Part 18

449 44 1
                                    

Napahikbi siya at umiling. "Pero wala na sa 'kin ang kailangan nila."

"To see is to believe. Hindi ka kinakanti ng HYDRA dahil sa paniniwala ng organisasyong patay ka na."

Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya 'to. "P-pero buhay pa 'ko."

"Kaya ako nandito."

"P-para patayin ako?"

"No. To keep you alive."

Sumakit ang kayang ulo sa magulong lohika nito. "It doesn't make sense at all."

He grinned terribly. "Yeah. Hindi rin ako magagawang unawain ng HYDRA. Bilang assassin, trabaho 'kong linisin ang kalat na nilikha ko ten years ago. At ang pinakamadaling paraan ay ang paslangin ka ng di nag-iiwan ng bakas."

"W-why?" Nagsusumamo ang mga mata niya sa binata. "Why won't you kill me?"

"Tulad pa rin ng dahilan ko noon. Di ko kayang bawian ng buhay ang isang inosenteng batang gaya mo. Hindi ikaw ang mismong ugat ng kasamaan at isa ka lang sa mga minalas na masangkot. At isa pa, nangako ako sa ama mo na poprotektahan ko ang buhay na iningatan niya at ng Mommy mo."

"D-dahil lang doon? Ni hindi mo gaanong kakilala ang parents ko." Mariin siyang napapikit. "I... I d-don't know what to say. Dala ba ng awa kaya tinulungan mo 'ko?"

Lead sighed. "I did pity you but for me that word wasn't enough to save the lives I personally took with my hands. Pity is just a hypocrite and half-hearted feelings humans conveyed to say they are concern. Dahil nagtatapos ang salitang 'yon sa salita lang. But I actually took actions so you can't call it a mere pity."

"Anong dahilan mo?"

"Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang sarili ko. Mukha pagdating sa'yo, nagiging irasyunal ako. Wala akong personal na dahilan kung bakit kita gustong tulungan. Walang mabigat na rason. Minsan ginagawa natin ang isang bagay dahil sa gusto lang nating gawin. Walang lohiko, walang proseso, at di umiikot sa isang sirkulo. I guess it's my way of expressing my freedom on this lock world of mine. So it basically means... you are like my freedom, Mary Grace."

Tuluyan na siyang napaiyak. How could his words be so sweet and gentle with that expressionless face? Ang taong ito sa harapan niya... hindi ito isang estranghero lang sa buhay niya. He was more than that. Kahit di niya ito naaalala, alam niyang naging mabuti ito sa isang batang nawalan na tulad niya.

"Don't cry. Matatag ka, Mary Grace. Until now, you've been struggling to live. Kahit wala na si Marco, naging matapang ka at nagpatuloy na mabuhay ng normal."

"Ikaw ang taong kinukuwento ni Uncle Marco..." Pinahid niya ang mga luha sa pisngi. "Ikaw ang kaibigan niya."

Tumango ito at malungkot na ngumiti. "I was... and still am. Kahit wala na siya, tinupad niya ang pangako niyang aalagaan ka."

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"DID you find the microchip?" tanong ng Lifter kay Lead mula sa screen ng computer.

Umiling siya. "Nah. Malabo pa rin. I checked the medical records of the kid here in the Philippines. Ang surgeon na nagtanggal sa pacemaker ni Mary Grace walong taon na ang nakakaraan, ipinahanap ko na pero hanggang ngayon wala pa ring tawag kay Andrea."

Naningkit ang mga mata ni Paul. "Sigurado ka bang hindi siya nagsisinungaling sa'yo?"

Nagkibit siya ng balikat. "Walang rason para magsinungaling ang bata. Nasa panganib ang buhay niya dahil sa bagay na 'yon Paul. Isang daang porsiyentong nakatityak akong wala siyang itinatagong ano man."

"Nasaan siya?"

"Natutulog sa kuwarto."

"Huwag mong kalilimutan ang priority ng misyon mo, Lead."

Walang emosyong tumango siya. "Alam ko."

"Nag-aalala lang sa'yo si Paul," sabat ni Nitro. Katabi ito ng Lifter mula sa control room ng main headquarters. "That you are not walking the same path of Silver and Copper gone through."

Nagpakawala siya ng isang pekeng tawa. "Di pa ko puwedeng mamatay."

Tumikhim si Paul. "You are not allowed to. Gigilitan ako ni Bismuth."

Natigilan si Lead sa pagbanggit nito kay Sky. "Nasa misyon ba siya, Paul?"

"He's on a test."

Umangat ang isang kilay niya.

"Para maging isang frontliner. Bismuth, Radon, Argon, Krypton, and Helium would take the test the Nine Heads prepared."

"Kailan pa naging aktibo ang siyam na ulo ng organisasyon?"

"They are probably anxious about the assassin's death."

His gaze got cold. "Kung sila ang nasa lugar natin, hindi na nila kailagang mamroblema sa pagre-recruit."

Umani ng tawa mula kay Nitro ang linya niya. "I second the motion!" pahayag nito. Binatukan naman ito ng Lifter.

"Still, the test was just a formality," si Paul. "Hindi na siguro darating ang oras na maglalakas loob silang humarap sa mga assassins."

"Kaya namatay ang anak mo, di ba? Dahil naging banta siya sa identidad nila." 

Hindi nakakibo ang Lifter sa sinabi niya. Alam niya ang gulong kinasuungan ni Silver at ng partner nitong si Alpha. Alpha hacked that information. His life was sacrifice for the benefits of HYDRA. At naglahong parang bula si Silver para ipaghiganti ang pagkamatay ng partner nito. And then... they were both gone. Just like that. 

"Hey Paul... direkta mong nakakausap ang Nine Heads, di ba?"

Ang tanong na 'yon ay nagdala ng ilang gatla sa noo ng matanda.

"Lambert didn't have that privilege."

Paul managed to straightly look at him. "Kung matatawag ngang pribiliheyo ang bagay na 'yon. For me, it's more of a burden."

"Yeah, magka-iba kayo ni Lambert. He became so attached on HYDRA that it also became the reason for him to be a traitor. Masyado siyang kumapit sa posisyon niya at umasang may kapalit lahat ang mga bagay na ginawa niya."

"This world is cruel, Lead. Iyon lang ang sigurado para sa atin."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon