34

23.9K 1K 382
                                    

Trigger warning: This chapter contains scene that may be distressing/traumatizing for individuals who are experiencing or who have had experienced injuries. Reader discretion is advised. Thank you.

• 🏐 •

Nagsimula ang game namin against Easton University na wala ako sa wisyo.

Paanong hindi ako madi-distract kung sa tuwing magtatama ang mga tingin namin ni number eleven ay kunot ng noo at busangot niya ang makikita ko sa mukha niya? Tsk. Parang kasasabi ko lang na ayoko kapag badtrip siya pero kita mo naman ngayon ang hitsura ni MVP. Nakakatakot, e.

Mas nakakatakot pa sa mga malalakas na atake na pinapakawalan ng mga players ng Easton!

Pero syempre pinipilit kong 'wag muna isipin ang number eleven ngayon. May game kaming dapat ipanalo. Dito dapat muna ang focus ko.

Isa pa, dito rin nakasalalay ang confession ko kay MVP, 'di ba? Kaya kailangan kong galingan!

"Checkball!" Sigaw ko nang makitang gumalaw iyong daliri ng blockers ng Easton pagkatapos pumalo ni Drew.

Magse-celebrate na sana kami pero hindi natuloy nang pumito iyong referee at hindi sa 'min binigay iyong point. Napanganga na lang ako at hindi makapaniwala. Sa harap niya na nga nangyari, hindi niya pa rin nakita na checkball iyon? Ibang klase!

Ayoko sanang isipin pero parang dinadaya na kami ng mga 'to. Pangatlong beses na 'to nangyari. Oo, out iyong palo namin pero kitang kita naman na gumalaw iyong daliri ng blockers ng Easton pero sa kanila pa rin ang puntos? Badtrip.

Napalingon ako sa bench nang marinig namin si coach na sumigaw at magreklamo. Nilapitan siya ni Jerome at maya-maya pa ay pumunta na ang team captain namin sa first referee para i-clarify iyong call.

"Tangina. Kanina pa iyang ref na iyan," bulong ni Paul.

"Gago, 'wag naman nila ipahalata na pabor sila sa Easton. Umpisa pa lang ng season, e," sabi naman ni Vince.

Tiningala ko ang score board. Set 4 na. At akalain mo nga naman? Lamang kami ng isang set against Easton! Against the first runners-up last season! Against the off-season champions!

Hindi ko nga alam kung off-game lang ba sila o sadyang sobrang ganda lang talaga ng nilalaro namin. Una kong napansin na hindi maganda ang gising nila ay no'ng sunod-sunod ang misreceives nila no'ng set 1. Mukhang tama nga si number eleven na heavy serves ang weakness ng Easton kaya iyon ang c-in-apitalize namin.

Sa Creston napunta ang sets 1 and 2.

Nakabawi naman ang Easton sa Set 3.

At bawian lang kami ng puntos ngayong set 4. 18-17 ang current score pero kapag pinanindigan ng first referee ang wrong call niya, magiging dalawa ang lamang ng Easton sa 'min.

Nakikipagdiskusyon pa si Jerome sa first referee kaya kinuha kong opportunity iyon para i-huddle ang team.

"Guys, 'wag n'yo ipapakitang bumaba ang morale natin kung sa kanila mapupunta ang point ha? Kilala n'yo ang players ng kabila. Mag-aangas ang mga iyan kapag nakita nilang apektado tayo," sabi ko sa kanila.

Tumango naman silang lahat kahit hindi ko sigurado kung naririnig pa ba nila ako sa malakas na cheer ng mga tao ngayon dito sa arena.

"Basta papasa ako. Lahat ng spikers, a-approach ha? Attack lang nang attack. Kahit ma-block kayo. Co-cover ako, okay?"

"Copy, Kai!"

"Atin 'tong fourth set! Atin 'tong game!"

"Atin 'to guys! First win ng season!"

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now