Part 7

451 53 1
                                    

"Did you settle everything?"

"The doctor already set the appointment tomorrow," sagot ni Lead sa kausap na si Tin mula sa kabilang linya ng kanyang cellphone.

"That's good. Sa oras na mai-alis sa kanya ang microchip, anong balak mong gawin sa bata, Lead?"

Dumako ang paningin niya kay Mary Grace na nilalaro ang mga laruang binili niya para dito sa ibabaw ng kama. Nag-check-in sila sa isang five-star hotel di kalayuan sa private clinic. Isinantinig ng kasamahan ang bagay na kanina niya pa pinag-iisipan. Na-locate na ni Nitro ang ilang kamag-anak nito sa Pilipinas. Subalit hindi palagay ang loob niyang basta na lamang ipadala ito sa mga taong ni hindi niya nakilala. Kahit na kamag-anak ang mga ito ng bata, duda pa rin siya kung aalagaan ng mga ito si May Grace. Gusto niyang makasiguro na babagsak ito sa mabubuting kamay. 

"May kaibigan akong mapagkakatiwalaan dito sa Brazil. Marco will take care of her hanggang sa makumbinsi ko si Lambert na hindi na magiging banta pa ang buhay ni Mary Grace sa TRIAD sakaling mai-alis na ang microchip. Then I'll personally go check her relatives."

"Alam mo kung gaano niya kaayaw kapag hindi sinusunod ang mga utos niya. Ilalagay mo na naman sa alanganin ang sarili mo, Lead."

"Ito lang ang magagawa ko sa ngayon. I couldn't possibly kill her. After this call, huwag mo muna akong kontakin, Tin. Alam kong naghihinala si Lambert."

"I think he's testing you."

"Sana nga ay gano'n lang."

"Anong ibig mong sabihin, Lead?"

Ilang segundo siyang natahimik bago nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. "No. Nothing. Masyado lang akong nag-iisip. Anyway, gawin mo na lang ang sinabi ko."

"Pero kung kakailanganin mo ng tulong—"

"Di ko hahayaang may makitang butas ang Lifter para idispatsa ang dalawang frontliner ng HYDRA kung saka-sakaling magiging mainit ang sitwasyon."

"Sa palagay mo ba hahayaan kong harapin mong mag-isa ang problema?"

"Tin... may pamilya kang puwedeng balikan sakaling maisip mo na talikdan ang organisasyon. Ako wala, kaya ayos lang na ako ang humarap sa panganib."

Pagak itong tumawa. "Fool. Imposibleng mangyari ang sinasabi mo. Stop deciding on your own. Kapag inilaglag ka ni Lambert, hindi ako basta-basta tatahimik lang sa isang tabi."

Wala na siyang nagawa pa kundi ang muling mapabuntong-hininga. "Okay. I'll call you again if something came up." Ibinaba niya ang cellphone. Sapo ang noong napaupo siya sa couch. Nagiging masyadong sensitibo na siya sa kinalagakang sitwasyon.

Kailangang ikalma niya ang sarili dahil hindi lang buhay niya ang nakasalalay sa mga hakbang na gagawin niya. Napaigtad siya nang biglang may kumapit sa mga binti niya.

Nakita niya si Mary Grace na nag-aalalang nakatingala sa kanya. Pilit na ngumiti siya at hinaplos ito sa tutok.

"Do you like your toys?"

Tumango ito. Mahigpit na yumapos sa binti niya. There was something on the act that touched his soul. The way the little girl was getting attached to him felt so surreal. Pakiramdam niya ay umiiyak ang kaluluwa niya at may namamahay na kung ano sa puso niya. Tuluyan niya na itong binuhat at iniupo sa kanyang isang hita.

"Mary Grace, makinig kang mabuti sa sasabihin ni Kuya Xeph." Sinapo niya ang mukha ng paslit. "Bukas, 'yong doktor na nakausap natin kanina ay magsasagawa ng operasyon—No..." Umiling siya. Kung sasabihin niya ng literal ay baka hindi nito maintindihan at matakot pa ito. "May tatanggalin siya sa katawan mo para palitan kung ano man 'yung bagay na sumusuporta para panatilihing malusog ang pagtibok ng puso mo."

Kumurap ang bata at niyuko ang sariling dibdib. Her small hand clutched her chest. Muli itong tumingin sa kanya. Kinuha ang isa niyang kamay at may sinulat sa kanyang palad. 

"Mommy and Daddy did the same thing to me. They let me sleep though and I couldn't remember anything. Will the doctor also let me sleep?"

Napangiti siya. Matalino ang bata. "Yes. Parang ganoon na nga." Hindi niya napigilang halikan ang noo nito. Who could resist such a witty and adorable kid? "Pagkatapos puwede ka nang mabuhay ng walang ano mang inaalala. Hindi ka na masasaktan pa at makakakita ng mga bagay na magdudulot sa'yo ng takot at sakit." He looked at her with fondness. "Sana lang bago kita ibigay kay Marco, marinig ko man lang ang boses mo."

Bumalong ang luha sa mga nagsusumamong mga mata nito. 

"Iiwan mo ba ako?"

He stiffened. He was never good with goodbyes. May kung anong kumikirot sa dibdib niya. Nang una pa lang mali na ang lahat. Ang paglapit ng loob niya sa iba ay isang ipinagbabawal na aksiyon para sa assassin na gaya niya. Pero bakit hinayaan niyang mapalapit siya kay Mary Grace? Marahil ay dahil sa awa. O maaaring dahil sa alam niyang responsibilidad niya ang buhay nito na insidenteng sumabit sa TRIAD at HYDRA. 

Diretsong tiningnan niya ito. "Hindi 'yon maiiwasan. Parte ng buhay ang paghihiwalay. Pero hindi ibig sabihin no'n na doon magwawakas ang lahat. May isang yugto ng buhay na magsasara para buksan ang panibago."

Bumuka ang bibig nito. Tila may nais itong sabihin pero walang boses na lumalabas sa lalamunan nito. Wala itong nagawa kundi ang mapasibi at umiyak. The girl was frustrated.

He chuckled and rustled her hair. Sa panahong hindi niya na ito makikita, biglang sumagi sa isip niya kung maaalala pa kaya siya nito sakaling lumipas ang ilang taon. Siguradong magdadalaga ang batang ito at sa mga panahong 'yon, maalala pa kaya siya nito? Na kahit papaano ay may naiwang bakas ang buhay niya patunay na humihinga pa ang bata. 

Biglaan ang naging pagsulpot nito sa buhay niya. Di niya akalaing isang munting bata ang muling magpapainog ng mundo niya. Kung mamamatay siya ng dahil dito ay hindi niya makapa sa loob ang pagsisisi. What Mary Grace gave him was the feeling of tranquility. He could only lose one thing. But not this girl's life. Not her. Kung iyon ang tinatawag na pagbibiro ng mga Bathala, nawa'y ilayo ng mga ito si Mary Grace sa mga hayok na demonyo!

"Don't cry..." Pinahiran niya ang luha sa pisngi nito. "Starting from now on... you don't need to cry or suffer. Kukunin ko ang lahat ng bagay na magpapaiyak sa'yo. Your cruel fate, your pain, your trauma, and the memories that would possibly hunt you in the future."

Sinugod siya nito ng yakap. Lead could only smile on that moment. Sinagip ng munting anghel na ito ang puso niya. 

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ