Part 32

449 45 3
                                    

MAHIGPIT na niyakap ni Mary Grace ang kaibigang si Malou. Sa harap pa lang ng bahay nito, tinakbo na nito ang distansiya pagkakita sa kanya.

"Mabuti naman at okay ka lang. Patawarin mo 'ko bestfriend. Kung hindi ka pa nalagay sa alanganin, hindi pa ako magkakalakas ng loob na lumantad para ihabla si Luke."

"It's alright. Everything is settled, Malou." Noong isang linggo pa umamin si Luke sa mismong kasalanan nito. Pero bago 'yon ay naunang lumantad ang kanyang kaibigan. Ini-report nito sa pulis ang ginawang pananamantala ng lalaki nang malaman nitong pinaghahahanap siya ng awtoridad.

Humiwalay ito at umiiyak na tiningnan siya. "Alam kong kinompronta mo siya dahil sa 'kin. Ikaw ang nagalit para sa 'kin. Dapat naging matatag ako. Dapat nakinig ako sa sinabi mo. Nang umamin ako kina Mommy, hindi nila ako kinondena. Sa halip, suporta ang natanggap ko sa pamilya, ilang kaibigan, at kaeskuwela natin."

"At lakas-loob na ginawa mo 'yon sa pagnanais na iligtas ako. Salamat, Malou. Salamat at hindi mo ako pinabayaan."

Umiling ito. "No. It's thanks to you that I became brave. Sa simula pa lang, dapat ginawa ko na ang tama. Hindi lang ako ang biktima ni Luke. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari masama sa'yo dahil sa karuwagan ko."

Napaiyak na rin siya. "Desisyon 'kong puntahan si Luke. Wala kang kasalanan. Ang gusto ko lang bumalik ka sa dati. Pumasok ka sa school. Kahit ang masungit na si Ms. Maglipol, nami-miss ang mga panunukso mo. Pati si Father Ziggy at ilang kasamahan natin sa choir. Miss ko na rin ang mga jokes mo kahit minsan corny. 'Yong Malou na laging nakatawa kahit walang nakakatawa." Nag-unahang tumulo ang mga luha niya habang humahagikgik. "Bestfriend... I'm sorry but this would also be my farewell to you."

Bakas ang pagkaunawa sa ekspresyon na tumango ito. "Siya ba?" Inilisya nito ang mukha. Dumako ang tingin sa lalaking nakasandal sa Ducati di kalayuan sa mismong kinatatayuan nila.

Nahihiyang ngumiti siya dito. "I can't stay here any longer without him."

"Pambihira ka, bestfriend! Saan ka nakatisod ng ganyang kaguwapong nilalang? Goodness!" Tinampal nito ang noo. "Kaya ka pala nagmamadalingg umalis dahil ipagpapalit mo ang normal na buhay natin sa isang demi-god. May kapatid ba 'yan? Pinsan? Kaibigan?" masiglang banat nito.

Napatawa lang siya. "Sira ka talaga!"

"Sira? Oh, akala ko ba miss mo na ang mga comment ko?"

Yes. She missed that playful smile. Muli ay gusto niyang humagulgol dahil di niya lubos akalain na masisilayan niya pa 'yon sa mukha ng kaibigan. Malakas at matatag si Malou. "Siya 'yong nagbigay sa'kin ng locket noong bata pa ko. Naalala ko na siya."

Suminghap ito. "Oh my God! Tadhana 'yan, friend!" Napabuntong-hininga ito bigla. Napakamot sa ulo. "Okay na rin na umalis ka. Made-depress to death ka lang kung maiiwan ka doon sa Tiyang Lydia mo. Pero grabe naman siya sa pagpapalayas sa'yo. Sa kanya bumabagsak ang pension ng Uncle Marco at Aunt Mercy mo tapos pinasibat ka ng ganu'n-ganoon lang?" Tinakapan nito ang bibig nang makita ang pagkakatamlay ng mukha niya. "Huwag na ngang pag-usapan ang mga taong walang kuwenta." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Sige na friend... humayo na kayo at magpakarami."

Muli siyang tumawa. "Gagiiihhhh..."

Mahigpit na niyakap nila ang isa't-isa.

"Saan ka man pumunta... tandaan mong kaibigan mo ako, Mary Grace. Magbago man ang lahat, 'yon ang di magbabago sa ating dalawa," anas nito bago siya pinagtulakan palayo.

Isang beses pang nilingon ni Mary Grace ang kaibigan sa kalagitnaan ng kanyang mga paghakbang. Kumaway ito sa kanya.

"Magkikita pa tayo!" sigaw nito.

"Oo naman!" balik-sigaw niya.

Pamaya-maya pa ay nasa tabi na siya ni Xeph. Sa tabi ng lalaking pinakamamahal niya.

"Are you sad?" tanong nito matapos iabot sa kanya ang helmet.

Umiling siya. "Sabi mo noon... may buhay na nagsasara para magbukas ang panibago. This time, I'll have my new life with you, Xeph."

Nakakapanlambot ng tuhod ang ginawang pagngiti nito sa kanya. "Nice answer."

Umangkas siya sa likod ng motor. Sa pagkakataong 'yon di na nito kailangan sabihin pa na higpitan niya ang pagkapit sa baywang nito. Hindi na niya ito pakakawalan pa. Naalala niya ang naging huling pag-uusap nila ng binata. Ang alok nito na di niya inaasahan ay naghatid ng kung anong kaligayahan sa puso niya.

"Anong plano mo, Mary Grace? Anong balak mong gawin pagkatapos maresolba ang problema?" tanong ni Xeph. Katabi niya ito sa sofa. Nasa bahay pa rin sila ni Andrea. Ang babae ay nagpapahinga na sa silid nito ng gabing 'yon. Subalit di makatulog si Mary Grace. Nang lumabas siya ng kuwarto ay nadatnan niya doon ang binata na tila may malalim na iniisip.

Nagkibit-balikat siya. "Di ko alam. Hindi na ko puwedeng bumalik kay Tiyang Lydia."

"May lugar ka bang mapupuntahan? I mean... she knew you're an orphan. How can she sent you away just like that?" Naroon ang bahagyang iritasyon sa tinig nito.

Pagak na tumawa siya. "Di ko siya masisisi. Ni hindi kami magkadugo. Second cousin siya ni Aunt Mercy. Pasalamat na lang ako na kahit papaano ay kinupkop niya ako nang mamatay ang mag-asawa. Mula noon, siya na ang itinuring kong kaisa-isang pamilya. Bilang utang na loob, hindi ko siya gustong madamay sa banta sa buhay ko o ano mang gulong nasuutan ko."

"Masyado kang mabait."

Umiling siya. "Hindi ako ganoon. Nabubuhay lang ako sa naiisip kong tama."

"Like I said considerate and kind. Also humble."

Nilingon niya ito at matamang tiningnan. "Masyado mo akong pinupuri. Parang sa paningin mo, wala akong gagawing mali—" Natigilan siya nang biglang sumayad sa pisngi niya ang palad nito. Ilang beses siyang kumurap. Banayad na hinaplos ni Xeph ang kanyang pisngi.

"Tama ako. You are too kind and fragile for my world... But even so... I want to take you with me. If you are going to struggle alone... then why don't both of us struggle together on this cruel planet?"

Hindi siya nakahuma sa narinig. Bigla ang pag-antak ng saya at sakit sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kamay nitong nakalapat sa kanyang mukha. Di lang panaginip ang lahat, hindi ba? Di lang halusinasyon ang naririnig niya, tama? Dahil 'yon ang huling bagay na inaasahan niyang marinig mula sa binata. Kasabay ng kanyang pagtango ay ang impit na iyak na kumawala. That was the happiest day of her life. 

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon