Part 31

396 51 2
                                    

Napaigik si Luke nang biglang may nagtanggal ng piring niya sa mga mata. Simula nang magising siya kanina pa ay naging balisa na ang pakiramdam niya. Madilim ang paligid dahil sa takip sa kanyang paningin. Di siya malayang makakilos dahil sa pagkaka-restraint ng mga paa at kamay niya sa kinauupuan.

Nang makalaya sa blindfold ang mga mata niya, napasinghap siya. Dalawang taong nakamaskara ang nakatunghay sa harapan niya. At lalo siyang nabahala nang ilibot niya ang tingin sa paligid. Apat na sulok ng maruming dingding. Ilaw na nakasabit sa mababang kisame. Sumusuray ang light bulb sa mismong ulunan niya. Drum ng tubig sa gilid. Mga nakakalat na tubo at bakal. Isang power generator na konektado sa ilang kurdon.

At nang mapatingin siya sa mesang katabi niya, gumiti ang pawis sa gilid ng kanyang mukha. Nail pincer, fliers, scalpel, c-clamp, ilang piraso ng kandila, matulis na tweezers, blades, at pambarena. Iyon ang mga gamit na nakalapag sa ibabaw no'n. Parang sa isang suspense at horror movie! At nahulaan na ng binata! Balak siyang i-torture ng dalawang nilalang na ito sa harap niya!

"Welcome to your personal hell, Luke Wilson Pelaez," pahayag ng bultong mas matangkad.

Ilang oras na ang nakararaan nang dukutin siya sa mismong ospital kung saan siya naka-confine. Nawalan siya ng malay dahil sa nalanghap niyang kemikal sa panyo na tumakip sa kanyang ilong at bibig. At umiilaw ang ideya sa utak niya kung bakit siya dinukot. Marahil ay may kinalaman 'yon sa kasong kinasangkutan niya.

Siya ang lumabas na biktima dahil sa tinamo niyang head injury. Walang alam ang ama niya sa totoong nangyari kaya lakas loob itong nagsampa ng kaso. Kapag nalaman nito ang totoong nangyari, hindi ito mangingiping ipatapon siya tulad ng isang basura. Hindi niya na nais pang bumalik sa impiyernong rehabilitation center na 'yon!

Reputasyon ng pamilya ang pinakamahalaga dito at ang imahe nito bilang alkalde sa bayan. Ginagamit nito ang mga pangyayari upang kunin ang simpatya ng mga tao. Kahit pa na gusto niya na lang na manahimik at hindi na 'yon dalhin pa sa pulis, huli na ang lahat. Kailangan niyang panindigan ang pag-arte at hayaang saluhin ni Mary Grace ang kasalanan at sisi na siya ang nagpasimula.

"I know what you're thinking brat," anang boritonong boses. Bigla siyang sinabunutan patingala ng lalaking nakamaskara. "But first things first, you'll die in severe pain and agony here. I'll let you taste the consequences of your own sins until you rot to despair," bulong nito malapit sa tainga niya. Pinanayuan siya ng balahibo dahil damang-dama niya ang panganib sa malamig na tinig nito.

"A-anong gusto niyo?" May kinig sa boses niya. "H-huwag niyo 'kong papatayin! Kung pera ang kailangan niyo, puwede kayong humingi ng ransom sa ama ko."

Pumalatak ang babaeng nakamaskara. "Madali 'to. Naduduwag na ang isang 'to wala pa man tayong ginagawa," kausap nito sa kasama.

Inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya. "Pakakawalan ka namin na wala ni isang gasgas kung aamin ka sa ginawa mo. You see... nagka-amnesia ka yata sa pagkakapukpok sa ulo mo kaya nakalimutan mong sabihin sa mga pulis na guilty ka for sexual assault and another attempted sexual assault. Sabihin mo sa lahat ang kasalanan mo at malaya kang makakaalis dito."

"K-kasalanan?" Naglumikot ang mga mata niya. Sinasabi na nga ba niya't may kinalaman doon ang lahat.

Nagpakawala ng isang malutong na mura ang lalaki. Pabalyang binitawan ang buhok niya at kinuha ang pincer sa mesa. "Stop this theatrics. Huwag ka nang mag-maangmaangan pa!"

Napaungol sa takot at gulat si Luke. Sa isip niya'y hindi nagbibiro ang mga taong ito. Kung sasagarin niya ang pasensiya ng mga kidnapper na 'to, hinuhukay niya ang sarili niyang libingan. Subalit kung gagawin niya naman ang inuutos ng mga ito, sa kulungan ang bagsak niya. "Y-you can take the money from my father. Mayor siya ng San Albelda. Di puwedeng hindi niyo siya kilala. Di siya tatahimik na lang basta-basta kung may mangyayari sa akin."

Nagimbal siya nang kuwelyuhan siya nito. "Who's talking about money here? Wala akong pakialam sa pera niyo! At duda 'kong concern sayo ang tatay mo. Sa apat na anak, ikaw ang halos di nabibigyan ng atensiyon. Maybe because you came from a different mother."

Luke gasped horribly. "P-paano niyong nalaman ang bagay na 'yan?"

"Such detail is not important. Kung ayaw mong may makaalam ng baho ng pamilya niyo, isakripisyo mo ang sarili mo. Though I really can't call you a sacrifice cause you deserve to be punished."

"W-wala 'kong pakialam sa pamilya ng Pelaez!"

Pumalatak ito. "How about your mother dear on the mental institution? Gusto mo bang sabihin ko pa ang exact address?"

Gilalas siya. "Don't you dare touch her!" asik niya. Hindi small-time ang mga taong kaharap niya. Base sa mga impormasyong hawak ng mga ito, mukhang sasabit siya. Wala ni isa man sa mga tauhan at ilang malalapit na pamilya ang nakakaalam ng bagay na 'yon. Bukod tanging sa legal na magkabiyak na Pelaez. Kaya nga lumaki siyang isang rebelde dahil sa diskriminasyong nararanasan niya sa sariling ama. At kinamumuhian siya ng asawa nito.

"Remember this, you don't call the shots here." Nabaghan si Luke nang kunin nito ang isang daliri niya.

"A-anong gagawin mo?" hintakot na tanong niya.

Inipit ng pincer na hawak nito ang isa niyang kuko. Pagkatapos ay walang habas na hinila.

"Arrrrggghhhhhhhhhhh!!!" Mabaliw-baliw sa sakit na sigaw niya. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at halos magtagis ang mga ngipin niya dahil di siya makapalag. Ayaw niyang tingnan ang nabunot niyang kuko. Talagang seryoso ang mga itong balatan siya ng buhay!

"What? Gusto mo pa ng isa?"

Di siya makasagot dahil ramdam niya pa rin ang di matatawarang sakit. Lalo iyong tumitindi.

"Baka mas gusto niya 'yong kinukuryente?" sabat ng babae.

Bigla niyang inangat ang mukha.

"You see... that power generator is connected to your chair." Itinuro nito ang bagay na 'yon. At nang sundan niya ng tingin ang mga wire at kurdon, papunta 'yon sa mismong ilalim ng kinauupuan niya. Saka niya napagtanto. "Sa madaling sabi, nakaupo ka sa isang electric chair bata," bale-walang pagpapatuloy nito.

He was too shocked to utter a word. Sino ang mga taong ito? Tila sanay na sanay na ang mga ito sa ganoong scenario. Napapitlag siya nang marinig ang matuling pag-ugong. At tila nga siya nasa isang horror movie, dahil nakatingala siya ngayon sa nilalang na hawak ang umiikot na pambarena.

"I prepared to fix a few loose screws on his head though."

Ramdam niya ang pagkabasa ng kanyang pundiya. Sa pinaghalu-halong kaba, hindik, at takot sa mga sadistang dumukot sa kanya. Kung bibigyan muli siya ng pagkakataong pumili, mas gugustuhin niyang makulong sa rehabilitation center kaysa harapin ang mga kampon ng demonyo sa harap niya. Ayaw na niyang makita pa ang mga ito miski na isang segundo! Mas tanggap 'yon ng buong pagkatao niya.

"I'll confess! I'll confess! I'll confess!" halos wala na sa katinuang sigaw niya.

Samantalang nagkatinginan naman ang dalawang magkasabwat. "Sabi na nga ba. Sisiw lang 'to." At pagkatapos ay tumama ang kamao ng lalaki sa mukha ng kanilang hostage. Nawalan ito ng malay.

Nang lumabas ang mga ito sa abandonadong building, mahinang sinuntok ng babae sa balikat ang lalaki.

"Wala kang patawad... Hindi mo na kailangang tanggalan pa siya ng kuko... Lead."

Inalis ng binata ang maskarang suot. "That's his small penance for trying to hurt my girl, Andrea."

Humagikgik ang dalaga. "Wow... nasasabi mo na ang mga bagay na 'yan ngayon. Congrats."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon