Part 6

503 48 1
                                    

Inilabas nito sa envelope ang resulta ng x-ray ni Mary Grace. Idinikit nito iyon sa fluorescent screen na nasa dingding.

Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Is it positive?"

"Even without an x-ray, I am positive that she has a pacemaker inside her body. I did already perform an ECG to check the device's function. Hopefully nasa ayos pa naman ang baterya. Kahit sa auscultation at percussion lang sa katawan ng bata, ramdam ko ang pulse generator."

"How about the foreign object inside of it?"

Tumango ang doktor. "Yes. It was visible." Itinuro nito ang mistulang guhit sa ribcage. "May isang maliit na bagay na nakadikit sa lead wires. Hindi ako sigurado kung ano 'yon pero inconsistent ang bagay na 'yon para maging parte ng equipment."

Nilingon niya ang direksiyon ng bata. Wala itong kaalam-alam sa panganib na nakaamba sa buhay nito. Kahit hindi pa kumpirmadong iyon ang microchip, alam niyang hindi nagsisinungaling si Greyson. He couldn't help but be disappointed. Kahit papaano ay umaasa siyang wala sa katawan nito ang isang delikadong bagay na pag-aagawan ng mga terorista. 

Pero ano bang mababago kung naroon man 'yon o wala? The moment this little girl lost his parents, she already lost the way to a normal life. 

"Pwede ba nating tanggalin?" tanong niya nang muling harapin ang doktor.

"Of course we can. Normally, talagang pinapalitan ang artificial pacemaker tuwing ika-walo hanggang ika-sampung taon. Drain na 'yong baterya ng pulse generator sa mga oras na 'yon. I guess in her case, that's just temporary. Mahina ang puso niya sa ngayon. Sa oras na lumaki ang bata at kaya nang suportahan ng na-develop na puso ang katawan. Hindi niya na kakailanganin pa ng pacemaker. We could probably resort on oral medications hanggang maging stable ang lagay niya."

"Puwede ba nating simulan na ang procedure ngayon?"

Natigilan ang doktor. Sumeryoso ang anyo. "That would be a problem, Mr. Crimson. Everything is done under a process. Kailangan ko ang medical records ng bata as for endorsement maging ang consent ng mga magulang para sa operasyon."

"I can provide the medical records but the consent of her parents is quite impossible." Muli siyang bumaling kay Mary Grace.

"Kamag-anak ka ba niya?" usisa nito.

"I am not."

Saglit na katahimikan ang nagdaan sa pribadong klinika na 'yon. "You are not trying to harm the kid with this, aren't you?"

Diretsong tumingin siya sa mga mata ng doktor. "It's the other way around, Doc."

Humugot ito ng malalim na hininga. "May tiwala ako sa mga taong rekomendado ni Mr. Cassidy," tukoy nito kay Nitro. "Tinulungan niya 'kong itayo ang clinic na 'to. Kung ano man ang maitutulong ko para palitan ang pabor na 'yon, gagawin ko. As long as it's not illegal or bad." Tumikhim ito at nagtungo sa table. "You can sign the consent, Mr. Crimson as the guardian of this kid. Pero hindi ko maisasagawa ang operasyon ngayon. I need to provide and prepare the things required for this. Isa pa, may mga kliyente akong naka-schedule ngayong araw na 'to."

Frustration ran through his body when he heard him. "So, kailan puwede?"

"Is tomorrow an inconvenient day for you? Sasabihin ko sa'yo ang schedule at ang mga preparasyong kailangang gawin ng pasyente."

Sumibol ang ngiti sa kanyang mga labi. "It's perfect, Doc." Nilapitan niya ito at kinamayan. "Thank you. Dodoblehin ko ang bayad."

"Hindi mo na kailangan pang gawin 'yon. As long as it's for the sake of this little Miss." Ginulo nito ang buhok ni Mary Grace.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon