LEL 3: Brutch Xeph Crimson a...

Oleh NaturalC

21.9K 2K 143

Find the little girl who holds the code and kill her. Iyon ang instruksiyon kay Lead ng kanyang Lifter. Isa s... Lebih Banyak

Lead's Profile:
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Epilogue
LEL 4: Rhiley Cross Morgan a.k.a. Tin (Sn)

Part 8

495 51 4
Oleh NaturalC

"CURRENTLY they were having a breakfast on an open cafe," anang lalaking palihim na nagmamasid mula sa isang table hindi kalayuan sa dalawang presensiyang sinusubaybayan nito. "What's the plan, boss?"

"Don't take your eyes off of them. Kapag nakakita ka ng magandang pagkakataon para kunin ang target, huwag mo nang palampasin pa. Sa oras na makalabas ng bansa ang bata, wala na tayong magiging habol pa. The government of Brazil could only put up with us cause we know their dirty secrets. Hindi sila makikialam sa bagay na 'to. Ang tanging kaaway natin ay ilang mga tao na naiwan sa isla."

"So, this is not game-over yet, huh?"

"It's Plan B. Wala silang kaalam-alam na planado ang sitwasyon. Kailangang mangyari ang lahat para lumabas ang nagtatagong daga sa lungga ng mga pusa."

Ngumisi ang tauhan. "You are truly a sly one, boss. You have the mask of a cat yet you're truly a wolf behind it."

"Simula pa lang, malinaw na ang mithiin ko. At napagtanto kong di ko 'yon magagawa sa loob ng organisasyon. That title isn't even worth my life. Isa lang ako sa mga naging tau-tauhan nila."

"Gusto mo bang patayin ko sila?"

Ilang segundong natahimik ang kausap nito. "Gawin mo ang kailangan mong gawin," pamaya-maya pa ay sabi nito. "Pero huwag mong maliitin ang isang frontliner. Kapag pumalpak ka, sa impiyerno ka pupulutin, Sky."

Ngumisi ng mapakla ang lalaking tinatawag na Sky at matalim ang pagkakatingin partikular sa sinusubaybayan nito. The guy was able to determine if the target was a prey or a predator like him. He was a hunter. Nakapagpabagsak na ito ng ilang hayop sa Africa at Amazon. Nakipagbuno na siya sa isang tigre gamit ang matalas niyang kawit. He lived in the jungle half of his youth. Sa piling ng mga katutubong pula sa Colorado Indian reservation sa kanlurang timog ng Amerika.

But Sky didn't have the blood of a native Indian. He was a half-blooded British na inabandona ng sarili niyang bansa. Inilaglag ng organisasyong Pentagon o ang US Department of Defense matapos ang alitan ng mga Amerikano at Briton sa naging pagsabog sa metropolitan area sa San Diego isang taon na ang nakararaan.

Minarkahan siya bilang traydor---isang espiya ng Britanya. He never was but he never thought he would be. Binura ng gobyerno ng U.S. ang eksistensiya niya. Maging ang ilang taong konektado sa kanya ay nadamay. Jorell, who stood as his father died along with their tribes. Ang lupaing ipinaglalaban nila sa mga puti ay nauwi sa wala. It was a dirty scheme. Una siyang kumitil alinsunod sa kagustuhan nang gamitin ng Sheriff ang impluwensiya nito upang dakpin ang kanilang tribu.

Wala siyang makapang pagsisisi. Sa isip niya ay kumitil lang siya ng buhay ng isang kriminal. Walang pagkakaiba noong naninilbihan pa siya sa Pentagon sa Arlington County, Virginia. Pagkatapos no'n ay naging isang hamak na freelance hunter siya. Walang direksiyon. Walang destinasyon. Humihinto kung saan tumigil ang mga paa. Bayaran ng mga pribadong organisasyong gustong saklawan ang gobyerno. Wala siyang pakialam sa motibo ng mga ito. Naging sunud-sunuran siya sa agos ng pera.

Isa lang natutunan niya sa buhay, na pera ang nagpapakilos sa tao ang at ang nagpapainog sa mundo. Pero ang malala, ni wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya sa sariling pera. Marahil ay gusto niya lang lunurin ang sarili sa mga bakbakang nagpapaupos ng buhay niya tulad ng isang kandilang hindi mamatay-matay ang apoy. Apoy na alam niyang tutunawin ang buo niyang pagkatao.

He was young yet he lost the drive to live with purpose. Dahil nangangahulugan 'yon na kailangan niyang makipagugnayan sa iba. Para mabuhay at huminga ng may kasama. Hindi niya ibig mag-isip tulad ng isang normal na nilalang. Half of his soul was already dead. Kasabay na naglaho ng itinuring niyang pamilya.

Isang patay na tingin ang nanuot sa kanyang mga mata nang dumako ang kanyang atensiyon sa bata. Inosente at walang muwang. Magagawa niya bang hayaan ang paslit na ito? He grinned cruelly.

Of course not.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"MARCO."

Tinapik ni Lead sa balikat ang kadarating na lalaki na nasa mid-forties na kulay tsokolate ang balat. Isang African Portuguese na naging informant niya at dating tapat na tauhan ng kanyang pamilya.

"Xeph. Tem sido um longo tempo. It's been a while." Gumanti ito ng yakap. Bakas sa naluluhang mga mata ang lungkot at galak.

"Yeah. I'm happy to see you, man." Apat na taon na rin magmula nang putulin niya ang komunikasyon dito. Marco was willing to help him with anything to the point of sacrificing his own life. Di matatawaran ang loyalty nito sa kanyang pamilya kahit na wala na halos lahat ang mga miyembro. Subalit hindi niya gustong malagay sa pa sa panganib ang buhay nito matapos nitong makapag-asawa. "Kumusta si Mercy?" tukoy niya sa Filipinang napangasawa nito.

Ngumiti ito matapos humiwalay. "Still as beautiful like a wild flower. But sad to say, we still never blessed a child."

Pasimple siyang tumanaw kay Mary Grace ilang metro ang layo sa kanila. Sinalubong niya si Marco sa gilid ng kabilang daan kung saan huminto ang sasakyan nito at iniwanan ang bata sa open cafe. Gusto muna niyang kausapin ang kaibigan bago niya ito iharap sa bata. "I actually called to ask a favor, Marco."

"Sabihin mo lang."

"Gusto ko sanang iwan muna sa poder mo ang batang nasa pangangalaga ko."

Tumaas ang isang kilay nito. "Is this involving that?

Huminga siya malalim. "Sort of. Pasensiya ka na. Ayaw kong idamay ka sa gulo. But the kid---"

"You know you can always count on me. Nang maaksidente si Mercy at maoperahan sa ulo, hindi ka tumigil sa pagpapadala ng pera, Xeph." Nagsindi ito ng tobacco mula sa pakete na dinukot sa bulsa nito.

"Walang kaso ang pera kompara sa mga nagawa mo para sa'kin, Marco."

Tumawa ito. Nagbuga ng usok. "Nandito ba tayo para isa-isahin ang utang na loob natin sa isa't-isa? Kung susumahin wala ako ngayon dito kung wala ang pamilya mo."

Napaismid siya pagkabanggit nito sa kanyang pamilya. Nag-iwas siya ng tingin para hindi dito ipahalata ang lumatay na sakit sa dibdib niya. Muli niyang sinulyapan si Mary Grace. Palingon-lingon ito sa kung saan-saang direksiyon. Malamang na hinahanap na siya nito.

"Her name is Mary Grace," pamaya-maya pa ay sambit niya. "She's maybe nine or ten, Marco. Hindi siya nakakapagsalita. Naulila sa magulang at ngayon ay nasa panganib ang buhay niya."

Sinalubong nito ang kanyang mga mata. "When will you stop forfeiting your life, Xeph?"

Napahilamos siya sa mukha at naupo sa bumper ng pickup nito. Pakiramdam niya ay tinakasan ng lakas ang kanyang mga tuhod sa tanong nito. "She's cute. Pasalamat ka sa'kin at magkakaroon ka ng magandang anak na babae," pagpapatuloy niya na pilit inignora ang interogasyon nito. "Madali siyang umiyak kaya medyo habaan mo ang pasensiya. Alam kong magugustuhan siya ng asawa mo dahil isa siyang Filipino. Kung mamahalin niyo siya, susuklian niya din 'yon ng pagmamahal. It's rather troublesome that she's getting attached to me but she's a good kid. May kaunting diperensiya sa puso. Nakausap ko na ang doktor at ii-schedule niya ang operasyon ngayong araw. Ipapadala ko ang mga dokumentong kakailanganin mo kung saka-sakali. Register her with the same name but different surname. Kung maaari, lisanin niyo ni Mercy ang Brazil at mangibang bansa kasama ang bata pagkatapos ng isang buwan. I'll take care of everything that will be neede---"

"Nagkukunwari ka pa rin bang magiging maayos ang lahat, Xeph? Kailan mo bibigyang atensiyon ang sarili mong buhay? Inililigtas mo ang buhay ng iba pero bakit hindi mo ma-i-ahon ang sarili mo para magbago?"

"Damn it!" Nasuntok niya ang hood ng sasakyan sa rumagasang emosyon sa kanyang sistema. Nayupi ang harapan niyon. "Stop blabbering nonsense, Marco! Walang magbabago pagdating sa buhay ko!"

Nilabanan nito ang nag-aapoy na mga titig niya. "Dahil ayaw mong buksan ang mga mata mo, Xeph para makita ang liwanag palabas sa madilim na mundong kinalalagyan mo. Hindi nagtatagal ang buhay ng tao, anak." Dumako ang mga kamay nito sa magkabila niyang balikat. Sa naniningkit nitong mga mata ay naroon ang kulubot na balat.

Noon lang napansin ni Lead na tumanda ito higit sa edad. Medyo pumayat ang dating malaking katawan. Unti-unting nahuhulog ang kabataan at iginigupo ng katandaan.

"Walang araw na hindi ko naiisip ang sitwasyon mo. Sa tuwing nakikita ko ang likod ni Mercy mula sa kusina, naroon ang luwalhati at kapayapaan. Na suwerte ako at minahal ako pabalik ng buhay na minsang itinapon ko. At di miminsang hiniling ko sa Kanya na maranasan mo ang ganoong pakiramdam. Ipipikit ko ba ang mga mata kong hindi pa rin palagay sa tamang landas ang buhay mo, Xeph?"

"I can't walk on the path of a normal human anymore," nakapamulsang saad niya. "It's too late." His voice broke on the word late.

"There was never a word late as long as you are alive."

Umiling siya. "Hindi ko gustong pag-usapan ang bagay na 'to, Marco."

The African-Portuguese heaved a sigh. "Hindi pa rin ako susukong kumbinsihin ka, anak. Pero sa ngayon gusto kitang tulungan sa kinalalagakan mong sitwasyon. Nasaan si Mary Grace?"

Bigla niyang inangat ang mukha. Kung ganoon ay nakikinig ito sa sinasabi niya sa pagbanggit nito sa pangalan ng bata. "Yes. She was right there---" Biglang napahinto si Lead sa sasabihin. Ang nakaumang na hintuturo sa ere ay naiwang nakabitin mula sa blankong epasyong kinauupuan ni Mary Grace kani-kanina lang.

Tila may kamaong kumabog sa kanyang dibdib. Kasabay ng pagkiling ng kanyang ulo ay ang mabilis na pagdukot niya sa cellphone na nasa bulsa ng kanyang jacket. Ramdan niya ang panginginig ng kalamnan

"Hello, Tin. Can you locate the kid for me? May tracking device na nakakabit sa kanya." Matapos kausapin ang kasamahan ay binalingan niya ang nakakunot na matanda.

"Anong nangyari?"

"Marco... I'm sorry but can you lend me a hand?" Kahit tila nalilito ay pilit niyang pinatatag ang kaisipan. Hindi niya ito gustong idamay pero wala siyang magagawa sa ganoong sitwasyon. Naramdaman na niyang may mali pero hindi niya 'yon binigyang-pansin. He was in a deep bullshit! Hinagis niya dito ang revolver na nasa baywang niya. "You still didn't loose your touch, right?"

Ngumiti ito ng may kumpiyansa. "Once a marksman will always be a marksman." Pinaikot nito ang baril sa kamay.

****

- Amethyst -

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

243K 6.1K 27
"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖...
3.8K 117 14
Si Azaylie Juarez ay gagawin ang lahat para mabuhay ang kanya ama na nag-aagaw buhay sa hospital, kung kailangan niyang gumawa ng bagay na labag sa b...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
27.7K 1.1K 16
Nalagay sa Eskandalo ang tahimik na buhay ni Angel ng magkaroon sila ng matinding bangayan ng sikat na baguhang writer at Chickboy na si Craig, ...