Part 19

459 45 1
                                    

Tahimik na pinagmasdan ni Mary Grace si Lead na abala sa pagkutingting ng baril nito. Tila may malalim itong iniisip. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang sabihin nito sa kanya ang lahat. Pero pakiramdam niya ay may mga bagay pa rin itong hindi binubunyag sa kanya. Hindi niya alam ang eksaktong gagawin matapos ang konbersasyon nilang 'yon. Ang tanging magagawa niya ay dumepende sa binata. Alam nito ang ginagawa nito. 'Yon ang palagay niya. He was not an ordinary man. Higit na gusto niyang malaman kung paano itong napabilang sa isang napakalaking organisasyon. Hindi ito nagkukuwento ng tungkol sa sarili nito at sa HYDRA.

"It's a non-government international organization build by the so called Nine Heads with hidden identities to erase the corrupt and Scot-free criminals which the government can't deal with. We killed and erased those existence considered as taboo within and outside the premises of law. Sa madaling salita... we are the bad guys dealing with the bad guys."

Nahihimigan niya ang pait sa mga salita ng lalaki. Na para bang ayaw nitong sabihin sa kanya ang tungkol doon. Once, her Uncle Marco said that to know is to die. May isang bahagi ng tao ang namamatay sa oras na malaman mo ang reyalidad ng buhay. Innocence, positiveness, fear, or emotions. Unti-unti 'yong naglalaho habang nararanasan mong mawalan ng mga importanteng tao at bagay sa buhay mo. At iyon ang nakikita niya kay Lead. 

Anu-ano ba ang mga nawala dito? Gusto niya itong lubusang makilala. Pero natatakot siyang magtanong ng mga personal na bagay dito. Taglay nito ang aura na tila itinutulak ang iba palayo sa kabila ng magandang pakikitungo nito sa kanya. Nais niya itong maalala. Alam niya kung gaano kalagim ang memoryang ayaw niyang balikan pero kung may mga pangyayaring nagkonekta sa kanilang dalawa, gugustuhin pa rin niyang makaalala.

"What are you staring at?"

Napakurap siya nang marinig ang boses nito. Kunot ang noong nakatingin ito sa kanya. Tumagilid siya mula sa kinauupuang sofa. "Wala. Iniisip ko lang kung ang gagawin ko pagkatapos maresolba ng problema," palusot niya. "Bakit ang dami mong armas?" Inginuso niya ang iba't-ibang de-kalibre ng baril na nakalapag sa mesa.

"Dahil maraming magiging kalaban. At obvious namang pagkatapos ng lahat ng 'to, balik na sa normal ang buhay mo."

Sa halip na mapanatag ay nalungkot siya. Buhay mo. Di niya masakyan ang ugali ng binatang kaharap. Minsan napakabait nito kung magsalita at minsan naman ay malupit. Tulad na lamang niyon. "Ano bang kahulugan para sa'yo ng isang normal na buhay?" mahina ang tinig na tanong niya.

Natigilan ito sa pagkilos. Ang blankong mukha ay nagdilim. "Di ko alam. Nalimutan ko na kung ano ang normal na buhay. Ikaw ang magsabi sa akin. Paniguradong alam mo 'yon."

She scoffed. "Ang literal na depinisyon ng normal na buhay ay ang paggising sa umaga na tila naka-program na ang gagawin mo para sa araw na 'yon. Paulit-ulit. Walang laman. Walang kahit na ano kundi ang pagtakbo ng mabagal na oras. Minsan parang hindi totoo, waring nanaginip lang ako. Ang interaksiyon, ang kalangitan, at ang paglubog ng araw. Normal ang lahat pero bakit hindi ko nakikita? Parang dinadaanan lang ang presensiya 'ko at wala ni isang nagmamarka sa isip ko. Kung iisipin mong mabuti, minsan wala sa salitang normal ang kasiyahan ng isang tao."

Ngumiti siya dito nang hindi nito ialis ang paningin sa mukha niya. Tila inaanalisa nito ang litanya niya. "I guess you're right," pamaya-maya ay komento nito. Paghanga ba ang nababasa niya sa mukha nito? Mukhang nakita nito ang sense ng mga pinagsasabi niya. "Ang normal na buhay ay hindi direktang magbibigay sa'yo ng kasiyahan. Hindi ka makukuntento lang ng dahil doon. But at least it would give you a chance to attain those feelings. Malaya kang gawin ang kahit na ano dahil normal ka."

"Ang ibig mong sabihin di ka malaya pag di ko normal?" Nakataas ang isang kilay niya dito. Natigilan si Lead at napakurap. "I think the term normal is the perspective of others about you and freedom is the perspective of your own self about your own life. Kung hindi ka normal, hindi iyon dahil sa ginusto mong maging ganoon. Pero kung di ka malaya, di mo 'yon puwedeng isisi sa iba dahil choice mo 'yon. Di mo puwedeng hanapin sa iba ang susi ng kalayaan mo dahil ikaw lang ang makapagbibigay no'n sa sarili mo sa bandang huli," parunggit niya dito. "Lead, there's no way that I can be your freedom. Isa lang akong catalyst para gustuhin mong palayain ang sarili mo. But I can never be your freedom."

Gulat ang bumakas dito. Ilang minutong katahimikan ang pumuno sa loob ng cabin. Ngunit ilang sandali pa, napasinghap ang binata nang lumingon sa pinto. 

"Dapa!!!" 

Napapitlag si Mary Grace nang biglang kabigin siya ni lead padapa sa sahig. Natakpan niya ang tainga nang literal na umulan ng bala. Nakabibinging mga putok ng baril ang namayani sa atmospera. Di makapaniwala ang dalaga sa kasalukuyang nagaganap. She gasped and trembled. 

Nanginginig ang mga kamay niyang nakakapit sa balikat ng lalaki habang nasa ilalim siya nito. Akala niya ay di siya takot mamatay. Pero bakit sa mga sandaling 'yon pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa tindi ng kabang nararamdaman niya? And then out of nowhere, a flashback came to her mind.

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon