Part 37

438 44 3
                                    

Inundayan ng suntok ni Bismuth ang assassin na nadatnan sa loob ng kuta. Ang tumatayong leader nila sa misyon ay walang kakilos-kilos mula sa pagkakasadlak sa sahig. "You're a sh*t!" Sinipa niya ito nang hindi masiyahan sa patay na reaksiyon ng kasamahan. It had been two weeks since this man ditched their meeting sessions. Hindi niya ito ma-kontak at hindi ito matunton ni Nitro. Hinila niya ang kuwelyo ng jacket nito. "Kung nagagawa kang pagtakpan nina Tin at ni Nitro sa Lifter, puwes ibahin mo 'ko. Di ko kukunsintihin ang kagaguhan na 'to. May itinatago ka ba sa amin?"

Wala itong kaimik-imik. Ang malakas na mandirigmang minsan nang nagligtas sa buhay niya ay tila isang kaawa-awang nilalang ngayon. At hindi niya 'yon masikmura.

"If you're going to be like this forever, then... would it be better if I just kill you right here?" malamig na sambit niya.

Doon ito tumingin sa kanya. Ang pares ng luntiang mga mata na waring nawalan ng kaluluwa ay tumunghay sa kanya. "Please do it. I would gladly appreciate it." Maging ang boses nito ay walang tono. 

What the hell was happened to this guy? Bakit tila ito namatayan? Kung ganoon man, iisang eksistensiya lang ang kilala niyang nakakaapekto dito. Maaaring may kinalaman 'yon sa munting batang 'yon. Pero hindi ba't naiwan ang babaeng 'yon sa Pilipinas? Hindi niya gusto ang ideyang nagsusumiksik sa kanyang isip. Hindi maglalakas-loob si Lead na isama ang babae doon. Pero ano pang magiging paliwanag? Ang pagkawala nito ng ilang araw at ang pag-alis-alis nito sa tuwing nakakahanap ng tiyempo sa mga araw na ginugol nila sa bansang 'yon. Ang pagbili nito ng isang property na binanggit ni Nitro. Everything did make sense. Nakikipagkita ito ng lihim sa babaeng 'yon!

"You..." Ikiniling niya ang ulo habang naniningkit ang mga mata. "What happened to the kid?"

Ang pagkislap ng kung ano sa mga mata nito ang senyales na naintindihan nito kung sino ang tinutukoy niya. At iyon din ang pruweba na tama ang kanyang hinala.

"You!" Hindi na niya napigilan ang sarili at muli itong sinuntok. "Alam mo ba ang ginagawa mo? Nababaliw ka na, Lead!"

Pagak itong tumawa habang pinapahid ang dugo sa gilid ng mga labi. Bumangon ito sa pagkakasadsad sa semento. Sumandal sa dingding sapo ang noo. Tinatakpan ng kamay nito ang mga mata. "Yes, I had gone crazy, Sky. Because I had these dreamy and silly thoughts that I could start a normal life again. I must be dreaming." He let out a shallow laugh once more. "An assassin should stay an assassin 'till the day he die. Alam 'yon ng HYDRA kaya tinatawag nila tayong buhay na sakripisyo. Wala tayong karapatang mabuhay na lumalagpas sa sarili nating limitasyon. Wala tayong karapatang magmahal o ang mahalin ng iba."

Laking gulat ni Bismuth nang masilayan niya ang likidong tumulo sa pisngi ng kasamahan. Hindi niya maaninag ang mga mata nito dahil tinatakpan 'yon ng palad nito pero sigurado siyang lumuluha ito. The cry of a lone wolf. Kailanman ay di niya nakitang nagbuhos ito ng ganoong emosyon. Kahit noong panahong nasa bingit ito ng kamatayan o nang paslangin nito si Lambert. Lead was not an iceman like him. Tumatawa ito at malamang na tumatangis tulad ng isang normal na nilalang. But this guy would never show his true feelings on his co-assassins.

Maaring hindi halata, pero sa lahat ng assassin ng HYDRA, si Lead ang pinakawalang-tiwala sa lahat. Kung ano ang sinapit nito noon at kung ano ang nararanasan nito sa kasalukuyan. Di nito isasantinig kanino man ang nasa isip nito. Not until this very moment.

"Our life would always end on a tragedy," pagpapatuloy nito sa sintimiyento. "Hindi pa ba 'ko nakahalata kay Silver at kay Copper? At imbes na ako lang... hinayaan ko siyang mag-agaw-buhay, Sky."

"S-she died?" Naglaho ang ano mang iritasyon sa kanyang dibdib para kay Lead.

Umiling ito. "Almost. But she's in a state where anytime she could perish."

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon