Part 5

492 53 1
                                    

Lambert," pagtawag ni Lead sa Lifter nang pumasok siya sa opisina nito.

"Tapos na tayo dito sa isla. Pero hindi ibig sabihin no'n na bibitawan na natin ang kaso ni Godfrey Falkner. Nakukuha mo ba kung gaano 'to kaseryoso, Lead?"

Hindi siya kumibo. Mataman niya itong tinitigan. May nalalaman ba ito sa ginawa niyang pagtatago sa isa sa mga batang nailigtas niya sa pasilidad?

The team leader sighed as he made a gesture for him to take a seat. Kaswal na tumalima siya. Walang bakas ng alinlangan sa kanyang mga mata na tiningnan niya ng diretso ang asul na mga mata nito. Isang maling galaw at maling salita ay pagdududahan siya nito. Isa sa mga kakayahan ng assassin ang basahin ang bawat galaw ng taong kaharap nito. Ang matalas na pakiramdam ay isa lang sa mga kakayahan ng assassin na tulad nila.

"Kilala mo ba siya?" Itinulak ng kamay nito ang folder kung saan nakakipit ang malaking larawan ng isang batang babae. At kilalang-kilala niya kung sino iyon.

"Your hidden daughter?" kaswal na tanong niya. Isang pahayag na naghatid ng pagak na tawa sa lalamunan ng Lifter. Naglaho ang mabigat na atmospera sa pagitan nilang dalawa.

"You sure could crack a joke even at a time like this." Napailing ito habang naniningkit ang paningin. At the age of forty-two, Lambert had already those fine lines on his forehead. Alam niyang wala itong asawa o anak sa ganoong edad. Disisais anyos si Lead nang una niya itong makilala.

Brutality was an understatement to describe this man. Hindi nito nakuhang kilalanin ang makataong emosyon. Kahit ang kaisa-isa nitong kamag-anak ay di nito nakuhang patawarin. Nasangkot ang pinsan nito sa isang krimen na di nagawang pagbayaran sa batas. Ito mismo ang kumitil sa buhay ng taong 'yon. He was his partner that time. Hindi pa ito Lifter noon kundi isang frontliner assassin ng HYDRA at siya naman ay isang trainee pa lamang.

Saksi siya kung paano nitong pinatumba ang nagmamakaawa nitong pinsan sa harap mismo nito. Walang paraan para pigilan ang halimaw sa loob nito sa pagpapataw ng parusa.

"What you get is what you did." Iyon ang madalas na sabihin nito sa kanya. What was he admired about him was his resolve on that kind of life. Buong-buo nitong tinanggap ang kapalaran nito. Samantalang siya ay may mga oras pa ring bumabaliktad ang sikmura sa kinalagakang buhay. His emotions were rather developed on each and every mission he accomplished.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang umiyak para sa mga taong nawalan siya ng pagpipilian kundi ang paslangin. Pasan niya ang konsensiya para sa mga taong binawian niya ng buhay. Hangga't alam niyang ang kapalit no'n ay pagkakaligtas ng mga inosenteng nilalang, wala siyang karapatang tumigil na dumihan ang kanyang mga kamay.

Pero ang pagkitil sa buhay ng isang bata ay labas na sa prinsipyo niya. Kahit na ano pang maging kalabasan, napaka-irasyunal na kantiin ng mga ito si Mary Grace.

"Kay Greyson na mismo nanggaling na nasa katawan ng bata ang microchip na naglalaman ng coded formula para sa pagbuo ng MK 41."

"So... anong gusto mong gawin ko?" Lihim na naikuyom niya ang kamay sa ilalim ng mesa. Alam na niya kung saan patungo ang usapang 'yon.

"Find the little girl who holds the code and kill her." It was an indisputable command coming from Lambert. Lagi na'y ganoon ang tono nito subalit bakit sa mga oras na 'yon ay gustong sakalin ni Lead ang kaharap? Marahil ay dahil walang pinagkaiba dito kung matanda man o bata ang target.

"Saan ko naman matatagpuan ang isang batang kuwestiyonable ang eksistensiya? Wala ang pangalan niya sa listahan ng mga batang nakaligtas. At kung naiwan siya sa loob ng pasilidad, duda ako kung nakaligtas siya sa pagsabog. Saan nila nakuha ang ideyang buhay pa ang bata? Greyson already said that the kid was on the basement of the facility. Ako ang nakatuklas sa ilang mga batang ginawang preso ni Godfrey. At wala akong matandaang may ganitong mukha akong nakita sa kanila." Itinuro niya pa ang larawan. "Sa tingin mo ba hindi pag-aaksaya ng oras ang gagawin 'kong paghahanap?"

Isang makahulugang ngiti ang sumibol sa gilid ng mga labi nito. "I know you still have your soft spots to cover-up for a kid. Kung walang tanong na tinanggap mo ang misyon na 'to, pagdududahan talaga kita, Lead."

Alam niya na ang bagay na 'yon. Balak niya talagang tahimik na tanggapin ang misyon habang pinagpaplanuhan nila ni Tin kung saan nila dadalhin ang bata. But to fool this kind of man, he needed to be as truth as the reality and as clear as the water. Ang inaasahan nitong sagot mula sa kanya ang kailangan nitong marinig. At siya ang isang uri ng assassin na hindi nauubusan ng tanong at reklamo kung may nakikita siyang butas o pagkakamali sa impormasyong inihahain sa kanya. Kilala siya ng taong ito sagad sa buto.

"Bakit gusto nilang patayin ang bata? Wala bang ibang paraan para maisalba ang buhay niya?"

"They wouldn't take that kind of risk."

"Pero ang paslangin ang isang walang muwang---"

"No more complaints, Lead." Isang nakakasugat na tingin ang ibinigay nito. "Or else sa iba ko i-a-assign ang misyon na 'to."

Hindi niya na napigilan pang suntukin ang mesa. "This is just too cruel!"

"That is just HYDRA for you," kalmadong pahayag nito. "Recheck the kids who were sent to their home one by one. Bibigyan kita ng isang linggo, Lead. Dalhin mo sa'kin ang patay na katawan ng paslit."

Nag-igting ang kanyang bagang. "Why do you want her dead body, Lambert?"

"Hindi sa wala akong tiwala sa'yo, Lead. Pruweba ang hinihingi ng sitwasyong tulad nito. I wouldn't give you this mission if I didn't trust you in the first place. Naninigurado lang ako."

"At kapag wala talagang naging resulta ang paghahanap 'ko?"

"Then, hahayaan ko na. Ibig sabihin lang no'n patay na siya. Case closed. Wala na akong ibang pagpipilian kundi mag-file ng death report sa Nine Heads."

"So this mission was just to make sure the lowest possibility?"

Umismid ito. "You know me, Lead. Ang isang mababang posibilidad ay hindi imposible para sa'kin."

~~~~~~~~~~~~~

"STOP it." Pigil-pigil ni Lead ang kamay ni Mary Grace na akmang dadamputin ang stethoscope sa mesa. Kanina niya pa ito pinagbabawalang likutin ang ano mang parapernalya na umaagaw ng pansin nito sa private clinic na 'yon.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi at tahimik na nanaog sa kanyang tabi nang bigyan niya ito ng malamig na tingin. Pansin niyang nanunumbalik na ang normal nitong ugali nitong mga nakaraang araw. Tipikal itong bata na madaling masaling ang kyuryosidad. Subalit hindi pa rin nanunumbalik ang kakayahan nitong magsalita. Aware siyang hindi ito madaling makaka-recover sa sinapit. Pero dalangin pa rin niya ay bumalik ito sa normal bago man lang ito dalhin sa kustodiya ng isang kamag-anak.

Nakuha niyang ipuslit ito paalis ng isla sa tulong ni Tin. Saktong excuse ang misyon na iniatang ni Lambert sa kanya para magkaroon ng dahilang malayang makagalaw. At ang una niyang tinumbok ay ang private clinic na inirekomenda ni Nitro. Nitro was the neutral genius assassin of HYDRA. Lead knew his character. He was not helping an assassin for the sake of organization itself. Kung may magagawa ito para sa isa ay gagawin nito. Either for HYDRA or for personal matters of a frontliner, he was tactful enough to help.

"Mr. Crimson, the result is out," agaw-pansin ng doktor na kalalabas mula sa diagnostic room.

****
- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon