Part 29

376 48 2
                                    

Humihingal si Mary Grace habang patuloy na naglalakad ng walang direksiyon. Patuloy sa malakas na pagbuhos ang ulan sa madilim na bahaging iyon ng daan. She never felt so alone in her whole life before. Pagkagaling niya sa eskuwelahan ay tumuloy siya sa bahay nina Luke. Hindi ito nagpakita sa school kaya naman baon ang galit, pagkamuhi, at bugso ng damdamin, hindi nag-iisip na pinuntahan niya ito sa lunggang pinagtataguan nito para kondenahin. 

Wala pa ring lakas ng loob si Malou na pumasok sa eskuwelahan. Hindi niya ito mapilit na sabihin ang totoo sa parents nito. Ilang beses niya itong kinumbinsi na wala itong kasalanan sa nangyari. Na kahit nakaramdam ito ng awa sa binata at nagpauto sa mga salita nito ay hindi 'yon bibigyang pansin sa korte. Pero wala itong balak na i-report sa pulis ang mga nangyari. Nagmakaawa ito sa kanya para tumahimik. At wala siyang mapagbalingan sa nararamdamang frustrations kundi ang hayup na si Luke!

Pagbungad pa lang ni Luke pababa sa hagdan ay sinalubong na agad ito ng malutong na sampal ni Mary Grace.

"How dare you?! Anong klase ka?!" naglalatang sa galit na sigaw niya.

Nakita niya ang pagkapikon na gumuhit sa mga mata nito. Walang pakundangang nagmura ito at gigil na hinawakan ang dalaga sa baba. "Hindi dahil sa tipo kita, palalampasin ko na ang pananakit mo!"

"Ang kapal mo! Hayup!" Tinabig niya ang kamay nito itinulak palayo. "Matapos ng ginawa mo kay Malou, may gana ka pang magalit?!"

Nakita niya ang pagkabiglang gumuhit sa mukha nito. Tumingin ito sa katulong na naglilinis sa living room at sinenyasan itong iwanan sila doon. Nakaramdam ng kaunting pangamba si Mary Grace. Baka kung anong gawin sa kanya ng adik na ito. Pero hindi niya ito uurungan. Lalaban at papalag siya kung sakali. At tiwala siyang hindi ito gagawa ng masama sa loob mismo ng pamamahay nito.

"Your friend gave in. Kasalanan ko ba kung madali siyang bumigay? She's an easy girl like those prostitutes!"

"Huwag mo siyang insultuhin! Ang kapal ng mukha mo!" Lumapit siya dito at gigil na pinagbabayo ito sa dibdib. "Alam nating pareho na ikaw ang unang lalaki sa buhay niya. Malou's been looking up to you though you don't deserve it even a bit! At anong isinukli mo?! You trash!"

Sinalo nito ang mga braso niya at ibinalya siya sa dingding. Impit na napaigik si Mary Garce nang tumama ang likod niya sa pader.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon