Part 22

518 50 9
                                    

TAHIMIK lang na nakamasid si Mary Grace kay Xeph mula sa siwang ng pinto ng kuwarto nito. Busy ito sa pakikipag-usap sa kung sino sa laptop nito. Bakit di niya agad nakita? Tahimik itong nagdurusa mula pa kanina. Di nito nagawang itago ang pagkabalisa. Kahit sinabi nitong wala itong pakialam sa buhay ni Andrea, kabaligtaran no'n ang nakikita niyang ikinikilos nito.

Kumpirmadong nasa kamay ng mga kalaban ang babae dahil tumawag ang mga ito gamit ang hand phone ni Andrea. Nagpadala ang mga ito ng larawan na di nagawang ipakita ni Xeph sa kanya. Pero nakita niya ang panandaliang pagtatagis ng bagang nito.

Hindi niya alam kung anong pinaplano nito. Wala itong sinasabi sa kanya na kahit na ano. Still, kung may magagawa siya para tulungan ito. Pero ano ba siya? Sino ba siya? Isang pabigat na di kayang protektahan ang mismong sarili. Isang microchip lang ang puwedeng magpabago sa mga buhay nilang nasa alanganin. Kung sana ay alam niya kung nasaan ang bagay na 'yon. Wala na silang poproblemahin pa. Ang sabi ni Xeph ay mas mabuting naglaho na ang bagay na 'yon ng habang panahon. Pero sa tingin niya ay hindi sa mga oras na 'yon.

"This thing could either save your life or would be the cause of your death, Mary Grace." Kumunot ang noo niya nang maalala ang mga katagang 'yon. Sino ang nagsabi no'n sa kanya? Napahinga siya ng malalim. Tumuloy siya sa kuwarto niya habang pilit na hinahalukay sa isip ang mga tagpong 'yon ng kanyang ala-ala. Kung ang Uncle Marco niya ang nagsabi no'n sa kanya, malamang may kinalaman ang bagay na 'yon sa microchip.

Natatandaan niyang tinanggal ang pacemaker niya pagkatapos nilang ma-settle ng tatlong buwan sa Pilipinas. Sa isang ospital siya inoperahan pero di niya alam kung nasaan ang pacemaker na tinanggal sa katawan niya. Pero kung may nalalaman ang kanyang Uncle Marco sa nilalaman no'n, di nito basta-basta ididispatsa ang bagay na 'yon. Ipinaliwanag ni Xeph ang sirkumstansiya niya sa matanda. Pahapyaw na ipinaliwanag nito kung bakit nasa panganib ang buhay niya.

"Itago mo ito, anak... huwag mong hayaang mawala sa mga kamay mo hangga't di dumarating ang magliligtas sa buhay mo."

Kung nagawang ibigay 'yon sa kanya, matatandaan niya kung nasaan 'yon. Bakit wala siyang maalala? Saan itinago ng Uncle Marco niya ang microchip na 'yon?

Iniangat niya ang mukha. Habang prente silang nakaupo sa isang tabi, nasa balag ng alanganin naman ang buhay ni Andrea. Kahit di niya ito kilala at iisang beses pa lang silang nagkita, di niya maiwasang mag-alala para dito. Sa kanya nag-ugat ang lahat. Siya ang habol ng mga kaaway.

Pero anong silbi niya kung wala sa kanya ang hinahanap ng mga ito? Of course they could fool them that she had it but what about after that? Kapag napatunayang wala 'yon sa kanya, sa ilalim ng hukay din ang bagsak nila. Yes. Xeph was right. Mas mabuting naglaho na ang bagay na 'yon. Ano ba ang buhay niya kumpara sa buhay ng mas nakakarami?

"Ang buhay mo ang pinaka-priority ko. Nothing else in this world mattered to me but your life." Natakpan ng dalawang bukas na palad niya ang mukha nang maalala ang mga salitang 'yon ng binata. Aaminin niyang masarap iyon sa pandinig. Xeph was a cold-hearted beast but not to her. Di miminsang sumagi sa isip niya kung ano ba ang bagay na nagawa niya para dito para tratuhin siya nito ng ganoon.

Kung bakit napakahalaga para dito ang mailigtas siya. Ano ba siya dito? Anong nakikita nito sa kanya sa ngayon? Tulad pa rin ba noong paslit siya? Just a sense of duty to protect a weak kid? Pero hindi lang awa ang nararamdaman nito sa kanya kaya pinoprotektahan siya nito. Inamin nito ang bagay na 'yon. It was more than that? But was it love?

Yes. She noticed it herself. Di lang siya attracted sa binata. Sintomas ng pagseselos ang nararamdaman niya para sa nobya nitong si Andrea. Mahal niya si Xeph. Ang malalaki nitong kamay na madalas ay ginugulo ang buhok niya. Ang luntian nitong mga mata na may bakas ng fondness kapag tinitingnan siya. Ang tahimik at matalim na pagkilos nito sa hangin. Ang tinig nitong may awtorisasyon at kumbiksyon. He was just like a hero in a movie. Pero alam niyang hindi iyon ang kahulugan ng eksistensiya ng assassin na si Lead. Malayung-malayo iyon sa katotohanan.

Natuptop niya ang dibdib dahil tila nanikip ang daluyan ng kanyang hangin. Nasasaktan siya isipin pa lang na puwede itong maglaho ano mang oras sa buhay niya tulad noon.

Kahit sabihin ko ang nararamdaman ko Xeph, hindi ka naman mananatili sa tabi ko habang buhay, di ba?

Huminto siya dahil sa masakit na pagkabog ng dibdib. Sinalat niya ang leeg. Natigilan si Mary Grace. Di niya suot ang kuwintas! Agad niyang tinungo ang aparador kung saan naroon ang sling bag na kaisa-isang bitbit niya matapos nilang lisanin ang safe house. Ipinagpag niya ang lahat ng laman no'n sa ibabaw ng kama.

Nakahinga siya ng maluwag nang tumambad sa mga mata niya ang gold locket. Naaalala na niyang si Xeph ang nagbigay no'n sa kanya sampung taon na ang nakalilipas. Napangiti siya at dinala ang bagay na'yon sa kanyang dibdib. Kaya pala napakaimportante ng kuwintas na 'yon sa kanya.

Matapos huminga ng malalim ay binuksan niya 'yon. May maliit na orasan sa loob. Isang automatic watch na gumagana pa rin haggang ngayon. Tinitigan niya 'yong mabuti. Kumunot ang noo niya nang may mapansin. Diniinan niya ang pinakasalamin ng orasan at nag-slide 'yon na tinatakpan ang isang sikretong taguan. Marahas na napasingasing siya. Nanginginig ang mga kamay na nabitawan niya ang kuwintas sa kama.

Tila nanlamig ang buong katawan niya habang hindik siyang nakatingin sa bagay na nalaglag mula roon. A microchip!

Oh my God! Don't tell me... Tuptop niya ang bibig habang nanlalaki ang mga mata. Naroon lang pala 'yon! Paano napunta doon ang bagay na 'yon? Sa nanginginig na kamay ay kinuha niya 'yon ng may takot at pag-aalinlangan. Muli siyang suminghap pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo sa katabing kuwarto.

"Xeph!"

Listong nilingon siya ng binata. "What?"

"Nakita ko na!" Lumapit siya dito. Itinaas ang microchip na nasa kanyang mga daliri. "Ito 'yong kailangan nila, di ba?"

Napamulagat ang lalaki at agad na kinuha mula sa kamay niya ang microchip. Inusisa nito iyong mabuti. "Saan mo nakita?"

"Sa locket na ibinigay mo sa akin."

Nagtatanong ang mga mata nito nang iangat nito ang mukha.

"Di ko alam kung paanong napunta doon. Maybe it was Uncle Marco who put that thing in it."

"Kailangang makasigurado tayo kung authentic ito." Pinagulong nito ang swivel chair na iniupuan sa harap ng computer. May kung anong kinalas ito sa CPU at ikonekta ang ilang wire sa mismong microchip. Nang buksan nito ang folder ay kaagad pumuno ang mga numero at ilang simbolo sa screen.

"Anong ibig sabihin n'yan?" curious na tanong niya na nakatunghay mula sa likuran nito.

Lead took a sigh. "Confirmed. Ito'yong program na may coded formula."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon