36

25.7K 1.3K 1K
                                    

• 🏐 •

"Gusto rin kita, Kai."

Umawang ang labi ko sa narinig. Bahagya kong nilayo ang mukha ko sa kaniya para lang maabutan siyang diretso pa ring nakatingin sa mga mata ko. Pero tama naman ako ng rinig, 'di ba? Sinabi niya talaga iyon, 'di ba?

Iyong puso ko kasi... parang sasabog na sa lakas ng pagtibok na iyon na lang ang naririnig ko mula pa kanina.

Pero hindi nga... hindi naman 'to panaginip, 'no? Hindi naman siguro ako nagde-daydream? Hindi naman siguro 'to part ng mga delusyon, ilusyon, at araw-araw kong imagination, 'di ba?

Gusto niya rin daw ako. Iyon ang sabi niya!

Gusto rin ako ni number eleven!

I mean, kalahati ko ay ramdam nang gusto niya rin ako pero iba pa rin kapag narinig mo mismo sa kaniya!

"H-ha?"

Shit, Kai! Ngayon ka pa talaga maglalaro ng bingi-bingihan?! Anong klaseng response iyon?! Tapang mo kanina, 'di ba? Tsk!

Pero gusto ko kasi talagang makasiguro. Gusto ko ulit marinig mula sa kaniya na gusto niya rin ako. Na mutual ang feelings namin. Na hindi lang ako ang nababaliw kapag kausap at kasama ko siya. Na hindi lang ako ang kinikilig sa mga pinakasimpleng bagay tungkol sa kaniya.

"Pwede paulit ng sinabi mo?"

Wala naman sigurong masama kung uulitin niya, e. Ang tagal ko kayang hinintay 'to.

Ngumiti si number eleven at automatic na nakita ko na naman iyong fireworks. Tsk. Isang ngiti pa lang iyon pero nagkulay pink na rin agad ang paligid tapos naglitawan na naman iyong mga rainbow kahit hindi ko alam kung saan sila galing.

Grabe naman, Kai.

Nag-aaminan pa lang kayo no'ng tao pero ganiyan na agad kalala ang mga naiisip mo?

"Ang sabi ko," aniya at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Gusto kita, Kaizen Reyes."

Tangina.

Inulit pa nga talaga.

Ba't niya inulit? Hindi ba niya alam na nasa lalamunan ko na iyong puso ko at malapit ko nang isuka?

Sabi mo, ulitin niya? Gago ka rin, Kai, e!

Tumahimik ka muna diyan, utak, please. Give way ka muna kay puso na hinihika na yata kakatibok.

"T-Talaga?" Pinilit kong ikunot ang noo ko. "O na-pressure ka lang kasi sinabi kong gusto kita?"

Pero natawa lang si number eleven. "Of course not."

Tsk. Bakit gano'n? Bakit extra gwapo siya ngayon? Kasi mas bias na ako sa kaniya dahil pareho naming gusto ang isa't isa?

Shit... hindi pa rin talaga tinatanggap ng utak ko na gusto niya nga rin ako. Kung wala lang talagang injury ang tuhod ko ngayon, baka kanina pa ako nag-wiggle, wiggle sa kilig. Actually, nawala na nga rin sa isip ko na injured pala ako, e. Tsk. Grabe ka na talaga, Kai.

"Matagal na akong may gusto sa 'yo," dagdag pa niya.

Ginawa ko lahat ng best ko para hindi ipakita sa mukha ko iyong kilig. Pero ang totoo, e, nanghihina na talaga ako. Paano namang hindi, e, parang wala lang sa kaniya iyong sinabi niya! Tapos in Tagalog pa!

Feeling ko tuloy, e, babangon si Jose Rizal sa libingan niya at papalakpak kay number eleven. Ganiyan nga, MVP! Mahalin mo ang wika natin! Pakiligin mo ako gamit ang wikang Filipino!

Pero wait! Ngayon ko lang na-realize iyong sinabi niya!

"M-Matagal na? Hindi nga?"

"Yeah. Way back Palarong Pambansa 4 years ago."

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon