Part 4

519 56 4
                                    

Kailanman hindi naging walang saysay ang salitang paghihiganti. Dahil 'yon ang bumuhay at nagpatatag sa kanya sa loob ng mahigit sampung taon. Kung nawalan ka ng rason para mabuhay, gawin mong rason ang poot at galit na nasa dibdib mo.

Nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon. Iyon na lang ang puwede niyang asahan. At talagang hinihiling niya na hindi matutulad ang bata sa kanya. Dahil magpahanggang ngayon ay hindi niya pa nakikita ang isang bagay na magpapabalik ng ngiti sa mga labi niya.

Inangat niya ang baba ng batang babae. "Live. Just live." Iyon lang ang mga salitang namutawi sa kanyang bibig. "Wala na akong magiging pakialam pa sa magiging dahilan mo para mabuhay. It's your choice either you live in the light or painstakingly live in the dark."

His cold eyes met the girl's wavering eyes. Nagsalubong ang mga kilay at nalukot ang noo nito. Sumibi ang mga labi hanggang sa mauwi sa paghagulgol. Malupit sa pandinig nito ang ginamit niyang mga kataga. Ngunit tama lang 'yon. Gusto niyang sugpuin ang namumuong negatibong emosyon sa puso nito nang hindi pumapasok sa usapan ang paghihiganti. Takot ang mainam na panangga sa isang papasibol na matinding galit.

Hinawakan ng bata ang kamay niya at iniumang ang kanyang palad sa kanyang pagkagulat. Tigmak ng luha ang mga pisngi, kumilos ang nanginginig nitong mga daliri.

"HOW?"

Iyon ang mga salitang isinulat nito sa kanyang palad.

Kumunot ang noo niya. Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang tila nagmamakaawang ekspresyon nito.

Muli itong gumuhit ng mga letra. "How can I live?" Tumingala ito sa kanya. "Could you please tell me how?"

Pakiramdam ni Lead ay may dumaklot sa kanyang puso at may nagsindi ng apoy sa kanyang baga. Wala siyang maapuhap na sabihin sa mga oras na 'yon. Naiintindihan niya kung gaano kahirap simulan ang isang bagay na nagwakas ng biglaan. Alam niya 'yon.

Subalit ayaw niyang mamayani sa dibdib ng batang ito ang miserableng pakiramdam ng pagiging mahina at sisihin mismo nito ang sarili nito dahil wala itong nagawa dala ng pagiging walang muwang. Walang magandang kahihinatnan ang pagtatatwa sa sarili. Mariin siyang pumikit at isang pilit na ngiti ang pinaalpas niya sa kanyang mga labi pagkatapos.

"Hey. Anong pangalan mo?" Imbes ay tanong niya. Noon niya lang napansin na hindi niya pa pala alam ang pangalan nito.

Ilang segundo itong natigilan bago marahang ipinagpatuloy ang paggawa ng mosyon sa kanyang palad.

"MARY GRACE."

Iyon ang pangalang ipinakilala nito.

"Mary Grace?"

Tumango ito. "YOU?"

"Xeph. Tawagin mo akong kuya Xeph." Naikiling niya ang ulo nang may mapagtanto. "Although imposible 'yon dahil hindi ka nga pala nakakapagsalita. Pero sekreto ang pangalan 'kong 'yon." Kinindatan niya ito at inilapit ang hintuturo sa bibig. "Just between the two of us, kiddo."

Kumislap ang mga mata nitong may lilim ng dalamhati. Pagkatapos ay kiming yumuko.

"Huwag kang mag-alala. Pansamantala magtiis ka muna dito. Tin were already tracing your relatives. Sila ang mag-aalaga sa'yo. Nawalan ka man ng magulang, hindi ka mag-iisang iiyak o malulungkot. Kaya huwag mong pasanin ang isang bagay na hindi mo kayang buhatin o panindigan." Huminga siya ng malalim at isang pangako sa sarili ang naiwan sa kanyang dibdib. Whatever it takes, he would surely find a way to get this little girl's life back to normal.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon