Part 30

415 49 2
                                    

LEAD swore to heavens that he held himself back. Ang resulta nang pagpipigil na 'yon ay mga bugbog at duguang katawan sa parteng iyon ng daan. Though, humihinga pa ang mga may sala, aabutin ng buwan ang gamutan sa ospital sakaling ma-confine ang mga ito.

Kabig-kabig niya ang baywang ni Mary Grace palapit sa kanyang katawan sa mga oras na 'yon. Tila hindi siya nito narerekognisa. She was stiff as a post. Nang tingnan niya ang mga mata nito ay namumungay ang mga 'yon at ano mang sandali ay pipikit. Sinalo ng isang kamay niya ang pisngi nito. "Anong nangyari? Huh?" malambing na bulong niya.

Hindi ito sumagot. Lumaylay ang ulo nito sa kanyang balikat na tila nawalan na ng huwisyo. Nang salatin niya ang leeg nito ay naramdaman niya ang init kahit basa ito.

"F*ck!" pagmumura niya. Tuluyan niya na itong binuhat. Sa braso niya ay nakasukbit ang bag na dala ng dalaga. Ano bang nangyari dito? Did she run away from home? Sa ganoong kondisyon?

Mabilis na isinakay niya ito sa dalang SUV. Alam niyang may nagro-rondang mga pulis sa parteng iyon ng daan. At hindi magiging maganda kung aabutan sila doon. Wala siyang panahong masangkot sa isang maliit na kaso. Mahirap lusutan ang lokal na gobyerno. Tama lang sa mga demonyong 'yon ang mabugbog. Maling babae ang pinagbalakan ng mga ito. Pasalamat ang mga ito at hindi niya dala ang baril niya. Kung sakali ay duda siyang mapipigilan niya ang sarili.

Habang nagbibiyahe ay makailang beses niyang nililingon ang babae. Ibinalot niya sa katawan nito ang suot na jacket. Subalit nangangaligkig pa rin ito. Kaunting tiis na lang at mararating niya na ang bahay ni Andrea. Hinabaan niya pa ang pasensiya. Subalit mas makabubuti siguro kung sa ospital niya ito dadalhin. Baka ma-pulmonya ito. At naalala niyang mahina ang puso ng dalaga noong bata pa ito.

Kakabigin niya na lang ang manibela upang umiba nang direksiyon nang isang anunsiyo sa radyo ang kumuha sa kanyang atensiyon.

"Isang beinte-anyos na lalaki ang isinugod sa ospital nito lamang hapon dulot ng head injury na tinamo nito. Anak ng isang Mayor ang nasabing biktima na nagngangalang Luke Wilson Pelaez. Ang statement ng isa sa mga katulong na tumatayong witness ay isang kaeskuwela ang huling nakausap ng biktima na sumadya sa pamamahay ng mga Pelaez. Kuwento nito, nakarinig ito ng sigaw at nadatnan na lang ang amo sa duguang kondisyon sa living area. Gising na at nasa mabuting lagay na ang biktima subalit nananatili pa ring tahimik sa mga pangyayari. Ganunpaman, nagsampa na ng kaso ang ama nitong si Mayor Pelaez sa suspect na kasalukuyang pinaghahahanap ngayon ng kapulisan. Walang dinatnan ang awtoridad sa apartment na tinutuluyan ng suspect kundi ang guardian nito. Hindi rin alam ng ginang na tumatayong magulang nito kung nasaan ang dalaga. Ang buong pangalan ho ng suspect ay Mary Grace S. de Dios. Edad disinuwebe. Maputi at may mahabang buhok ang deskrpisyon sa babae. May taas na umaabot sa 5'4"at balingkinitan ang katawan. Kung sakaling may nakita kayong babae na tumugma sa mga impormasyon, ipag-bigay alam agad sa pulisya at tumawag sa numerong---"

Pinatay ni Lead ang radio habang nakatiim ang bagang. Hindi na siya nagtangkang baguhin pa ang destinasyon. But Jesus! What the hell was that all about?

~~~~~~~~~~~~~~

"THIS is getting out of hand, Lead. Di natin teritoryo ang lokal na pulisya."

"At anong gusto mong gawin ko Andrea, isuko siya sa kanila? Pinagdududahan mo ba siya?"

Naulinigan ni Mary Grace ang mga boses na tila nagtatalo. Iyon ang tuluyang nagpagising sa diwa niya. Idinilat niya ang mga mata. Nang igala niya ang paningin ay nakaramdam siya ng kaunting hilo. Ganunpaman, hindi pamilyar ang silid na kinalalagyan niya. Marahan siyang bumalikwas at sinalat ang sentido.

"Ouch..." Napahawak siya sa ulo. Mabigat ang pakiramdam niyon. Nasalat niya sa noo ang nakadikit na cool pack. "N-nasaan ako?" malat na tinig ang umalpas sa lalamunan niya. Pilit niyang inalala ang mga pangyayari. At nang ipikit niya ang mga mata, tila flashbacks na nagbalik ang lahat.

Napasinghap siya nang maalala ang ginawa niya. Ang ginawa niyang pagpukpok ng vase sa ulo ni Luke. Natakpan niya ang bibig ngunit kumawala pa rin sa bibig niya ang mga hikbi. Hikbing umabot sa pandinig ng dalawang presensiyang nag-uusap sa labas ng kuwarto.

"Mary Grace!"

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga na nakatingin sa pamilyar na bulto ng lalaking pumasok sa loob. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Xeph! Ano pang ginagawa nito doon? Akala niya ba ay umalis na ito.

"Thank God, you're awake!" Sinugod siya nito ng yakap. "Is your body alright?" malambing na tanong nito.

Ang pag-aalala sa boses nitong iyon ang lalong nagpaahon sa kanyang emosyon. She couldn't help but shrieked in severe pain mingling with the relief inside her chest. "B-akit ngayon ka lang?" Alam niyang wala siya sa lugar para magtanong ng ganoon pero di niya mapigilan ang sarili. She was seeking comfort and this man holding her is the most capable to mend her heart.

"I'm sorry sweetheart... I'm sorry..." The pain and guilt in his voice was transparent.

She clutched her hand on his shirt while sobbing. "I was really scared, Xeph... so alone. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Hindi mo kailangang pasanin ang problemang ito ng nag-iisa." Hinalikan siya nito sa tuktok. "I'll help you in anyway possible."

"B-bakit?" Naguguluhang tiningala niya ito. "S-saan mo ako tutulungan?"

"Pinaghahahanap ka na ng mga pulis Mary Grace," entrada ni Andrea na nakasandal sa hamba ng pinto.

She stopped for seconds and analyzed what she said. Nang mapagtanto niya ang ibig nitong sabihin ay tumingala siya kay Xeph. "Hindi ko sinadya. Pinagtangkaan akong gawan ng masama ni Luke. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko."

"Alam ko. I thought that must be the case." Muli siya nitong kinabig sa katawan nito.

"Pero anong ginagawa mo sa bahay ng lalaking 'yon?" usisa ni Andrea.

"Nagpadalus-dalos ako," pag-amin niya. "Nagpadala ko sa bugso ng damdamin at galit ko sa hayup na 'yon. Pinagsamantalahan niya ang bestfriend ko. Sa sobrang tindi ng emosyon ko, sinugod ko sa bahay nila si Luke nang di ko siya makita sa campus para komprontahin. Mayor ang tatay niya. Di siya gagawa ng bagay na ikasisira nila sa mismong loob ng tahanan ng mga Pelaez. Nakalimutan 'kong puwede niyang gawin ang kahit na ano kung nagawan niya ng masama si Malou."

"This is trouble, Lead. Anong gagawin mo?"

"Hindi ko siya ibibigay sa mga pulis kahit na ano pang mangyari. At isa pa, sa panig ng pamilya ng demonyong 'yon, baka kung anong gawin nila kay Mary Grace. Mas makabubuting hindi muna siya lumantad. I'll handle this on my ways." Bumitaw ito sa kanya at tumingin kay Andrea. "Kailangan ko ng tulong mo."

Nanlaki ang mga mata ng babae na tila nagkaroon na ng ideya sa ipinahihiwatig ng mapanganib na tono ng binata. "Seryoso ka?"

"Walang ibang paraan."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now