Part 3

521 58 2
                                    

"Sshh...ssh... It's okay now. You are perfectly safe," alo ni Lead sa batang yakap-yakap. Tuluyan niya na itong binuhat habang hinihimas ang likod. Dama niya ang panginginig ng yayat at maliit na katawan nito.

"You are going to be a good father, Lead," pagbibiro ng tumatawang si Tin.

"Shut up Tin! I'll kill you. Who would be a father at twenty?"

Tumaas ang isang kilay nito. "Still not so young to be a father."

"Wala akong intensiyong magkaroon ng sariling pamilya."

Tumingin ito sa kanya. Sa mga mata nito ay naroon ang pang-unawang maiintindihan lamang ng ilang assassins na kabilang sa kanila. "Kahit ako naman."

Ilang sandali pa ay pumantag ang batang nasa bisig niya. Naging patag at tahimik ang paghinga nito. Nang ibaba ito sa stretcher ni Lead ay tulog na ito. "The father of this kid asked me to protect her," sambit niya. Napakamot siya sa ulo. Napabuntong-hininga. "Sa unang pagkakataon sa buhay 'ko, sinabihan akong protektahan ang isang tao at hindi patayin."

"Nagkita kayo?" gulat na tanong ni Tin.

"You mean the father? Sa tingin ko isa siya sa mga napatay na scientist sa pasilidad. Malamang siya at ang asawa niya."

Pumitik ito sa ere. "That's it! Tatawagan ko si Nitro para ipadala ang impormasyon sa kasong 'to. Kung isa siya sa mga scientists sa proyektong 'to, makikilala mo sa picture, tama?"

Tumango siya. "Sure do."

Pamaya-maya pa ay kaharap na nito ang laptop at walang tigil sa pagtipa sa keyboard. "Here. Nitro is fast." Ilang mga larawan ang ipinakita nito sa kanya mula sa database nila. "This one?"

"No." Umiling siya. Yes, they were Asians but probably not some Japanese. Pinasadahan nila ang lahat sa computer hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa isang babae sa screen. "She's the mother!" turo niya sa isang babae.

"I see. She's Catalina Zambal, a surgeon. His husband is Federico Zambal. The Filipino scientist that got kidnap three years ago in Washington." Nagkatinginan sila ni Tin. "So... Filipino ang bata pero American citizen. Another victim of TRIAD."

May kung anong uri ng init ang gumuhit sa kanyang dibdib. "My mother is partly Filipino." Sinulyapan niya ang batang babaeng natutulog. Kung ganoon ay kalahi niya ito. Lahing oriental tulad ng kanyang ina. Hindi siya pamilyar sa Pilipinas pero tinuruan siyang magsalita ng kanyang ina ng wikang tagalog noong nabubuhay pa ito. Mga malabong banaag mula sa taong nagluwal sa kanya. Bilang na mga memoryang binabalikan niya sa isip sa tuwing gusto niyang talikdan ang lahat.

"Philippines, huh? Nakapunta na'ko doon. My adopted sister is a Filipino. Minsan bumibisita siya sa Pilipinas."

Bumaling siya dito. "Do you have any contacts with your family until now?"

"Ever since I joined HYDRA, I sever my ties with them. I just can't face my mother showing what kind of bastard her son became."

Mapait siyang napangiti. "At least no matter what kind of bastard you are, someone would be willing to scold you."

"Pero kahit pa pagalitan niya 'ko sa buong taon ng buhay 'ko, hindi na 'ko makakabalik. Thinking it over would be just a total hell for me."

Mahinang sinuntok niya ito sa balikat. "We are on hell, Tin. The scenarios and situations we faced are like a peek in the underworld." Pumihit siya pabaling sa batang natutulog. "Pero hindi ito ang lugar para sa batang ito. Kahit pa na dito pumanaw ang mga magulang niya, hindi siya nararapat sa delikadong lugar na 'to."

Tumawa ang kasama niya. "Like a little angel lost her way on the lair of devils. So, anong gagawin natin sa kanya?"

"Hide her existence to Lambert 'til we can figure out what to do with her. Aalma lang ang isang 'yon."

Umangat ang kilay ni Tin. "Willing ka bang magtago ng isang bata sa cabin mo?"

Tumikhim siya at tinapik ito sa balikat. "I'll leave the rest to you."

"Hell no!" Pumiksi ito. "I can't handle kids."

"Me too."

"Huwag kang sinungaling!"

Napakamot siya sa ulo. "Geez..."

~~~~~~~~~~~~

"KAHIT anong mangyari huwag kang lalabas ng kuwarto. Naintindihan mo ba?" Kinakausap ni Lead ang batang babae sa wikang tagalog dahil mas may nakukuha siyang reaksiyon at rekognisyon mula sa lantang eskpresiyon nito.

Tumungo siya sa tokador at naglabas ng tuwalya at malinis na damit para dito. He could only lend his t-shirt and boxer shorts for her.

"Iyon ang banyo." Itinuro niya ang pinto sa may gawing kanan ng katamtamang laki ng kuwarto. "Take a shower first." Iniabot niya dito ang towel. Subalit nananatiling nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Napangiwi siya. "Oh God dammit!" Walang choice na binuhat niya ito at dinala sa banyo. "Bakit ko ba 'to ginagawa?"

He suddenly removed all of her clothes. Hinawi ang shower curtain. Binuhat ito patungo sa maliit na tub at binuksan ang gripo. Hinablot niya ang shower head at basta na lang itinapat iyon sa ulunan ng bata. Napapitlag ito nang bumuhos ang tubig. Suminghap at nanlalaki ang mga matang tumingala sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya. Hindi siya puwedeng maging malambot sa sitwasyong 'yon. Hangga't maaga ay gusto niyang alisin sa isip ng batang babae ang mga pangyayari.

"Baka naman gusto mong paliguan ang sarili mo, bata? Kailangang ako pa ba ang gumawa?"

Atubiling inabot nito ang sabon sa gilid ng tub at marahang ikinuskos sa ulo nito. Pumalatak siya. At least kumilos ito. Magandang senyales.

Kinuha niya ang basyo ng shampoo. Inawat niya ito at siya na mismo ang nagpabula no'n sa ulo nito. Nakakapit ito sa magkabila niyang braso habang mariing nakapikit. He could only ask himself what the hell he was doing. A top assassin of HYDRA was acting like a nanny right now. How shameful.

Subalit agad ding nawala iyon sa isip niya nang titigan niya ang bata. Namumugto ang mga mata nito. Umagos ang mga luha sa pisngi nito. Tila yata hindi pa pumapasok sa buong sistema nito ang malagim na sinapit ng mga magulang nito.

"Mas mahirap kung hindi ka magsasalita." Ginulo niya ang buhok nitong nababalutan ng bula. "Masakit ba?"

Dumilat ito at sumentro ang malamlam na paningin sa kanya.

"Masakit ba ang mawalan ng minamahal sa buhay?" mahina niyang tanong.

The girl gnashed her teeth. Bumaon ang mga kuko nito sa kanyang braso. Naroon sa patay na mga mata nito ang isang nakakasugat na liwanag. Pamilyar na larawan sa kanyang kaisipan. Higit na pamilyar sa pakiramdam. Parang bumabalik sa isip nito ang trahedyang sinapit at nagbibay 'yon ng purong galit at lakas ng loob para maging punong rason sa pagpapatuloy sa buhay.

Tandang-tanda niya na gano'n din ang naramdaman niya. Mula sa pagiging inosente patungo sa isang mundong itatalaga mo sa iyong sarili hanggang masaksihan mo mismo na puwede mo nang bitawan ang kahapon at mabuhay sa kasalukuyan. He ridiculously chuckled inside. Damn history.

"Vengeance is a stupid thing that can't bring thed dead back to life. Forget it. It's futile to think something like that. Your life is not worth for it."

Paano niya masasabi iyon sa isang sampung taong gulang na batang nawalan ng mga magulang? Gayung mismong ang sarili niya ay hindi kumbinsido sa mga salitang 'yon. Hindi 'yon maiintindihan kahit ng pinakamatalinong tao sa mundo. Paano pa kaya ang isang batang nasaksihan ang pagkamatay ng dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay nito?

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon