Part 1

1K 57 6
                                    

Rio de Janeiro, Brazil

"All positions ready! Move! Class A mission. Initiate!" 

Dinig ni Lead mula sa kanyang earphone ang intsruksiyon ng Lifter. Sinenyasan niya ang may limampung mga tauhan na pasukin ang loob ng building. Magagaan ang mga yabag. Ang kilos ay maliliksi. Pulido ang mga galaw. Mga dating sundalo at mersenaryong sanay sa mga misyon at raid. Subalit di basta-basta ang mga taong ito. Lahat ay propesyunal. Di tulad ng ibang pulis at sundalo ng gobyerno na may isinasang-alang-alang na buhay.

Ang mga miyembro ng kanilang organisasyon ay naroon di para mang-husga o mag-imbestiga. HYDRA was not an organization led by the government. Naroon sila upang magpataw ng parusa. Matagal nang naibaba ang hatol sa mga teroristang utak ng pagpapasabog sa isang siyudad sa Amerika isang taon na ang nakakaraan. 

Walang nagawa ang gobyerno upang tuligsain ang utak sa pagpapakawala ng isang nuclear warhead. Cover-up lamang ang nangyari para palabasin sa mass media na nahuli na ang may sala. The purpose was to calm the people that there would be a war arising between Japan, China, and US. 

Iyon agad ang pumapasok sa utak ng mga sibilyan dahil sa alitan ng tatlong mauunlad na bansa. It was a tragic history that started on bombing the Pearl Harbor by the Japanese and answering the blast to Hiroshima by Americans. Ang kasaysayan na nagpa-usbong sa World War II.

Ngayon ay nakaambang maulit ang bagay na 'yon dahil sa isang grupo ng mga kriminal. Sinusubukan ng TRIAD na lumikha ng kaguluhan sa pagitan ng mga bansa. Ilegal na umaangkat ang mga ito ng Uranium sa buong mundo. 

Isang isla sa sa South America ang natuklasang source ng napakaraming Uranium at Lithium. Lingid sa kaalaman ng gobyerno, ginawang kuta ng mga terorista ang islang 'yon para sa isang napakalaking proyekto sa paggawa ng thermonuclear weapon. The MK 41 tertiary stage project.

Janeiro Explosivo Projeto. 

Isang ambisyosong proyektong sangkot ang ilang Portuguese na kayang burahin sa mapa ang isang buong bansa. Isang scientist ang nakabuo ng formula sa paggawa ng nuclear bomb na may pinakamataas na concentration ng Uranium na nagkakaroon ng matinding chain reaction sa light water reactors. Probably it would be the highest-yield nuclear weapon ever built or tested. Wala nang sino mang magnanais na subukan o i-develop ang proyekto bukod tanging sa isang taong gustong saklawan ang buong mundo. Pinaniniwalaang ang nasa likod ng proyektong ito ay isang Ingles.

Godfrey Falkner—isa sa mga opisyal na kuko ng TRIAD. Isang matandang bilyonaryo na nagmamay-ari ng ilang planta ng polyethylene at petroleum companies na nagkalat sa buong mundo. Sa publiko at gobyerno, napakaganda ng imahe nito dahil napagtatakpan ng ilang charitable institution ang mga ilegal na aktibidades nito. Subalit ayon sa aunthentic source ng kanilang organisasyon. Positibong ito ang nasa likod ng pambobomba sa isang metropolitan area sa San Diego. 

Konkreto ang motibo nito. Binitay ang kakambal nitong si Damon Falkner sa salang pamamaslang at panghahalay sa ilang teenagers na kinakargahan nito ng droga tatlong taon na ang nakalipas. Walang nagawa ang pera nito para isalba sa kaso ang kapatid. Matibay ang ebidensiya at hindi pumayag ang mga kaanak ng biktima para sa isang matiwasay na kompromiso. 

Matindi ang galit nito sa gobyerno at embahada ng Amerika dahil hindi ito nagtagumpay na suhulan ang ilang mambabatas para ipa-deport ang kapatid pabalik ng Europa kung saan mas gagaan sana ang sintensiya dito. Nawala kay Godfrey ang kaisa-isa nitong pamilya ganoon din ang katinuan sa isip nito. Isang taon ang nakalipas matapos mahatulan ng kamatayan ang kakambal ng bilyonaryo, sinimulan nito ang pagbuo sa proyekto. At ngayon nga ay naroon sila para tuluyang burahin ang lahat ng sangkot sa apat na taong pinagbuhusan ng pera, panahon, at pag-aaral para pabagsakin ang Amerika.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon