Part 16

465 49 4
                                    

NANG umagang 'yon, isang presensiya ang naghatid ng sorpresa at iritasyon kay Mary Grace. Isang babaeng blonde na nakaupo sa tabi ni Lead. May kung anong pinag-uusapan ang dalawa habang nakaharap sa laptop na nasa mesita.

"Nandito si Greyson sa Pilipinas. It's too lame to say it was just a pure coincidence. Sinusubaybayan ko ang mga galaw niya pero wala pa rin akong nate-trace na kaduda-duda sa phone logs niya. Imposibleng may komunikasyon siya kay Godfrey. Alam niyang bantay-sarado sa kanya ang HYDRA. Pero isang baliw na scientist ang pinag-uusapan natin dito at posibleng makahanap siya ng paraan para maabisuhan ang isa sa mga kuko ng TRIAD," anang babae sa wikang ingles. Kapansin-pansin ang American accent nito.

"Andrea hindi imposible. Mary Grace was already attacked! Alam 'kong si Greyson ang utak ng lahat dahil siya lang ang nakakakilala sa bata."

"So what? You'll hastily act and kill him without direct orders?"

"Damn orders! Ginagawa lang nilang pain si Greyson para mahuli sa akto si Godfrey. HYDRA is taking too much risk!"

"No, they aren't. You know that they'll do anything to know the whereabouts of the billionaire. Sampung taon siyang nagtago at ang nakatimbog sa kanya ay isang sibilyan pa na may galit sa kanya. Comatose ng dalawang taon si Godfrey, pero ano? Para siyang madulas na ahas na nakakawala sa organisasyon. Masyado siyang mautak at mayaman, Lead. At halos itago siya ng buong gobyerno ng Europa dahil financier siya ng ilang korporasyon doon na responsable sa ilang ekonomiya ng England at Italy."

May namuong tensiyon sa hangin pagkatapos nitong sabihin 'yon.

"You must get the microchip as soon as possible. Di panatag ang organisasyon habang nag-e-exist pa ang bagay na 'yon. Alam mo naman kung anong pakay niya, di ba? Bakit hindi mo pa simulang interogahin ang babae?"

Babae? Siya ba ang tinutukoy ng mga ito? Ano bang meron siya na pakay ng mga ito? Bakit hindi pa sinasabi ni Lead sa kanya ang kailangan nito?

"Shut the fuck up, Andrea!" Singlamig ng yelo ang ekspresyon ng binata habang masama ang pagkakatingin nito sa babaeng blondie. "Alam ko kung anong ginagawa ko. Umalis ka na at gawin mo na lang ang trabaho mo."

Ngumiti ang babae. Tumaas ang kamay at hinaplos ang pisngi ng kaharap. Halos panayuan ng balahibo si Mary Grace mula sa siwang ng pinto kung saan siya nakasilip.

"I don't mind sleeping with you again before anything else." Walang anu-ano'y hinalikan nito si Lead.

Again? What the heck?! 

Isang singhap ang kumawala sa bibig niya habang nanlalaki ang mga mata. They were kissing! At ang magaling na lalaki ay tumugon. Pakiramdam ng dalaga ay biglang umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Ganoon bang uri ng lalaki si Lead?

"Enough!" Biglang itinulak ni Lead si Andrea. "I'll let you handle me after we've succeed the mission," saad nito sa tila bagot na tono. "I'm counting on you."

Napabuntong-hininga si Andrea at hinalikan sa pisngi ang binata. Bago nito tinungo ang pinto ay lumingon ito sa direksiyon niya at nagsalita. "There's a little voyeur, huh?"

Bigla niyang kinabig pasara ang pinto. Ngunit di nag-click ang seradura ng doorknob at nawalan siya ng balanse. Bumukas ang pinto dahil sa bigat ng katawan niya. Plakda siya sa sahig. Nang mag-angat siya nang mukha ay di niya na nakita pa ang babaeng blondie sa loob ng bahay.

"Anong ginagawa mo, Mary Grace?" Sapo ni Lead ang baba habang nakaangat ang kilay na nakatingin sa kanya.

"E-eavesdropping," nakangiwing pag-amin niya.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon