Epilogue

575 40 6
                                    

Sapo ni Tin ang noo habang namumula ang mga mata. Katatapos lang nilang mapanood ang video file na iniwan ni Lead sa vault locker nito.

"You're kidding me!" Hinablot ni Bismuth ang kuwelyo ng Lifter na siyang naghatid ng masamang balita. Hindi nakaligtas sa operasyon si Lead at namatay ito.

"Hindi ko ginagawang biro ang ganitong klaseng impormasyon." Pumiksi si Paul at pinalis ang kamay ng assassin.

"Nasaan ang katawan?"

"Alam mo kung anong patakaran dito. Wala kayong magiging pakialam sa buhay ng isa't-isa, Bismuth. Pagdating sa pribadong buhay niyong mga assassin, limitado ang puwede niyong malaman kung wala 'yong kinalaman sa misyon."

Narinig ni Tin ang malutong na pagmumura ni Bismuth. "I didn't sign for this f*cking organization just for this!" Sinuntok nito ang pader sa loob ng opisina ni Paul bago nagdadabog na lumabas.

Nang maiwanan silang dalawa ng Lifter, nagbuntong-hininga ito ng malalim.

"Anong reaksiyon ng Nine Heads? Anong sabi niya?"

Nag-angat ito ng isang kilay. Umupo ito at sumandal sa swivel chair. "Kayo na lang ni Ury ang natitira sa first batch frontliners, Tin. Nine Heads couldn't care less as long as there are replacements. At huwag kang magtanong tungkol sa taong 'yon dahil mali talaga ang hinala mo, Tin. Huwag mong pag-aksayahan ng oras ang isang bagay na hindi mo na maibabalik pa."

Umismid siya at binato ito ng masamang tingin. "People under you are dying... you are still like this Paul?"

"Walang may kagustuhan sa mga nangyayari. Godfrey was dead. Hindi nasayang ang buhay ni Lead."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang pinto. Pero bago siya lumabas muli niya itong nilingon. "I might as well die destroying HYDRA if it could be a threat on my family in the future. Pumasok ako dito para hanapin ang isang miyembro ng pamilya pero patuloy siyang nagtatago sa akin. I forgot to be a good boy without my mother's scolding. Please tell him that I will be more cruel in the future." Iyon lang at tuluyan na siyang lumabas sa opisina ng Lifter.

Abangan ang susunod na serye ng LEL (Lethal Elements of Love). Kilalanin ang susunod na assassin na si Tin, a nice boy who turned into a bad boy. Sino ang taong hinahanap niya? At sino ang makakapagpalambot sa puso niya?

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon