Part 10

476 51 3
                                    

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. A nuclear warhead is not a joke."

"Di 'ko rin 'yon itinatratong biro. Para sa isang taong tulad kong itinapong parang basura ng mismong bansang kinalakhan ko. Siguradong walang tatawa sa isang birong hatid ng malupit na tadhana." Tumingin ito kay Mary Grace. Ngunit tila walang kaluluwang nasasalamin ang mga mata nito. "Hindi ba't mas mainam na bawian ka ng buhay sa yugto na hindi mo pa alam ang lahat? Kaysa malaman mong ang bawat pangyayari sa paligid mo ay pawang kasinungalingan, buktot, at hindi patas. Magdurusa lang ang batang 'yan kapag iniwan mo siya ng buhay."

"Huwag mong pangunahan ang isang bagay na hindi pa nangyayari! Maaaring ganyan ang tingin mo sa buhay pero iba siya sa'yo. Nasaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang niya pero nagawa pa rin siyang iligtas ng mga ito. Her father and mother bet their lives to protect that life you thought as futile. Iiyak siya at mamumuhi pero hindi darating sa puntong magiging tulad mo siya o magiging tulad ko!"

"Paano ka nakakasiguro?"

"Dahil sisiguraduhin kong hindi siya lalaki sa mundong kinasadlakan ko. Dahil kahit wala siyang magulang, titiyakin kong may taong mananatili sa tabi niya sa oras na umiyak siya, tumawa, o masaktan. Dahil gusto kong yakapin niya ang buhay na hindi ko nagawa o malamang na hindi mo rin nagawa sa oras na nawala sa'yo ang lahat. I'm not going to wish for another soul to suffer just because I learned the cruelty of this world."

Pagak na tumawa ito. "That's plenty and noble for the tongue of an assassin. Pero hindi mo naiintindihan ang lahat. Alam mo ba ang pakiramdam ng napagkaisahan at napag-iwanan? Na tatraydurin ka ng sarili mong kaibigan, pamilya, maging ng sarili mong bansa? That you can't do anything but puke from the words they said so differ to the actions they took. Na pinagsibilhan mo na sila't lahat pero imbes na pasasalamat ay kataksilan ang igaganti nila sayo?!"

Mapakla siyang ngumiti. "I totally get it. Inabot mo ang isang kamay mo para tumulong pero walang ano man na kinagat nila 'yon. Sila 'yong mga taong pinagmalasakitan mo subalit kasamaan ang iginanti sa'yo. Yung pamilya at mga kaibigan mo mismo na pinagkatiwalaan mo ng buong-buo pero nagawa kang ipagkanulo sa demonyo. Humans have mask of skins. Layers of layers. Wala kang kaide-ideya kung anong tumatakbo sa isip ng isang tao. Maaring kaibigan mo siya ngayon pero kaaway mo na bukas. Puwedeng mauwi ang maamong pagngiti sa malademonyong ngisi. This world is warped. Iyon ang reyalidad. Ngunit hindi mo puwedeng ituring na masama ang lahat ng tao. Hindi mo kinilala ang kabutihan dahil di mo 'yon naransan. Iba ang nakatanggap. Pero kahit ikaw man ang magdusa, titingin pa rin ako sa posibilidad na may ngingiti sa lugar ko. Na may mabubuhay ng tahimik at masaya sa mga sakripisyo ko. Na hindi mauuwi sa wala ang lahat. Hindi para sa sarili ko o hindi man sa mga taong pinapahalagahan ko. Kundi sa pitumpu't porsiyentong taong namumuhay ng normal sa mundo. Wala akong hihintaying kapalit dahil hindi ko ginagawa ang isang bagay para sa pansariling rason. Kung darating man ang ganoong pagkakataon, hindi ko itatapon ang lahat."

Lead saw the guy wavered through his eyes. "That's bullshit and hypocrisy!"

"Yes, it's bullshit and hypocrite yet it's the right thing. Kahit ang mga gradeschooler alam kung anong mabuti at masama. Alam nating dalawa subalit mahirap pa rin para sa atin na gawin ang nararapat. Kahit ako alam ko sa sarili ko kung gaano akong nalulugmok sa kasalukuyang kinalalagyan ko. But still, even with my soiled hands, I'm doing something that you can't even tell if it's right or wrong. Kaya ayokong mag-isip para sa sarili ko. Dahil kabaliwan at kahangalang isipin na kumikitil ako ng buhay para magligtas ng buhay. When hell was looking for sinners, it's just happened to be that I'm there on the wrong place at the right time. I played with devils willingly."

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon