Part 38

466 46 4
                                    

I'LL kill you, Godfrey! I'll kill you! Paulit-ulit 'yon na umuukilkil sa utak ni Lead habang walang tigil ang putok ng M1911 niya. Buhat sa basement ng mansiyon na 'yon kung saan naka-store ang mga mamahaling wine, naglulungga at nagtatago ang demonyo. Sa ilang araw na desperasyon, di siya tumigil na sundan ang mga bakas na iniwan nito mula sa five star hotel na 'yon. Sa mga taong nakakakilala dito hanggang sa lugar na nakuhanan ito mula sa CCTV na nagkalat sa parteng iyon ng daan at mismong sa loob ng hotel.

Muli ay nagawang manipulahin ni Godfrey ang gobyerno sa pagdidispatsa ng mga black box bilang ebidensiya. At bukod tanging siya lang ang nakapansin sa ginawa nitong pamamaril. Kung meron man, nunkang tumayo ang mga ito bilang witness. Teritoryo nito ang Inglatera. Pero salamat na rin doon dahil nagawang i-trace ni Nitro kung saan nagkukuta ang bilyonaryo. It was a Yantorn Manor in Oxfordshire. Nasa pangalan ng abogado at kanang kamay ni Godfrey ang titulo. Di naging madali para kay Nitro na pasukin ang government land registry ng UK dahil wala ang impormasyong iyon sa public data ng property ownership kundi nasa ilalim ng open government license na humihingi ng awtorisasyon o electronic license para sa impormasyon.

Pero di isang henyo ang assassin para sa wala. Mas may thrill para dito kapag mahirap pasukin ang security. Di nito iyon titigilan hangga't may nakikita itong paraan para makuha ang impormasyon lalo na't nanggaling iyon sa mismong gobyerno at hindi sa isang pampribadong ahensiya. Libu-libo ang koneksiyon nito online. Kaya naman nagkaroon agad ng resulta.

F*ck! Tinalon ni Lead ang estante ng alak at padapang bumagsak sa sahig. Nagkandabasag ang mga bote ng alak nakahilera sa estante dulot ng tama ng mga bala. Hinugot niya pa ang isang baril mula sa baywang. Pagkatapos ay sinipa ang bariles ng mga alak sa ilalim ng estatante. Nagsigulong ang mga 'yon at tinamaan ang ilang tauhan ni Godfrey. Masyadong maraming tauhan ang matanda kaysa sa inaasahan nila. Kasama niya sina Tin at Bismuth na sumugod sa mansiyon at tila nakaunawa ang mga itong sa kamay niya mismo dapat na magtapos ang buhay nito.

They took the small fries while he headed for one of the claws of TRIAD. Nagpaiwan si Tin sa isang kuwarto kung saan nila natagpuan ang isang babaeng nakakulong sa isang kuwartong napapaligiran ng kulay gintong rehas. Mukhang tinamaan na talaga ng pagkabaliw si Godfrey sa mga bagay na pinaggagagawa nito. Patung-patong na ang krimen nito mula sa kidnapping, murdering, at terrorism. Kapag di pa ito napuruhan sa raid na 'yon, habang buhay niya 'yong pagsisihan.

Isang high-tech na computerized door lock system ang sumalubong sa kanya sa pinakadulo ng basement. Binaril niya 'yon pero di umubra. Bulletproof ang bakal na pinto. Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang tactical gear vest ang maliit na botelya ng fingerprint lightning spray. He sprayed the content on the touch screen controller. Agad iyong natuyo at inilawan niya 'yon gamit ang fluorescent light pen.

Lumitaw ang fingerprints sa limang numero. He typed the number on his mobile lock decoder. He plugged it in on the computerized door locks. Ilang sandali pa ay nag-beep iyon at lumitaw ang iba't-ibang kumbinasyon ng numero sa screen haanggang sa huminto sa isang partikular na kumbinasyong numero. ACCESS GRANTED. SYSTEM UNLOCK. Iyon ang sinabi ng electronic voice. After the clicking sound, kusang bumukas iyon.

Agad na iniumang ni Lead ang baril sa mga taong dinatnan niya sa di kalakihang espasyo ng kuwarto. Si Godfrey ay kasalukuyang nagtatago sa likod ng dalawang tauhan nito. But then, the two men were also pointing their gun at him.

"Leave us alone, assassin or you'll die," pagbabanta ng isa.

"Maybe. But not after you." Pagkatapos ay pumutok ang baril niya at tumumba ang tauhan.

"Ano pang hinihintay mo? Barilin mo!!!" anang histerikal na si Godfrey. Hinablot nito ang baril sa tauhan at ito nagpaputok sa direksiyon niya.

Tinamaan siya ng bala pero di siya umatras. His eyes were focusing on one person alone. Kung ano man ang nakita ng tauhan ni Godfrey sa kanyang mukha, bigla itong umabante ng takbo palabas. Pero hindi pa nito naihahakbang ang mga paa papunta sa hamba ng pinto, isang alingawngaw ng putok ang muling pumuno sa loob ng apat na sulok ng dingding. Bumulagta ang lalaki. Nanggaling ang bala sa mismong baril ni Godfrey.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon