Part 24

421 46 3
                                    

"Lubayan mo si Mary Grace o pagsisisihan mong ipinanganak ka sa mundong ito, Greyson."

"Wala ka sa posisyon para magbanta. Ang punong rason kung bakit ka nandito ay para iligtas ang isang kasamahan sa upuang 'yon."

Hindi siya nakahuma. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay niya mula sa nakatutok na baril dito at hawak na box. Pilit niyang kinalma ang sarili. "Here. Take it." Iniabot niya iyon dito.

Ilang segundo munang tinitigan iyon ni Greyson mula sa kanyang mga mga mata pababa sa blue velvet box na naglalaman ng pinakaimportanteng bagay dito. Maaaring tinatantiya nito kung gaano siya kaseryosong basta-basta na lang isuko ang impormasyon. HYDRA would never allow it, that's why. Pero tila alam nitong kumikilos siya ng mag-isa sa pagkakataong 'yon. 

"You still don't know a thing, Lead. Despite of being one of the deadliest assassins, you are still so humane. Just for the sake of a life, you are risking everything." Kahit nakapagkit ang ngiti sa mga labi nito, bakas sa mga mata nito ang disappointment. Ano bang inaasahan nito? Na papalag siya at sa huli ay pipiliin ang praktikal na desisyon?

Puwes, hindi ito nagkakamali! Dahil nang buksan ni Greyson ang box, nabura ang ngiti nito. Nanlalaki ang mga matang inangat nito ang tingin sa kanya. "What the—" Isang putok ang nagpahinto dito. Bumulagta ito sa sahig na dilat na dilat ang mga mata. He shot him on the head between his eyes. Wala nang rason para patagalin niya pa ang walang kuwentang buhay nito.

Malupit na ngumiti siya dahil pinaulanan na rin ng bala ng mga kasama niya ang mga nagulantang na tauhang naroon. Wala nang naging pagkakataon pa ang mga ito para atakehin siya. Di siya nag-iisa sa operasyong 'yon. Bismuth took care of Andrea, killing the opponents that holding her. Sa kaliwang panig niya ay naroon si Tin. Sa kanan niya ay naroon si Radon. Umuusok pa ang mga dulo ng mga nakaumang na baril.

"Plan executed," ani Tin at ngumiti sa kanya.

"You owe me one," tanging nasabi lang ni Bismuth pagkatapos ay basta-basta tumalikod paalis.

"Saludo ako sa'yo, captain! Your plan is always the bomb," komento naman ni Radon habang tinatanggal nito mula sa pagkaka-restraint sa upuan si Andrea.

Inismiran niya lang ito. Tumalungko siya at pinulot ang box. Wala iyong laman nang ibigay niya kay Greyson. Winasak na ni Nitro ang microchip pero hindi nito nagawang palagpasin ang pagde-decode sa program. Mula roon natuklasan nito kung gaano ninais ng ama ni Mary Grace na sirain ang impormasyong 'yon. Dahil matapos iyong i-decode, nagself-destruct ang program at naglahong parang bula ang formula.

Wala ring magiging saysay kahit mapunta pa 'yon sa kamay ng TRIAD. Naging pabaya si Gresyon at minaliit nito ang isang scientist na mas matalino kaysa dito. Mula pa noong una, walang silbi ang mga kopya dahil lahat 'yon ay nasa utak ng taong gumawa no'n. Hindi kailanman puwedeng nakawin ng iba.

"Sa pagitan nating dalawa, ikaw ang kulang pa sa nalalaman Doc," bulong niya habang nakatunghay sa walang buhay na katawan ng scientist. After a sigh, he left the warehouse with his co-assassins.

Sa likuran ng apat na kalalakihang walang pakialam na naglalakad sa maluwag na kalsada ay ang pagsabog ng bodega.

It was like a background on an action movie for the ones who could see the beautiful physiques of these dangerous and gorgeous villain-heroes. They were real. At walang makakapigil sa mga ito. Even demons on earth.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NAPABUNTONG-HININGA si Mary Grace habang inaayos ang ilang gamit niya sa kuwarto ng hotel kung saan pa rin sila naka-check-in. Nagtagumpay si Xeph na iligtas si Andrea. Di niya alam kung paano nito ginawa iyon dahil hindi niya nasaksihan ang mga pangyayari. Wala itong binabanggit sa kanya na kahit na ano hinggil doon.

Matinding pagtanggi ang naging sagot nito nang mag-prisinta siyang sumama para saklolohan ang kasamahan nito. Honestly, ano bang magagawa niya kung naroon man siya? Wala. Nasabi niya lamang ang bagay na 'yon sa binata dahil pakiramdam niya ay walang siyang silbi para tulungan ito. He saw through her. Then, he politely pushed her off. Na lalong ikinasama ng loob niya.

After that, bumalik ito na parang walang nangyari. Kasama nito ang sugatang si Andrea at ilang kalalakihang di niya kilala. They were all foreigners—devilishly handsome beings! Sometimes talking in the language she couldn't understand. Isa lamang ang ngumiti sa kanya nang ipakilala siya ni Xeph sa mga ito. The guy with an alias called Radon.

Di siya pinansin ng tinatawag na si Bismuth. Pakiramdam niya ay inisnab pa nga siya. Si Tin ay simpleng tinanguan lang siya tulad ng isang estrangherong tiningnan ang isang estranghera. Isang bagay ang nangingibabaw sa mga ito, para silang may sariling mundo. At obviously, labas siya doon.

Pagkatapos lumisan ng mga kasamahan nito ay kinausap siya ng masinsinan ng binata. Seryosong pinaalalahanan siya nito. Na ituturing niyang hindi nangyari ang lahat ng naganap. Na wala siyang babanggitin na kahit na anong tungkol sa orginasasyon miski sa malalapit na kaibigan.

HYDRA was hidden on the government. Ang eksistensiya ng organisasyong 'yon ay hindi pinapayagang makalabas sa publiko lalo na sa gobyerno. Dahil ang mga kadalasang target ng mga ito ay ang mga tiwaling may mataas na katungkulan sa politika.

Nahaplos niya ang batok. At napadukmo siya sa magkadikit na mga tuhod na nakasampa sa kama. Masyadong komplikado ang sitwasyong nasuungan niya. Pero hanggang sa huli, hindi niya kayang magtapat ng naisasaloob. Takot siyang magsalita, mag-usisa, at magtanong kay Xeph. Pakiramdam niya kapag ginawa niya, didiretsuhin siya nito at tuluyan na itong lalayo. Concern ito sa kanya pero malayo 'yon sa romantikong pagtingin.

"Obvious namang pagkatapos ng lahat ng ito, balik na sa normal ang buhay mo." Iyon ang sinabi nito sa kanya. Wala itong planong manatili sa tabi niya. At lalong wala itong planong isama niya sa kung saan mang lupalop ito pupunta. It was over. Malaya na siya sa alinmang banta sa kanyang buhay. Xeph would be going back to deal with the man called Godfrey. At nasa Inglatera ang taong 'yon. Malabong isama siya ng binata para lamang muling ilagay siya sa panganib.

"But what the hell?! At least kailangan kong sabihing mahal ko siya habang nandito pa siya!" kumbinsi niya sa sarili. Lakas-loob na tumayo siya habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad sa kanyang magkabilang-gilid.

Fighting, Mary Grace! Kaya mo 'yan! Oh, e ano naman kung mabasted ka? Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo! Dali-dali siyang lumabas ng silid. Kinakabahang sumilip sa kuwarto ng binata. But then, she froze. Tahimik na muli niyang isinara ang pinto. Isang mapait na ngiti ang sumibol sa kanyang mga labi. Kumawala ang hikbi sa kanyang lalamunan at natakpan niya ang bibig. Nalaglag ang mga luha mula sa kanyang mga mata nang di niya namamalayan.

She saw Xeph kissing Andrea. She was hurt as hell.

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora