29

24.6K 964 186
                                    

• 🏐 •

"Sarap?" Tanong ko kay number eleven habang kumakain siya ng odeng na binili namin dito sa Night Market.

Kumunot nga lang ang noo ko nang umiling siya. Iyong iling pa niya, e, para bang nagsisisi siya sa kinakain niya ngayon. Pero puno naman iyong pisngi niya. Parang batang busog, e.

"E, bakit mo kinakain?"

Bigla siyang ngumiti habang ngumunguya. "Kidding."

Napailing na lang ako. "Sayang. Ililibre pa naman na sana kita ng chicken skin kung ayaw mo niyan."

"Don't eat those, Kai. Too oily."

"Uy, masarap kaya iyon."

"Still unhealthy."

"Bibili pa rin ako. 'Wag ka manghihingi, a?"

Natawa si number eleven sabay tusok sa takoyaki ko. Hinayaan ko siya kasi first time niya lang daw makakakain ng takoyaki na hindi sa Japan galing. Tugon? Rich kids problems.

Nakaupo lang kami rito sa likuran ng takoyaki stall habang kumakain ng mga kung anu-anong binili ko. Na-excite yata ako kasi naparami iyong bili ko. Pero hindi ko na lang pinansin kung iisipin ni number eleven na matakaw ako kasi ngayon na lang ulit ako nakapag-Night Market, 'no.

And speaking of Night Market, grabe, ang daming tao. Lalo na ro'n sa bilihan ng mga damit at kung anu-ano. Nakakatuwa pa nga iyong hitsura ni number eleven kanina, e. Parang batang nawawala kasi patingin-tingin lang siya sa paligid.

At ako pa nga ang hinawakan niya sa balikat habang naglalakad kami para raw hindi kami magkahiwalay.

Oo na. Aaminin ko, kinilig ako ro'n. Tsk.

Alam ko ang ibig sabihin niya ro'n, okay? Pero itong utak ko kasi ang may kasalanan! Combination siya ng delusyon, ilusyon, at malawak na imagination!

And speaking dito sa kasama ko ngayon na busy na manood sa mga tao, e, okay na ulit siya. Back to cool at pangiti-ngiti lang na number eleven.

Buti na lang.

Kasi ayoko na badtrip siya at tahimik.

Nag-mental note ako na 'wag siyang ba-badtrip-in in the future kasi nakakatakot pala.

Sa court lang siya dapat seryoso.

Pero sana 'wag naman masyadong seryoso kapag Creston na ang kalaban niya.

"Pagod na?" Tanong ko nang makitang humikab siya.

Ngumiti lang siya sa 'kin kaya binilisan ko na ang pagkain ko. Ito talagang si MVP, e. Nahihiya ba siya sabihin na pagod na siya? Malamang, pagod na nga talaga ang isang 'to. Ikaw ba naman ang mag-drive nang 5 hours papunta rito tapos hindi ka pa nakakapagpahinga mula no'n, e, ewan ko na lang.

Tapos ang dami pa naming pinuntahan kanina. Kumontrata ako ng taxi driver na pwede kaming ilibot sa city proper at para mas mabilis din kaming makarating sa mga tourist spots. Pumunta kaming Botanical Garden, Wright Park, The Mansion na hindi pwedeng pumasok, at Diplomat Hotel na hindi na rin pala pwedeng pasukan kasi delikado na raw sa loob.

Mukhang nalungkot pa nga ang number eleven kasi wala raw siyang nakitang multo. Ewan ko rito kay MVP.

Bukas na lang siguro namin pupuntahan iyong iba. Excited ako sa Strawberry Farm kasi pwedeng mamitas ng fresh strawberries do'n. May bayad syempre. Ang tagal na rin kasi no'ng huli akong nakapunta ro'n, e. At para na rin may pasalubong ako kina coach at sa mga teammates ko.

At since Sunday bukas, sarado ang isang section ng Session Road para sa chalk art. Excited na rin akong ipakita iyon kay number eleven...

... kay number eleven na nakatulog na pala sa tabi ko!

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now