31

24.4K 1K 526
                                    

Note: Happy New Year! 🥳🎆🎇

• 🏐 •

"Hi, ma," bati ko kay mama nang pagbuksan niya kami ng gate. Natawa ako nang makitang nagulat siya na nandito ulit ako. Nag-bless ako sa kaniya.

"O, Kai, bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?"

Mula sa 'kin ay nalipat ang tingin niya sa nasa likuran ko. Nilingon ko rin si number eleven at muntik akong matawa kasi mukha siyang tuod doon na diretso lang ang tayo. Kita sa mukha niya na kinakabahan siya habang bitbit iyong mga box ng cream puffs na ibibigay niya kina mama.

Parang kanina lang pag-alis namin ng bakery ay good mood siya, a? Ilang beses ko pa siyang nahuling tumitingin sa 'kin tapos ngumingiti. Namumula pa iyong mga tenga niya tapos ay pailing-iling.

Anong nangyari ngayon, number eleven? Natanggal yata ang angas natin?

Pero hindi ko in-expect na makikita ko ngayon ang kabado face nitong si MVP. Usually kapag nasa court ay seryoso at confident ang isang 'to, e. Kapag normal na araw naman ay chill at pangiti-ngiti lang.

Kinakabahan ba siya kasi makikilala niya si mama?

E, paano na lang kapag pinakilala ko na siya bilang-

Bilang ano, Kai? Kung matapang ka, ituloy mo. Bilang ano? Boyfriend? Boyfriend, 'di ba? Ituloy mo.

Tsk. Epal na naman itong utak ko, e.

Tapos sasabayan pa ng puso kong ang lakas ng loob lumandi sa harap pa talaga ng nanay ko. Walang pinipiling lugar itong mga pasaway kong internal organs. Badtrip.

Dahan-dahang lumapit si number eleven hanggang nasa tabi ko na siya. Pareho namin siyang tiningala ni mama. Grabe. Kung gugustuhin niyang sakalin kami ngayon, tepok talaga kaming mag-ina sa laking tao nitong si MVP.

"Good afternoon po, Mrs. Reyes."

Hindi ko alam kung saan ako matatawa. Kung kay number eleven ba na ang pormal masyado at may accent pa iyong word na po niya o kay mama na nagulat kasi tinawag siyang Mrs. Reyes at nag-bless din sa kaniya itong isa.

Naks, lakas maka-pogi points naman nitong si MVP! Marunong mag-po at mag-bless!

"Magandang hapon din, hijo."

Nagkatinginan kami ni mama at kita ko sa mukha niya na nagtatanong kung bakit kasama ko si number eleven. Oo nga pala. Hindi ko nasabi sa kaniya na sasabay ako kay MVP pabalik ng Manila. Pero to my defense, hindi ko rin naman kasi in-expect na gusto pala magpaalam ni number eleven kay mama nang personal bago kami bumaba ng Baguio.

Magsasalita na sana ako. Iyon nga lang, naunahan na ako ni number eleven.

"I'm Roen Alejo po. Kai's..." natigilan siya saglit saka tumikhim. "... friend."

Nakita kong tumango si mama at napangiti.

Ewan ko pero... para akong nabunutan ng tinik nang makita iyong ngiti na iyon ni mama kay number eleven.

Magsasalita na sana ulit ako pero natigilan na naman nang ilahad ni number eleven kay mama iyong mga dala niyang box ng cream puffs.

"Para po sa inyo," sabi niya.

Napanganga ako. Grabe. Nag-Tagalog si number eleven! May something talagang nakaka-amaze kapag naririnig ko siyang mag-Tagalog. Paano ba i-explain... basta, ang expensive kasi pakinggan? Alam mong hindi niya madalas gamitin sa araw-araw. Conyo sa pandinig pero bagay naman kasi sa kaniya.

Ang cute lang, e. Kainis.

"Nag-abala ka pa, hijo. Salamat dito," sabi ni mama.

"You're welcome po."

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon