Part 20

450 45 6
                                    

Blood was everywhere. Di siya makakilos kahit gusto niyang iangat ang braso para yakapin ang dalawang taong duguan sa tabi niya.

"I'm s-sorry Catalina... I'm sorry Mary Grace." The man wept beside her. "K-kung hindi dahil sa'kin, wala kayo sa sitwasyong tulad nito. Honey... forgive me." Hinaplos ng nanginginig na kamay nito ang walang kulay na mukha ng babaeng tinatangi nito. "I'll follow you in any second... pero di ko hahayaang sumunod sa atin si Mary Grace." Pagkatapos ay tinapik nito ang pisngi ng nakatulalang bata na nasa edad sampu pababa. "Anak... huwag kang manatili sa kadiliman. Alam kong mahirap p-pero... kailangan mong maging m-matatag. Mommy and Daddy will always be with you." Hirap na napahingal ang lalaki nang pangapusan ito ng hininga. Subalit wala pa ring kakilos-kilos ang batang tila kinain ng trauma ang pandama.

Nawawalan na ng pag-asa pa ang lalaki sa kalagayan ng anak nito. Alam nitong ano mang sandali ay babawian ito ng buhay.Pero hindi nito kayang iwan ang anak na maghirap ng mag-isa. "Diyos ko... tulangan N'yo po ang anak ko... Kahit sino pa siya, kung maililigtas niya si Mary Grace, pakiusap..." The man sobbed and blood spilled from his mouth. Pero bago pa ito panawan ng ulirat, isang presensiya ang nagpaahon ng pag-asa sa dibdib nito. Di nito kilala ang taong 'yon at maaaring isa ito sa mga kaaway. Pero desperado na ito bilang isang amang gagawin ang lahat mailigtas lamang ang buhay ng anak.

Itinaas nito ang kamay sa lalaking lumapit dito."H-help... save my daughter... T-take her out... p-protect her... I-I beg you." Iyon ang mga huling salita sa nanginginig nitong bibig. Kung sino man ang taong 'yon na biglang sumulpot sa lugar na 'yon, kung isa itong masamang nilalang... pinagdasal ng lalaki na sana'y may puso itong marunong maantig sa isang batang mawawalan ng rason na magpatuloy sa buhay sa hinaharap. Before he closed his eyes, he knew that meeting the guy was not a coincidence but led by fate. At ang kapalaran ng anak nito ay iiwan nito sa taong 'yon.

At ang batang nandidilat ay naalis sa madilim na mundo. Sa bisig ng lalaking bumuhat sa munting katawan niya, nakaramdam siya ng matinding pagnanais na umiyak. She knew she was comforted by that act but she still chose not to utter a sound cause she might break. Nasa isang maselang kondisyon siya kung saan ang katinuan niya ay puwedeng maging abo.

Ang pamamanhid na nararamdaman ng batang babae sa kanyang sistema ay naibsan ng mainit na kamay na humaplos sa pisngi niya."Say your farewell to them kid. Your parents protected you 'till the end."

On that statement of that man, she knew she was left alone on that world. Sa nanlalabong paningin, namasdan niya ang mukha ng taong tumulong sa kanya. Ang mukhang naaninag niya ay mukha ng isang determindong nilalang na humaharap sa panganib ng walang pag-aalinlangan.

It was him! Marahas na suminghap si Mary Grace kasabay ng pagkaalala sa mukha ng lalaking nagligtas sa kanya. Hinihingal at nanlalaki ang mga matang sinulpayapan niya ang binatang naglaho sa kanyang isipan ngunit hindi sa kanyang puso sa loob ng napakahabang panahon. "N-naalala ko na..." wala sa sariling bulong niya.

"Mary Grace... w-why are you crying?" takang tanong ni Lead na tila natulala sa nasaksihan.

"Ha?" Sinalat niya ang pisngi. Basa 'yon. Dumadaloy ang mga luha niya. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng walang patid na mga luha. Umiiyak maging ang kaluluwa niya. Di niya alam ang mararamdaman sa mga oras na 'yon. Takot, tuwa, lungkot, pag-aalala, at pag-asa. Alin ba ang uunahin niyang bigyan ng pansin kung lahat 'yon ay nagsasalimbayan sa kanyang sistema?

And this man above her was the one responsible for the chaos in her heart. In the first place, bakit niya ito nakalimutan kung ito ang taong bumuo sa durog niyang puso kung saan ninais niyang muling mabuhay? Binigyan siya nito ng pag-asa. Ang pag-asang itinapon niya sa naging pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya para siyang isang shell na walang laman sa mga normal na araw na 'yon. Kahit batid niyang may kulang sa buhay niya, inignora niya ang bagay na 'yon dahil natakot siyang balikan ang malagim na sinapit ng mga magulang niya.

She sobbed while caressing Lead's face. "I-I'm sorry..." bulong niya.

Naguguluhang tinitigan lang siya nito. Di niya alam kung anong nakikita nito sa mukha niya sa mga oras na 'yon. But the expressionless Lead was nowhere in sight. Deep emotions were written on his face as well as his eyes. Na para bang ang pinipigilan nitong damdamin ay biglang umusbong at sumabog ng di nito inaasahan. Tinititigan siya nito sa paraang tila noon lang ito nakakita ng isang tao. Pinagmamasdan siya nito na waring unang beses 'yon na nakaramdam ito ng positibong damdamin para sa isang babae.

"Di ko sinasadyang kalimutan ka... Xeph..." tawag niya sa totoong pangalan nito. "You were my savior back then and... you still are."

Natulala ito. It looked like something inside him crushed and burned. Napahawak ito sa noo at pagak na tumawa. "Did you hit your head or something? Akala ko ba ayaw mong makaalala?"

"S-sorry..." she whimpered. "It's pretty bad... but it's also good... because you were there. Para kong may hinuhukay na libingan at kayaman sa iisang parte ng lupa. Hindi naging maganda ang buhay ko sa Brazil... pero may isang taong binago ang nakikita ng mga mata ko, ang naririnig ng tainga ko, at ang nararamdaman ng puso ko. Nakaahon ako dahil sa taong 'yon. Bata pa lang ako no'n pero may isang taong nagpaunawa sa 'kin na importante ang buhay ko. Kaya hanggang ngayon ay patuloy akong nabubuhay."

"Mary Grace..." he softly uttered her name. Naging malambot ang ekpresyon nito. "Gustuhin ko mang ipagpapatuloy ang pag-uusap na 'to, kailangan 'kong labanan ang mga kaaway sa labas."

Tumango siya dito. May oras para doon. Parehong nasa panganib ang buhay nila ng binata. Pero bigla siyang natigilan at napaigik. May kung anong namamanhid sa tagiliran niya. She was astounded as she recognized the pain in her body. Nagtungo ang kamay niya sa tagiliran at nagimbal siya nang masalat niya ang malagkit na likido. "Xeph... xeph..." napahingal siya sa pagtawag dito. Bigla siyang kinabahan. "Sa tingin ko, tinamaan ako ng bala."

Nawalan ng kulay ang mukha nito nang bumaling ang paningin nito sa katawan niya. It was terribly bleeding. Tila natuklaw ito ng ahas. Tumiim ang bagang nito at tumingin sa pinto na puno ng galit. "Stay still." Iyon ang mariing utos nito sa kanya bago ito biglang tumalon mula sa pinto kasabay ng mga rumaragasang bala.

Naiwan si Mary Grace doon na nangangamba di para sa sarili niya kundi sa lalaking alam niyang humaharap kay Kamatayan sa oras ng panganib.

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon