Part 36

474 46 6
                                    

LEAD never felt so normal before until that moment. Nakatingin siya kay Mary Grace na maamong nakangiti sa kanya sa kabilang panig ng mesa. Lalong naging maliwanag ang paligid sa five star hotel na 'yon dahil sa aura ng babae. It was a normal dinner date between a couple---but probably not for the two of them because both of them didn't use on such things like dating.

Sa suot na lacy pink dress, tila isang prinsesa ang dalaga. At wala nang mas nagpapaligaya pa kay Lead kundi ang makitang masaya ito. Sa bulsa ng coat niya ay naroon ang regalo niya para dito. At hiling niya'y hindi magbago ang ekspresyon nito sa ibibigay niya. Ngunit may tamang oras para doon. Sa kasalukuyan, abala ang pansin niya sa mga mata ng ilang lalaking Ingles na nakapako sa direksiyon nila. Kumukuha ng atensiyon si Mary Grace nang hindi man lang nito napapansin. She was too charming to be ignored by these wolves. Subalit sa kanya lang ito nakatingin. Ni hindi ito lumilingon sa paligid. At nakaramdam siya ng kakaibang saya dahil nasa kanya lang ang pansin nito.

It was absurdly making him happy. Kailan pa siya naging ganoon? Sobrang umaakto lang siya ng weirdo pagdating sa babaeng ito. Just only to her. Oo. Pag-ibig nga ang nararamdaman niya para dito. Isang romantic feeling na hindi niya puwedeng ipagkamali sa attachment na naramdaman niya noong bata pa ito. Dahil sa ngayon, pakiramdam niya ay kaya niyang gawin ang lahat basta't kasama niya ang dalaga. Kaya niyang gawin at isakripisyo ang lahat maging ang pagiging assassin niya sa HYDRA. He always wanted to quit but now there was a concrete reason for him to breathe just for himself. Akala niya ay hindi na darating pa ang pagkakataong 'yon. Na mararamdaman niyang kailangan niyang mabuhay para sa sarili at para sa isang eksistensiya.

Subalit hindi tulad ng isang pelikula ang reyalidad ng buhay na kadalasan ay may maganda at idealistic na katapusan. Kung kakalas siya, nangangahulugan rin 'yon na pinili niyang tapusin ang sariling buhay. God... if there was a way, even if it was a small hope to escape the organization, he would take his chance to live a normal life again. Pero huli na ang lahat para sa kanya?

"There's never a word late as long as you are alive." Naalala niya ang sinabi ni Marco sa kanya. Di siya makapaniwalang kakainin niya mismo ang kanyang mga salita. Sana lang ay tama ito. Sana ay hindi pa huli ang lahat kung sakaling iwan niya ang HYDRA.

"Anong iniisip mo?" boses ni Mary Grace sa gitna ng kanilang dinner.

Naramdaman na lamang ni Lead ang kudlit ng daliri sa tungki ng kanyang ilong. Pinahiran siya nito ng icing mula sa cake na nasa mesa. He wiped the cream with his forefinger and licked it while not leaving her gaze. Unti-unti siyang napangiti dahil naging tila estatwang bato ang dalaga sa kinauupuan nito. Cute. Tumawa siya at pinisil ito sa pisngi.

Umismid si Mary Grace na lalong nagpatawa sa kanya. Subalit bigla itong dumukwang at bigla siyang hinalikan. It was only a smacked on the lips. Pero ramdam niya ang reaksiyon ng sariling katawan. Ang simpleng pagdidikit na 'yon ay muling gumising sa pagnanasa niya para dito.

Napabuntong-hininga siya habang hindi nabubura ang nakapagkit na ngiti sa labi. Sapo niya ang noo at napapiling na lang. Wala siyang panalo sa babaeng ito. Tila dito siya susuko sa lahat ng mapanganib na taong nakasagupa niya sa labanan na hindi niya inuurungan. If he could live with her, he would gladly admit defeat.

"Xeph, gusto mo bang kantahan kita?" masiglang tanong ni Mary Grace sa kanya.

Tumawa siya. "Hindi ba dapat na linya ko 'yan? Ako dapat ang kumanta ng happy birthday para sa'yo."

"No. Ako ang unang kakanta ng happy birthday para sa'yo. Let's skip my turn this year."

"Bakit?"

"Unfair kasi. Duda 'kong may kumakanta ng happy birthday sa'yo sa tuwing sumasapit ang kaarawan mo. I had at least Malou to celebrate with. Gusto kong gawin ang mga bagay na parang ipinagkait mo sa sarili mo. I want you to be happy."

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon