08

28.6K 1K 99
                                    

• 🏐 •

Ang bilis ng mga sumunod na araw.

Grabe nga, e. Pagkatapos ng enrolment, parang hangin lang na dumaan lahat. Partida, wala pa kaming masyadong ginagawa, a? Puro conditioning at workout pa lang pero parang nagmamadali iyong panahon. Namalayan na lang namin, ilang days na lang at back to student mode na naman kami.

Buti na lang talaga ay nag-request sina Jerome ng team building para raw makapag-relax bago ang panibagong school year. Pinagbigyan naman kami ni team manager na always generous at palagi kaming binubusog at nililibre. Sagot niya lahat sa trip namin. Syempre tuwang tuwa ang buong team kasi presence lang ang ambag namin.

Magkakaro'n daw ulit ng isa pang out of town trip kapag nag-champion kami sa off-season tournament. Kahit saan pa raw. At ang mga loko-loko kong teammates, nag-suggest ng Disneyland. Hindi sa Hong Kong pero sa Tokyo pa ang gusto! Natawa na lang ako sa hitsura no'n ni team manager, e. Napasubo siya.

Speaking of libre, nakaka-DM ko pa rin si number eleven. Nagugulat nga ako minsan kapag nagme-message iyon, e. Nangungumusta lang naman. Minsan, random topics lang. Madalas, puro volleyball related. Nag-message nga rin iyon no'ng nag-IG story ako ng pinuntahan namin na beach resort.

At speaking of team building, ang yaman talaga ng mga sponsors ng Westmore. Nakita ko sa IG na pumunta sila number eleven ng Paris para i-celebrate iyong championship nila.

Tapos itong si number eleven, ang sabi ba naman, ang boring daw sa Paris. Mas gusto niya raw sa pinuntahan namin sa La Union. Ewan ko ro'n kay MVP.

kaireyes: Sasali ba kayo sa off-season tournament?

roenalejo11: Yes but I'm not included in the lineup.

kaireyes: Nice! Maganda iyan para walang malakas.

roenalejo11: Haha I wanna play though.

kaireyes: 'Wag na! Ipaubaya n'yo na sa 'min 'tong off-season! Pa-suggest naman sa coach mo na team B n'yo na lang ang ipadala please hehe.

Iyon nga lang, tinawanan lang ako ni number eleven.

Pero sana nga team B lang nila ang ipadala. Pero iyong off-season tournaments kasi ay para sa pag-build ng chemistry within the team. Lalo na kapag marami ang gr-um-aduate sa current lineup. Doon kasi malalaman kung saan at ano ang mga adjustments na gagawin para smooth na lang pagdating na ng mismong season. At syempre, para malaman na rin kung sino ang pasok sa starting 6.

Kaso knowing Westmore, kahit Team B nila, malalakas din. Mga lumilipad din tapos parang mga android kung pumalo ng bola. Gano'n kaganda ang sports program nila.

Pero syempre go Creston pa rin ako.

roenalejo11: I'll be watching your games if my schedule permits. Good luck, Kaizen.

kaireyes: Nakaka-pressure naman MVP! Pero salamat!

roenalejo11: You better sleep now. Pasukan n'yo na tomorrow, right?

kaireyes: Yep. Buti pa kayo, next week pa. Good night!

roenalejo11: Good night. See you in the games.

Natulog ako no'n na excited na kinakabahan para sa panibago na namang school year. Sophomore na ako sa Creston at sa team. Hindi na ako rookie kaya dapat ay mas lalo kong galingan lalo na sa susunod na season. Ang motto ko dapat bilang libero ay walang lalapag na bola. Hangga't kaya, dedepensa ako nang malala.

Isa pa, walang gr-um-aduate sa team namin unlike sa ibang schools kaya iyon ang magiging advantage namin. Nando'n na iyong chemistry. Kailangan na lang namin na maging consistent.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now