Part 17

420 45 0
                                    

"Ten years ago, your parents were taken by a criminal organization called TRIAD. Mahusay na scientist and Daddy mo at na-develop niya ang compound formula ng isang perpektong nuclear warhead. Do you know how rare and vital Uranium and plutonium are as the main materials in creating an atomic bomb? Nagawan ng paraan ng Daddy mo na pataasin ang concentration ng chemicals without increasing these rare resources. Isa 'yong malaking tagumpay para sa mga bansang walang access sa mga ganoong armas. Lalo na sa mga third-world countires na halos walang namiminang Uranium. Binuo ang MK41 tertiary stage project ng gobyerno ng Amerika. Marami rin ang naging interesado sa panig ng mga militar ng iba't-ibang bansa para isulong ang proyekto. But your father turned them all down. The highest-yielding thermonuclear bomb could grant the power to domain the seven continents. Alam 'yon ng ama mo kaya ni-request niyang i-shut-down ang proyekto. Power means war. And war means unnecessary deaths. Pero bago pa man siya ma-secure ng gobyerno ng Amerika, naunahan sila ng isang grupo ng mga terorista. Nag-leak ang confidential information sa black market. Ang black market kung saan nagbebenta ng armas at impormasyon sa mga terorista at grupo na committed sa ilang illegal activities tulad ng Mafia. Pinondohan ng TRIAD ang mga grupo ng teroristang 'to sa pamumuno ni Godfrey Falkner. The project was renamed Janeiro Explosivo Projeto. Kasama kang dinukot at ang Mommy mo para i-black-mail ang scientist na utak ng formula. Ang resulta ay ang pagkakakulong niyo sa laboratory ng pasilidad sa Rio de Janeiro."

Di maiwasang mapalunok ni Mary Grace mula sa kanyang kinauupuan sa mga impormasyong isinisiwalat sa kanya ni Lead. Masyado 'yong malaki at mabigat para sa kanya. Hindi niya 'yon naiintindihan. Alam niya ang kurso ng trabaho ng ama niya sa Estados Unidos. Ilang beses na 'tong naparangalan dahil mahusay ito. But she never knew that he was so great enough to be targeted by terrorists.

"HYDRA which is the organization I'm working for tracked down that facility. Utos mula sa itaas na pasabugin ang pasalidad at i-secure ang mga nuclear warheads na binuo mula roon. And then... that's the time I saw your parents..." Huminto ito at tumingin sa kanya. "In that dark cellar with shots of bullets... they were lying on the ground on the verge of death. At kalong ka nila sa gitna. Gising ka pero tulala."

She gasped while covering her mouth.

"Pinakiusapan ako ng ama mo na itakas ka sa lugar na 'yon. Sa huling hininga niya, nagmakaawa siya sa aking kunin ka."

"B-bakit sila p-pinatay?"

"Dahil di nakumpleto ng ama mo ang trabaho. On the very last stage of completion, he pulled out his trump card. Marahil naisip niyang papaslangin din siya at ang pamilya niya pagkatapos niyang mabuo ang MK41. Pero tuso si Greyson, ang punong scientist na namamahala sa pasilidad. Ninakaw niya ang program ng coded formula sa simula pa lang. He duplicated the copies. Sa tagal ng proseso sa paggawa ng bomba, malamang naghinala na siyang may niluluto ang Daddy mo. Kaya di na nagdalawang-isip ang TRIAD para paslangin ang mga magulang mo dahil nakuha na nila ang impormasyon. Pero nagkaroon ng problema nang atakehin ng HYDRA ang laboratoryo."

"Kasamang naglaho ang impormasyon sa pagsabog." Siya na ang nagsambit ng obvious na konklusyon. "Pero anong kinalaman ko sa impormasyong 'yon? Oo at anak niya 'ko pero di ako sing-talino ng Daddy ko. At wala siyang iiwan sa 'kin na kahit na anong impormasyon na malalagay sa panganib ang buhay ko."

"Of course hindi niya gagawin 'yon. Si Greyson ang gumawa."

"H-ha?" Para itong nagsalita sa ibang lengguwahe. Hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin.

"There are three copies of the coded formula." Itinaas nito ang tatlong daliri. "One from the personal PC of your father which is impossible to retrieve and the other is from the main computer of the facility. Hindi na nag-e-exist pa ang mga impormasyong 'yon."

"A-at ang ikatlong kopya?"

Nag-pause ito ng ilang segundo bago nagsalita. "The microchip that contained the program... It's planted inside your body."

Napahawak siya sa dibdib. "S-sa loob ng katawan ko?"

"Maaaring hindi na ngayon. Aware kang mahina ang puso mo noong bata ka pa, di ba?"

Wala sa loob na napatango siya. "I had a pacemaker—" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin nang mapagtanto niya ang lahat. "D-doon itinanim ang impormasyon?"

"Greyson was insane. Puwedeng sumailalim ka sa isang surgery habang nasa pasilidad ka at pinalitan niya ang pacemaker mo. Ikaw ang Plan B niya kung sakaling mabulilyaso ang Plan A."

"Pero wala na sa 'kin 'yon. Matagal nang naialis sa katawan ko ang bagay na 'yon."

"Na siyang mabuti."

"Ha?"

"Mas mainam na nawala o naglaho nang parang bula ang impormasyon na 'yon. Pero walang choice si Greyson kundi ang papaniwalain ang TRIAD na nasa iyo pa ang microchip. Malaki ang posibilidad na pinagbabantaan siya ni Godfrey. Wala na sanang magiging problema pa kung hindi na nagising pa ang matandang bilyonaryo mula sa coma. Kaya tahimik kang nakapamuhay sa loob ng sampung taon sa pagbasura ng proyekto dahil walang willing maglabas ng bilyung-bilyong budget bukod sa kanya. But a year ago, he woke up to finish his revenge plot."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon