Part 28

425 45 5
                                    

"ABSENCE makes the heart grows fonder."

Nilingon ni Lead ang babaeng gumambala sa pagmumuni-muni niya. Matamang nakatingin sa kanya si Andrea habang naglalakad palapit sa couch.

"Did I just say something meaningful?" May panunudyo ang klase ng ngiti nito. Naupo ito sa couch. Balot ng bandage ang braso at mukha ni Andrea. Madali itong naka-recover sa mga sugat na tinamo dalawang linggo na rin ang nakakaraan.

"What's with you?" matabang na tanong niya. Muli niyang ibinaling ang pansin pabalik sa screen ng computer na kaharap niya.

"Linya ko 'yan, Lead. What's with you still staying in this country? Wala ka bang planong bumalik sa HYDRA?"

Umangat ang kilay niya. "Not your damn business."

"Given. But it's their business." Inginuso ni Andrea ang smart phone niyang nagba-vibrate. Mukhang alam na nito kung sino ang kumo-contact sa kanya. "You even blocked their computer connections. Ako tuloy ang tinawagan ni Paul."

Hindi siya kumibo. Alam niya 'yon. Noong nakaraang linggo pa siya pilit na kino-contact ni Nitro. Siya na lang ang hinihintay para isagawa ang planong pag-a-ambush kay Godfrey. Ngunit ang sistema niya ay tila sala-salabid na kurdon na hindi niya magawang iayos. Blanko ang utak niya patungkol sa misyon. At isang babae ang may sala ng lahat. Isang babaeng hindi niya lubos akalain na nakakaramdam sa kanya ng ganoong uri ng damdamin. Damn. He didn't see that coming. He had no idea that she was seeing him that way. Hindi 'yon sumayad sa utak niya. 

I love you. Tama ba ang interpretasyon niya sa mga salitang 'yon? Ang ginawa nitong paghalik sa kanya ay ilang beses na nag-replay sa isip niya. 

Shit! I'm overthinking again!

"Magmula nang mawala si Mary Grace, pansin kong tuliro ka, Lead. May nangyari ba?"

"No!" agad na tanggi niya. "Anong mangyayari?"

Natigilan ito ng ilang segundo pagkatapos ay eleganteng tumawa. "The calm and collected leader is acting like a teenage boy being so defensive and whatnot."

"'M not."

"Yes, you are."

Huminga siya ng malalim at itinaas ang isang kamay. Pumihit siya paharap dito. "Why do girls like to drive men in a corner?"

Dumekwatro ito at sinalo ang baba ng isang kamay. "Silly. Don't blame it on us. Hindi namin kasalanan kung maiisip niyo lang kami kapag aware kayo sa sariling issue niyo."

Kumunot ang noo niya. "Issue?"

Tumaas ang isang kilay ng babae. "Excuses like you don't know anything about love."

Naningkit ang kanyang mga mata. "I don't know anything about it." Isa 'yong siguradong pahayag.

"Dahil sa simula pa lang, isinara mo na ang puso't isip mo sa pag-ibig, Lead. Hindi ka umaasang magmahal dahil hindi mo inaasahang mamahalin ka ninoman. Pero hindi mo hawak ang damdamin ng isang babaeng mapapaugnay sa'yo. Hindi ko masisisi ang munting dalagang 'yon kung mahulog man siya sa'yo."

Nasapo niya ang noo. Mukhang kahit wala siyang banggiting pangalan ay alam na nito kung sino ang pinatutungkulan. "Di ko masusuklian kung ganoon ang tinatawag mong pagmamahal."

"Stupid. You already did. The way you are right now is exactly like a man crazy about love being so indecisive."

"I just...... don't k-know what to do. How to handle it."

"Nag-isip ka ba ng ganyang katindi pagdating sa ibang mga babae?"

Napahinto siya. Well, kailanman hindi pa niya pinagtuunan ng pansin ang personal na aspeto na 'yon ng buhay niya. "I like being with women."

"Like? Hindi 'yon ang akmang salita. You just feel like you need to be with them. A man needs to play around after all. You slept with us pero di ka seryoso, Lead. You maybe saw us as a partner but you never saw us as your other half."

Pagak siyang tumawa. "That's absurd. Insane."

"Masasabi mo ba 'yan kay Mary Grace? Masasabi mo ba sa kanyang kabaliwan ang nararamdaman niya para sa'yo?"

Umiling siya. Di na siya nasorpresang alam nito na ang babae ang pinoproblema niya. "Ni hindi ako sigurado kung anong iniisip niya tungkol sa akin."

Lumapit ito at dinuro ang dibdib niya. "Alam mo pero nag-aalangan ka dahil wala kang tiwala sa ganoong klase ng damdamin dahil takot kang masaktan."

Napamulagat siya. "Drat! I'm not even scared of death. Bakit ako matatakot masaktan?"

"Dahil ang salitang kamatayan ay ordinaryo sa diksyunaryo niyong mga assassin. But for some of you, the word love is taboo. Mas nakakatakot ang bagay na di mo alam at di mo inaasahan, hindi ba, Lead?"

Mataman niyang tiningnan ang babae. "Bakit napaka-confident mo sa ganyang mga bagay, Andrea?"

Ngumiti ito na puno ng pait. "Dahil minsan na akong nagmahal ng isang assassin."

Tumahimik siya sa isinambulat nito. "Sino? Kilala ko ba?" usisa niya pamaya-maya

Nagkibit ito ng balikat. "Yeah... He's Alpha."

Napakurap si Lead. "Alpha? As in Alpha of HYDRA? Silver's partner who died in New York?"

Balewalang tumango ito. "No other than him. Pareho kaming spy ng mga panahong 'yon. Ilang beses ko na rin siyang nakasama sa ilang misyon. At kilala ko na rin siya bago pa man siya pumasok sa organisasyon. That poor guy was full of hatred in his heart after his wife died. Pero nakabangon siya at nagkaroon muli ng rason para mabuhay. But sad to say, I'm not the reason why he changed."

Namatay si Alpha bilang isang traydor sa organisasyon. Ito ang tanging naglakas-loob na i-hack ang system ng HYDRA para sa pinakadelikadong impormasyong gugustuhing mapasakamay nino man na nais na pabagsakin ang organisasyon. The Nine Head's identities were being concealed even on assassins like them. Ilang mapagkakatiwalaang Lifter lang ang direktang kumakausap sa mga ito. Maging si Lambert ay hindi isa sa mga 'yon.

"But I know he didn't die in vain. Dahil may dalawang buhay sa labas ng HYDRA ang sumisimbolo kay Alpha."

Hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Huwag ka nang magtanong. Hindi ko rin alam ang ibang detalye. Paul always talked on riddles. You just don't know how that old man contemplates. Anyway, you've got a load of things to think about. Pero hindi maghihintay ang desisyon para sa'yo, Lead. Dahil ikaw ang gagawa no'n."

"Napakadali ko bang basahin, Andrea?"

Muli itong humalakhak. "Tinatanong mo ako? Shame on you if you reject me once, shame on me if you reject me twice. And shame on both of us if we didn't know the reason. Sa tuwing lalapit ako sa'yo at nagpapakita ng motibo, itinutulak mo ako palayo. Napakatanga ko naman kung hindi ko pa mahahalata ang pagkailang mo sa bagay na 'yon. And to add a salt on my wound, you treated that little girl like your most precious treasure in the world in front of me. But it's not like my heart hurts anyway. It's just my pride. Ikaw, Lead? Ano bang pinoprotektahan mo? Ang pride mo? Ang puso mo? Ang trabaho mo? O ang sarili mo mismo?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Ano bang mahalaga sa kanya? Hindi ba't ang mailayo sa kapahamakan ang buhay ni Mary Grace? Pero bakit di niya magawang tuluyang lumayo kung ganoon?

"Huwag mo nang tanungin pa ang sarili mo. Alam mo na ang sagot, Lead." Pumitik si Andrea sa hangin at itinuro ang screen ng computer niya.

Right. He had been monitoring Mary Grace all along. Hindi niya tinanggal ang ikinabit niyang tracker dito. Subalit kumunot ang noo niya nang mapansing ang red dot ay papalayo sa bahay na tinutuluyan ng babae. At hindi lang malayo, kundi sobrang layo ng distansiya. Sa ganoong disoras ng gabi? 

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon