa-apply agad iyon ng mga players.

Kaya hindi na kataka-takang tambak ang scores namin no'ng una kaming naglaban no'ng elimination rounds. Buti na nga lang ay kahit paano, nakadikit kami ngayon sa kanila.

They're the defending champions for a reason. Ang talino ng offense nila pero mas bilib ako sa defense ng buong team. Kahit iyong middle blocker nila na pinakamatangkad sa lahat, e, hindi liability sa floor defense. Superb pa iyong passing ng libero at mga outside hitters nila.

Hindi na nga gumagalaw sa pwesto niya iyong setter sa sobrang swabe ng kanilang reception. Kahit iyong mga digs nila, sakto rin sa setter.

And as a libero myself, sobrang nakaka-amaze.

"Guys, we need one good pass!" Umpisa ni coach nang mag-timeout kami. Halos hindi na nga namin siya marinig sa lakas ng drums at hiyawan ng mga tao. "Kai," tawag niya sa 'kin. "Pasa tayo ha?"

"Yes, coach!" Sagot ko saka tumingin sa mga teammates ko. "Papasa ako, guys!"

"Mabilis iyong mga transition plays nila kaya dapat maka-atake tayo agad. Off the block. Gamitin ang kamay ng blockers nila," dagdag pa ni coach. "Setter, kapag maganda ang pasa sa 'yo, quick play ha? Kapag hindi, bigay mo sa outside mo. Wala silang libero ngayon. Kapag butas ang gitna nila, dump ka. Okay?"

"Yes, coach!" Sagot ni Jerome, iyong setter at team captain namin.

"Blockers, bantayan n'yo na agad si number eleven," tukoy ni coach sa star player ng Westmore. "Sa kaniya ibibigay 'yan sa transition kahit nasa backrow pa siya."

Napatingin ako sa kabilang team nang sabihin iyon ni coach.

Nakita kong naka-ready na agad pumasok iyong mga players nila sa court kahit hindi pa tapos iyong timeout. Grabe. Parang hindi na yata sila nag-usap, a? Parang sure na sila sa gagawin nila para tapusin na 'tong game.

Hinanap ng mga mata ko si number eleven.

Nakita ko siyang seryosong nakatingin lang sa court habang may binubulong sa kaniya iyong isa niyang teammate. Outside hitter ang position niya at siya iyong go-to player nila.

Sa totoo lang, masyado siyang mabilis. Sobrang bigat pa ng bola niya. Matalino rin maglaro. Alam niya kung kailan papaluin nang malakas iyong bola at kailan magda-drop. Nakakainis nga rin kasi madalas niyang iiwas sa 'kin iyong atake niya. Ang sarap naman sa feeling kapag napuputo ko siya.

At nasabi ko na rin bang pareho kami ng jersey number? Yep, pareho kaming number eleven.

Bakit kaya eleven din siya? Ako kasi, birthdate ko iyon. April 11.

Napatagal siguro iyong tingin ko sa kaniya at napansin ko na lang na nakatingin na rin pala siya sa 'kin. Pasimple na lang akong nag-iwas ng tingin at nag-focus na lang ulit sa sinasabi ni coach.

"Guys, wala nang bukas kapag natalo tayo rito. Ilaban n'yo na 'to para makapag-fourth set pa tayo."

"Yes, coach!"

"One good pass ha? Approach lahat ng spikers," sabi ni Jerome saka namin pinagpatong patong iyong mga kamay namin sa gitna.

"Isang mabilis na atake. Papasa ako!" sabi ko naman sa kanila.

"Laban guys!"

"Creston!"

"U!" Sigaw ng buong team.

Tumunog ang buzzer. Mabilis kong inabot sa team manager namin iyong towel at tumbler ko at bumalik na sa court. Gano'n din ang mga players ng Westmore.

Sumenyas sa amin si Jerome ng magiging play. Nagkatinginan kami at tumango ako. Kailangan kong gandahan iyong pasa para mabilis kaming pumuntos. Pumito ang referee. Nag-ready ako r-um-eceive habang hindi inaalis ang mga mata sa server ng Westmore.

"Cordova, serving for the match!"

Mas lalong nagsigawan ang mga tao.

Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to, Kai! One good pass!

Nag-serve na iyong Cordova. Safe serve ang ginawa niya at buti na lang talaga ay hindi ako nag-shank pass! Thank you, Lord! Magpapakain talaga ako sa taraflex kung sakaling nag-misreceive ako. Pet peeve ko pa naman iyon. Libero tapos walang pasa? Nakakahiya!

"Nice pass!"

Mabilis na s-in-et ni Jerome iyong bola papunta kay Paul, iyong isa sa middle blockers namin, para sa B quick.

"Patayin mo!" Sigaw ko.

Iyon nga lang, mas mabilis iyong blockers ng Westmore. Parang nabasa na yata nila na iyon ang gagawin namin! Blocked!

Nagsigawan ang mga tao. Na-cover ko iyong block nila at mas lalong dumagundong ang buong arena. Si Jerome ang nakakuha ng second ball at sa opposite niya s-in-et. Lumusot na iyong bola namin sa second try pero nakuha iyon ni Cordova. Shit. Ang lakas na ng palo ng opposite namin pero nadepensahan pa rin nila!

Mabilis akong bumalik sa backrow. Kami naman ang dedepensa ngayon. Hindi ko inaalis ang tingin sa bola. No'ng mga oras na iyon, alam ko nang hindi namin maba-block ang palo ng kalaban kaya sinubukan kong basahin ang gagawin ng setter nila.

"Pipe attack!" Rinig kong sigaw ni coach.

At tama nga siya. S-in-et no'ng setter ng Westmore iyong bola papunta kay number eleven na ready na for a backrow kill.

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula sa audience pero nang tumalon na si number eleven, halos lahat sila ay sabay-sabay na natigil sa paghinga.

Shit... Lumilipad si number eleven!

May hang time siya sa ere!

Saan niya dadalhin iyong bola? Papaluin ba niya nang malakas? O magbabago bigla ang isip niya at magda-drop lang?

Ang hirap niya basahin!

Kailangan kong tatagan ang depensa ko!

Iyon nga lang, sobrang bilis ng mga sumunod na nangyari. One second, nasa court pa ng Westmore iyong bola. The next thing I knew, nagdilim na lang ang paningin ko nang sa mukha ko mismo iyon tumama. Naramdaman kong bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng impact.

At doon ko lang din na-realize na si number eleven nga pala 'to ng Westmore. Bakit ko ba naisip na hindi niya hahampasin nang malakas iyong bola?

"Roen Alejo wins it for Westmore University!"

Badtrip. Talo na nga kami, na-facial hit pa ako. Sana kumpleto pa iyong ngipin ko sa harap.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon