Part 39

463 50 3
                                    

Calgary, Canada

"Don't try to get away from me, buddy." Pinangko ni Daniel ang mag-i-isang taong gulang na anak na humagikgik habang gumagapang palayo. Pinupog niya ito ng halik sa tiyan habang itinataas sa ere. Lalo itong humagigik.

"Dadaaaa!" sigaw nito habang tumatawa. At kahit ilang beses pa niyang marinig ang pagtawag sa kanya ng mga anak niya, di pa rin nababawasan ang sarap ng pakiramdam tulad nang unang beses na bigkasin iyon ni Levin.

"Don't try to hide Stephen! Nakita na kita," aniya sa nakangiting anak na nakasilip mula sa ilalim ng counter ng kusina. Nilapitan niya ito bitbit sa isang braso si Levin. His son screamed, wiggled, and giggled when he scooped him up off the floor with his other hand.

Nakikita ni Daniel ang sarili niyang mga mata kay Stephen. Kambal man ang dalawa at may iisang mukha. Magkaiba ang kulay ng mga mata ng mga ito. Namana ni Levin ang bughaw na mga mata sa ina nitong si Leila. At nakuha naman ni Stephen ang abuhing mga mata niya. Their kids were so adorable and they started to become the apple of the eye of the neighborhood.

DINGDONG! Tunog ng doorbell ang nagpalingon sa kanya sa main door. Pangko ang mga anak sa magkabilang braso, lumapit siya sa pinto.

"Mamaaaa!" excited na bigkas ni Stephen.

Tumawa si Daniel. "It's not Mama. Nandito lang siya kani-kanina bago siya pumunta sa downtown. And she's not going to ring the door if it's her," paliwanag niya sa mga anak na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.

Si Levin ang pumihit sa door handle dahil di libre ang mga kamay niya.

"Very good," puri niya dito. Subalit unti-unting naglaho ang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi nang mabungaran niya ang tao sa harap ng pinto.

"Hindi ito tulad ng iniisip mo. I'm not here to kill you... Silver," agad na saad ng nilalang na nakapamulsa sa dating assassin ng HYDRA.

"Lead..." bulong ni Daniel habang napapakurap. Bakit hindi niya makikilala ang taong ito gayung ilang beses niya na rin itong nakasama sa mga misyon?

"Sinabi na sa akin ni Paul ang lahat. Puwede ba akong pumasok?"

"Y-yeah..." Pinapasok niya ito. Kung si Copper ay pinangingilagan sa pagiging recluse nito, kabaligtaran no'n si Lead. Kaya naman ito ang kadalasang tumatayong lider at namamagitan sa mga assassins dahil na rin sa ito ang kauna-unahang sumabak sa mga war fields.

Naupo ito sa couch at lumibot ang paningin sa loob ng bahay. "You have a nice home," komento nito.

"Yes. Thank you." Ibinaba niya sa crib ang mga anak. Naupo siya sa pang-isahang sofa sa gilid nito pagkatapos.

"Your children? Twins?"

Tumango siya at ngumiti. "Yeah..."

"Nasaan ang asawa mo?"

"Nag-grocery," kibit-balikat na sagot niya.

"Sorry I just barged in here... It's just... Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay ka, Silver."

"I guess I'm the same a year ago." Tumingin siya dito. "Pero totoong wala na si Silver... Lead... I'm just Daniel you know. You can drop that name and call me Daniel instead."

Lead smiled. "Kung ganoon, huwag mo na rin akong tawaging Lead. Xeph is my real name. But I can't live as Brutch Xeph Crimson anymore dahil alam 'yon ng HYDRA nang pumasok ako sa organisasyon at ang pangalang 'yon ay nasa lists of missing persons pa rin ng Amerika. I'll probably change my surname and live with my given name in remembrance of my loving mother."

Napakurap si Daniel. "You... huwag mong sabihing..."

Tumango ito. "Namatay ako tatlong buwan na ang nakakaraan sa Yantorn's manor. Pagkatapos 'kong mapatay si Godfrey, nagising ako sa isang private clinic. Si Nitro at si Paul lang ang naroon. Paul revealed everything to me. At tinanong niya 'ko kung gusto ko pang bumalik sa HYDRA bilang Lead. At..."

"Did you fall in love?"

Umangat ang isang kilay nito. "Did you experience the same?"

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Pamaya-maya pa ay pumuno ang halakhak ng dalawa sa loob ng bahay. Pagkatapos ay pahapyaw na ikinuwento nito sa kanya ang mga nangyari.

"The old man is really a cupid under the wolf's clothing." Tumikhim si Daniel. "So... umibig ka rin sa isang babaeng naging parte ng misyon mo. Kung ganoon... bakit ako ang unang pinuntahan mo, Xeph?"

"May gusto lang akong kumpirmahin bago ako pumunta sa kanya."

"At iyon ay?"

Nagtama ang paningin nila at nakita ni Daniel ang isang normal na emosyon ng isang tao. "Na hindi lang ako ang posibleng mabuhay ng normal... o mas tamang sabihing puwede rin akong mamuhay ng normal sa labas ng HYDRA tulad ng nakikita 'ko sa'yo ngayon. Na hindi nauuwi sa isang trahedya ang lahat."

Tinapik ito ni Daniel sa balikat. "Minsan ko na ring inisip na wala akong karapatang maging masaya. Na ang mga tulad natin ay hindi puwedeng magkaroon ng normal na buhay. Pero tulad din tayo ng ibang tao sa ilang aspeto na may partikular na hinahanap at hinahangad." Tumayo siya at binuhat si Stephen na nagsisimulang mag-alboroto. "By the way, if you're going to see Copper, busy siya sa pag-aalaga sa buntis niyang Misis sa Pilipinas. Ibibigay ko sa'yo ang contact number niya at baka biglang mapaanak ng wala sa oras si Heidi kung basta ka na lang susulpot sa bahay nila."

Tumawa ito. "You and Copper really started to have a family, huh?"

"Huwag kang maiinggit. Bumuo ka na rin ng sa'yo. At huwag mong kalimutang bumalik dito para ipakilala ang future wife mo."

"Talking about wife... sino nga pa lang napangasawa mo?"

He grinned on him while patting his child's back. "Kilala mo ang tatay niya. Leila Castillo. Alpha's hidden daughter."

Bumakas ang gulat sa ekspresyon nito. Ilang sandali pa ay napapailing na hinagod nito ang batok. "So that's what Andrea meant..."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now