Part 21

423 50 1
                                    

Kahit kailan hindi pa dumating sa puntong nataranta si Lead sa pagsabak sa isang laban. He gotten used to fights that it didn't matter anymore if he survive or not. Pero sa mga oras na 'yon, di siya puwedeng magkamali sa mga hakbang. Di lang buhay niya ang nakataya doon. Maging ang buhay ni Mary Grace na kasalukuyang nasa alanganin. Kailangan niyang umaksiyon ng mabilis para agad na madala niya ang dalaga sa safe na lugar. 

Hindi ito direktang tinamaan ng bala. Daplis lamang ang naging sanhi ng sugat nito sa tagiliran. Ngunit di pa rin siya puwedeng maging palagay sa oras na 'yon. Narinig niya ang mga mabibigat na yabag sa labas. Mukhang talagang desperado na ang mga kaaway na patumbahin sila. Pero paano nalaman ng mga ito ang lokasyon nila? Was it Andrea? Ito lamang ang nakakaalam kung nasaan sila.

Sumandal si Lead sa dingding sa gilid ng pinto. Saktong pagbukas no'n pabalya, pinatamaan niya ng bala ang tatlong lalaking sumalubong sa kanya. His eyes reacted faster on moving objects. Iyon ang specialty niya sa field. His optic nerves functioned perfectly—a 20/20 vision almost the sight of a healthy human could have. Matapos bumagsak ng tatlo dahil sa tama sa mga vital points, gumulong siya patalikod papunta sa mesita. Itinulak niya 'yon pabalibag sa dalawa pang kaaway. 

Tumalon siya sa ibabaw no'n at hinugot ang isa pang baril sa baywang. Gamit ang dalawang M1911 punisher sa kamay, tumumba ang lima pang kalalakihang umaaligid sa harap ng bahay. Lead never used more than one bullet on a single person. Sa ulo o sa dibdib niya pinatatamaan ang mga ito. Di pa siya pumalpak na patayin ang target gamit lamang ang isang bala. 

He was a superior hitman among the assassins on HYDRA. Why? of course! He was trained to kill and nothing more. Lalo na sa mga sandaling 'yon na ang emosyon niya na di niya makontrol. He was angry beyond words. They harmed her! The fuck! Isang malaking kalokohan ang buhayin niya ang isa mang kalaban.

Ang labing-apat na armadong kalalakihan na umatake sa kanila ay walang kahirap-hirap na nilipol ng nag-iisang assassin ng HYDRA. Ilang minuto lang ang kinailangan ni Lead para gawin 'yon. They should never mess up with him. Sa dalawang baril na nasa kamay niya, masahol pa siya sa isang killer machine. Kahit armado rin ang mga ito, walang makapapantay sa galaw at liksi niya. 

Isang tao lang ang minsang nakailag sa bala ng baril niya. It was only Copper—isang frontliner na nakaharap niya sa shooting field. Pero ang taong 'yon ay parang di isang tao. Abnormal kumbaga ang pandama nito. Nitro said that he had sensitive ears. Na di nakakaligtas sa pandinig nito ang ugong na nililikha ng mga bagay lalo na ng 'yong mga gawa sa bakal. Sobrang nanghihinayang siya sa pagkamatay nito at ni Sliver. Their killer instincts were on the level of a genius.

Agad niyang nilapitan si Mary Grace at binuhat papunta sa kuwarto. Inilapag niya ito sa ibabaw ng kama. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang sariling kuwarto para kunin ang medicine kit.

Napapalatak si Lead nang itaas niya ang blouse ng dalaga. The graze of the bullet was small but enough to bleed like hell. Di niya makuhang magsalita habang nililinisan niya ang sugat. Mabilis subalit maingat ang pagkilos niya. Kailangan nilang makaalis sa lugar na 'yon bago pa sila abutan ng iba pang kaaway na siguradong paparating ano mang sandali. Somehow the scenario felt like a déjà vu. 

Sampung taon na ang nakakaraan, nasa ganoong uri ng sitwasyon rin sila. Nauwi 'yon sa paghihiwalay nila ng landas ng walang muwang na bata. Ang akala niya talaga ay doon na siya mamamatay ng mga oras na 'yon. He was prepared. Pero naisip niya ang kalalabasan ng pagkamatay na 'yon. Paano kung ma-locate ng TRIAD si Mary Grace at kidnapin ito? At wala na siya sa mundong ibabaw para pigilan pa ang bagay na 'yon. 

That thought drove him mad. Naisip niya ang mga uri ng kriminal sa organisasyong 'yon na di magdadalawang-isip na operahan ng buhay ang isang munting nilalang para kunin ang impormasyon na nasa loob ng katawan nito. At ang isiping nasa ganoong lagay ang bata ang nagpaahon sa matinding pagnanais niyang makaligtas at mabuhay. Kahit pa tila gumapang siya mula sa tulay ng impiyerno. He didn't welcome death. 

Pinili niyang mabuhay at patayin si Lambert. Ang isa sa mga bagay na naging pinakamahirap para sa kanya. Di lamang dahil sa kakayahan ng dating Lifter kundi dahil na rin may pinagsamahan silang dalawa. Para siyang pumatay ng isang kapatid. Sinabi ni Tin na nararapat lamang 'yon kay Lambert dahil sa pagta-traydor nito. But still, sometimes he wondered about that. Ang kumilos ka para sa sarili mong kagustuhan at kapakanan. Para sa pansarili mong interes at kapakinabangan. 

Lambert did things that contradicted his principles. Dahil ba sa pinagsisihan nito sa huli ang mga naging aksiyon nito? Wala itong nailigtas maging ang sarili nito mismo. Simpleng ninais lang nitong wasakin ang ugat ng kasamaan nito. But what was really evil? Killing was evil. But killing innocent lives was fouler than the devil itself. Kung hindi sila, sino ang kikilos para sugpuin ang kasamaan? Pumalya si Lambert na makita 'yon. Marahil ay kaya nananatiling walang tiwala dito ang Nine Heads.

"A-anong iniisip mo?" Binasag ng matinis na boses ni Mary Grace ang nasa isip niya.

Saglit siyang napahinto sa ginagawa. Nasa kalagitnaan siya ng pagbebenda sa sugat nito. "Nothing," he mumbled. Tumingin siya sa mga mata nito. Nanunubig ang mga 'yon. Ngunit tila pinipigilan nito ang sariling umiyak.

Muli ay naramdaman niya ang bigat sa dibdib na waring nais niya ring umiyak. "You'll survive this." Di niya alam kung kanino niya sinabi ang mga salitang 'yon. Kung sinasabi niya 'yon dito o sa sarili niya.

Napapitlag siya nang hawakan nito ang braso niya. "Tayo. Hindi lang ako. Pati ikaw. Mabubuhay ako at mabubuhay ka. Walang mamamatay. Pandaraya 'yon," pumiyok ang boses nito.

Humagikgik siya. Sa ganoong uri ng sitwasyon ay nagagawa pa nitong magbiro. She was pushing herself to act brave. "Then don't cheat on me. Kapag ginawa mo, hindi kita patatawarin."

"B-bakit sila nandito?" Tila nag-aalangan pa ito sa pagtatanong.

Alam niya ang ibig nitong sabihin. Iyon din ang nasa isip niya. Umiling siya. "Don't know. Maybe Andrea failed, caught, and tortured to spill things out."

Napasinghap ito at nanlaki ang mga mata. "A-anong gagawin natin? I-Iligtas mo siya, Xeph."

"Wala akong oras para gawin ang bagay na 'yon. Kailangang mailayo kita dito."

Namutla ito. "B-bakit? K-kasamahan mo siya. Kaibigan."

Bahaw siyang tumawa. "We're not friends at all. And even if she is, I'd still stick to a safer plan. Pumalpak siya sa misyon. Wala akong pananagutan sa ano mang mangyayari sa kanya," matigas na pahayag niya.

Bumangon ito at hinampas ng paulit-ulit ang dibdib niya ng nakakuyom na kamao. "You are a cold-heartless bastard!" she whimpered.

Hinayaan niya lang ito. "Ngayon molang nalaman?" Mapait na ngumiti siya dito.

Tumigil ito at may pagkadisgusto sa mukhang tiningnan siya.

Di siya nag-iwas ng mga mata. "Ang buhay mo ang pinka-priority ko. Nothing else in this world matters to me but your life. Be good and just do what I told you."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon