32

25.7K 982 152
                                    

• 🏐 •

Dapat pala ay mas in-enjoy ko iyong pag-uwi ko sa Baguio. Dapat pala ay nagpaluto ako kay mama ng maraming pagkain. Dapat pala ay mas nag-relax pa ako. At dapat din pala ay sinulit ko pa iyong time na magkasama kami ro'n ni number eleven.

Paano ba naman kasi, sobrang bilis ng pagdaan ng mga araw pagkatapos no'n. Halos hindi na ako maka-catch up sa rami ng mga ginawa at gagawin. Parang kaka-enroll ko pa lang ulit tapos namalayan ko na lang na malapit na pala ulit ang in-season tournament? Hindi ba halos katatapos lang ng finals? Ay, ewan.

Ni hindi ko nga masyadong na-enjoy iyong holidays, e!

I was like, iyon na iyon?

Dumaan na pala iyong Undas, Pasko, at Bagong Taon? Tapos schoolworks na ulit? Tapos workout at malalang trainings na naman ulit? Tapos malapit na rin ang hell week a.k.a. midterms?

Tapos magbi-birthday na rin pala ako!

Tatanda na naman pala ako this year.

At baka naman hindi ko na rin mamalayan na enrolment na naman pala ulit kasi 3rd na year na ako?

Ang advance mo naman masyado, Kai. Kung ipasa mo kaya muna itong sem na 'to, 'no? Kung mag-review ka nang mag-review riyan kaysa matulog?

Pero iyon na nga! Pagkatapos ng training, e, mas gusto ko na lang magpahinga talaga. Hindi na ako masyadong nakakapagbasa ng mga lesson kasi ang lala ni coach magpa-training ngayon. Pagod na talaga kaming lahat pagkatapos. Wala na nga ring energy para magkulitan, e.

Podium finish daw kasi ang goal namin this year.

Since nakapasok na kami sa final 4 last year at nag-bronze kami no'ng off-season, e, bakit hindi na raw namin itodo ngayon? Lalo na't may mga bagong recruit kaming rookies na malalakas.

Nakakatuwa nga, e. May kapalitan na ako na isa pang libero, si LA. Magaling na bata. Maliksi. Madaling maka-pickup ng mga pinapagawa ni coach sa kaniya. Ang bilis niya ring maka-adapt sa system ng team. Medyo madali pang kabahan pero sinasabihan ko siya na i-enjoy lang ang bawat game at 'wag magpadala sa pressure.

Pero mukhang sa 'kin ko yata dapat sabihin iyon kasi kinabahan ako nang malaman na Easton pala ang una naming makakalaban.

Tsk. Ano iyon? 0-1 agad ang record namin to start the season?

Hoy Kai, 'wag ka ngang negative! Kaya n'yo iyan! Bilog pa rin ang bola! Training lang nang training! More practice para matalo n'yo sila!

"Ayoko na!" Sigaw ni Jerome.

Nagulat kaming dalawa ni Vince. Pare-pareho kaming nag-aaral ngayon kasi umpisa na ng hell week bukas sa Creston. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam kung pag-aaral pa ba itong ginagawa ko.

Kahit anong basa ko kasi, e, wala nang pumapasok sa utak ko! Badtrip.

"Gago ka, cap! Nagulat ako!" Sabay bato ni Vince ng nilukot na papel kay Jerome.

Nagsimula silang mag-wrestling doon kaya mas lalo akong walang maintindihan sa mga binabasa ko. Kaya dinampot ko agad ang mga reviewers ko pati cellphone ko para sa lobby ng dorm namin na lang ako magpanggap na masipag na estudyante.

Iniisip ko na lang, nag-aaral ako para makapaglaro ako ngayong season. Kapag may isa ka kasing bagsak na subject, hindi ka talaga makakapaglaro kahit ikaw pa ang pinakamagaling sa team. Mahigpit ang Creston sa mga student-athletes, e.

Pero unang page pa lang ako ng binabasa ko, wala talaga.

Shit. Hindi ako pwedeng bumagsak.

Kailangan ko ng motivation!

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon