Part 13

469 51 2
                                    

Nagtatakang nilingon ni Mary Grace ang likuran niya. Pakiramdam niya ay may mga matang sumusubaybay sa kanya. Kanina pa 'yon. Simula nang bumaba siya ng jeep at tinahak ang eskinita papasok sa barangay nila. Nang mapansin niyang pinagmamasdan siya ng foreigner ay pumuno sa dibdib niya ang kaba. 

She meant... why the heck would you stare at a stranger? Pinilit niyang hindi ito pansinin pero sa kalahating oras ng biyahe, hindi ito pumalya sa pagtitig sa kanya. At nagsisimula na siyang makaramdam ng pagkailang. Wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga mata nito. She was never been discreet as a person. At least habang lumalaki siya, naging open siya sa mga tao sa paligid niya. Subalit nanatiling nakasara ang bibig niya tungkol sa isyu ng pagkamatay ng parents niya. Hindi niya lang makuhang pag-usapan ang mga bagay na di niya maalala.

Laking luwag ng dibdib niya nang sa wakas ay bumaba siya sa jeep. Tuluy-tuloy siyang naglakad ng di lumilingon. Subalit hayun at pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Pero wala. Walang bakas ng sino mang kaduda-dudang tao sa paligid. Imahinasyon lang ba niya 'yon? O masyado lang talaga siyang nagiging conscious? Mabibilis ang mga hakbang ng mga paang tinungo niya gate ng apartment nila.

Nang makapasok siya ay pinihit niya ang seradura ng pinto. Naka-lock. Kunot ang noong dinukot niya ang susi sa bulsa. Wala pa ba sa bahay ang Tiyang niya? Sa ganoong oras ay dapat nakaupo na ito sa mga nagma-mahjong na nadaanan niya.

Sinalubong siya ng kakaibang katahimikan sa loob ng bahay. Nanibago siya sa atmospera. Bukod sa tahimik ay waring may tensiyon na tila nakatiwangwang sa hangin. She shook her head. She was maybe going nuts. Nagiging paranoid na siya.

"Darating ang panahong kailangan mong maging maingat, Mary Grace. If the time comes when your life was on the line, that person would surely come... I hope so..." 

Bakit naalala niya ang linyang 'yon ng kanyang Uncle Marco?

Mahina ang mga yabag ng paa niya papunta sa maliit na salas kanugnog ang kusina. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang Tiyang niya. Nakatali ang katawan nito sa may silya. Nakapiring ang mga mata at may busal sa bibig.

"Hhmphh!!!" nahihintakutang pag-ungol nito.

Napasinghap si Mary Grace at natakpan niya ang bibig. Biglang umalarma ang kaba sa kanyang dibdib. Agad niya sanang lalapitan ito para saklolohan pero biglang may tumutok na mga baril sa kanya mula sa iba't-ibang direksiyon. May mga malalaking lalaking nagtatago sa loob. Halatang mga propesyunal dahil di man lang niya naramdaman ang presensiya ng mga ito. Awtomatikong naitaas niya ang dalawang kamay.

"Is this the girl?" Isang lalaking puti na nakapamulsa ang lumapit sa kanya hawak ang isang larawan. Bumaba ang tingin nito doon pagkatapos ay muling tumaas ang paningin sa kanya. Ngumisi ito. "We caught the target.

"Anong gagawin niyo—" Bago niya pa masambit ang nasa isip ay isang tela ang sumaklob sa ulo niya. Sisigaw sana siya subalit may maagap na kamay na tumakip sa kanyang bibig. She struggled but she felt the strong arms that made her body immobile. Iginapos ang mga kamay niya mula sa likuran. Napangiwi siya nang sapilitan siyang hilahin at isinandal sa dingding.

Walang anu-ano'y isang hiyaw ang umalingawngaw sa loob ng apartment. Naramdaman ni Mary Grace ang waring pagpa-panic ng grupo.

"Tch! He's only one man! Don't let him get you!" anang pinakapinuno.

Impit na putok ng mga baril na tila laser. Pagkabasag ng ilang mga kagamitan. Matatalim na galaw na lumilikha ng hiwa sa hangin. Iyon ang mga naririnig ni Mary Grace. Tumumba siya sa sahig nang may kung anong tumulak sa kanya. At ang mga igik at ungol sa paligid ay nagpapabingi sa kanyang tainga. Ramdam niya ang pamamasa ng mga mata niya. Hindi takot ang namamayani sa kanya sa mga oras na 'yon kundi matinding kalungkutan. Gusto niyang humagulgol ng iyak. 

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon