Part 15

463 46 0
                                    

Nang makapasok si Mary Grace sa kanyang kuwarto ay pagod na napahiga siya sa single bed na naroroon. Iyon lamang at isang aparador ang muwebles nasa loob. Kulay puti ang pintura ng dingding. Gawa sa kahoy ang rest house na pinagdalhan sa kanya ni Lead. Bungalow style. Dalawa ang kuwarto ng bahay. May disenteng kusina, salas, at banyo. Ang nag-iisang reklamo niya ay malayo iyon sa kabihasnan. Nasa gitna iyon ng kasukalan ng kakahuyan. 

Nasa Batangas daw sila. Iyon ang lang ang tanging sinabi ng taong nang-hostage sa kanya. Ngunit ang reklamo niyang 'yon ay mananatili lang sa kanyang isip. Hindi dahil sa takot siya dito. It was not that at all. Frustrated lang siya dahil hindi siya sanay na dumepende sa ibang tao. Lalo na sa isang estranghero.

Gabi na nang marating nila ang bahay. Parang karerista ito kung magpatakbo ng motorsiklo. Tila hindi ito takot mamatay. O baka naman sobrang taas lang ng confidence nito pagmamaneho? He just simply said to her that it was a habit. One of his bad habits. Muntik nang mamutawi sa kanyang bibig kung isa rin ba sa bad habits nito ang pagpatay. Nasorpresa siya sa pagiging insensitive at rude niya. 

Hindi man niya 'yon sambitin, parang nabasa na ni Lead ang nasa isip niya. Ngumiti lang ito at nagkibit ng balikat. Isang gesture na sinagot ang kanyang tanong. Wala itong pakialam sa kanya. Kung ano man ang iniisip niya tungkol dito. O kung gaano man kasama ang aksiyon nito. Tila isa 'yong rejection. Pakiramdam niya ay itinulak siya nito palayo sa mundong ginagalawan nito. It was unreasonably pissing her off.

Isang katok mula sa pinto ang nagpabalikwas sa kanya ng bangon.

"Mary Grace. After you unpack your clothes, come and join me at dinner." Iyon lang at mga yabag palayo ang narinig niya.

Napabuntong-hininga siya saktong kumulo ang tiyan niya. Paano ba siya makakatagal na makasama ito sa iisang bubong? Di niya alam ang gagawin niyang pakikitungo kay Lead. There was something about him overly familiar at the same time unreal. Not to mention that he was inhumanly so good looking. Tila ito nagmula sa ibang planeta. 

Noon lang siya nakakita ng ganoong kagandang mga mata at ganoong kakinis na mukha. At di niya maiwasang titigan ang mga labi nito habang nagsasalita. It was nonsensically tempting. Dahil para siyang tangang naga-guwapuhan sa isang taong di niya lubusang kilala. May mga naging crush siya pero hanggang doon lang 'yon. Di siya kinakabahan ng ganoong katindi.

At ang mas nakakagulat ay ang pag-iyak niya sa presensiya nito. She never cried in front of her Uncle Marco and Aunt Mercy. Kahit sa kaibigan niyang si Malou o sa Tiyang Lydia niya. Hangga't maitatago niya sa dibdib ang mga alalahanin, hindi siya basta-basta nagsasabi ng problema. Ano ba ang pagkakaiba ng mga ito?

Simple. You know them well. You don't know him that much. 

Tinutuya siya ng sarili niyang utak. Saan ba patungo ang pag-aanalisa niyang 'yon? Walang magandang idudulot kung pepersonalin niya ang nararamdaman niyang tensiyon.

Matapos ang malalim na paghinga ay nagdesisyon siyang lumabas ng kuwarto. Nalanghap niya ang amoy ng litsong manok na take-out sa Max. Lalo siyang nagutom. Inilang hakbang niya lang ang kusina. Sa mesa ay nakahanda na ang mga plato, kubyertos, at baso. Nakatayo si Lead sa harap ng kalan. He was heating the soup. Di man lang ito nagulat nang humarap ito. Tila ramdam na nito ang presensiya niya.

"Maupo ka na," muwestra nito.

Tumalima siya at hinayaan itong mag-serve ng pagkain. Para sa isang kidnapper, umaapaw ang konsiderasyon nito. Wagas ito kung makapagsilbi. 

Is this the same man who killed those people? 

Kung hindi ito ang taong kaharap niya ay tatabigin niya ang pagkaing inihahain nito. For a dirty hand of a murderer, she wouldn't stomach to swallow that food. Pero kung hindi nito pinatay ang mga taong 'yon, siya naman ang malalagay sa panganib. Nais niya ito uriratin. Anong naramdaman nito sa pagkitil ng buhay ng tao? Kahit na ang taong 'yon ay bulok ang pagkatao o pinakamasamang kriminal sa buong mundo, anong pakiramdam kung buburahin mo ang eksistensiyang 'yon? 

Sa totoo lang, wala siyang karapatang kuwestiyunin ang mga ginagawa nito. Siya na walang nalalaman sa batas ng kagubatan na pinaiiral sa isang lugar na di sakop ng gobyerno o ignorante ang pamahalaan, kung saan nagagapi ang mahihina ng malalakas. Kung saan di itinuturing na krimen ang pagpaslang. 

Is there such a thing in the first place?

There is. Sagot ng isang bahagi ng kanyang kaisipan. 

Naranasan mo nang mawalan dahil mahina ka. Dahil kahit mali sila at tama ka, walang boses ang isang tulad mong ni hindi marunong lumaban. Isa ka lang iyaking paslit no'n na walang kayang gawin. Ngayon ay ano ka na? 

Eksaheradong napasinghap siya sa mga salitang 'yon ng sarili niyang kaisipan. Nanginig ang kanyang kalamnan. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng magkabilang kamay niya sa mesa. She was suddenly gasping.

Naramdaman ni Mary Grace ang mga haplos mula sa likuran niya.

"Ssshhh... shhh... hush... It's okay. It's alright now. I'm here," alo sa kanya ng isang malumanay na tinig.

Di niya man lang namalayan ang mga likidong tumutulo sa kanyang mga mata. "Somehow there is something here." Tinuptop niya ang dibdib. "Sobrang sakit... may mga oras na pakiramdam ko may tumatawag sa pangalan ko. Boses ng mga taong dumaranas ng paghihirap na para bang nasa bingit sila ng kamatayan. At wala ako doon para damayan sila. Para sabihing gusto ko silang makasama at huwag nila 'kong iwanang mag-isa. Minsan nagigising ako sa umaga na basang-basa ng mga luha ang pisngi ko. Pero di ko alam ang rason kung bakit ako umiiyak o bakit sobrang sakit dito." Kinabog niya ang dibdib. "Hindi kaya ang mga magulang 'ko 'yon? Ang sabi ni Uncle Marco pumanaw sila para iligtas ang buhay ko. But how? Did they suffer? Did they think of me on their last breath? Ni wala silang libingan para ipagluksa ko sila. Pilit akong umiiwas sa loob ng ilang taon dahil abnormal ang sitwasyon ko. Minahal ko ang mga taong nag-aruga sa akin pero alam kong hindi kami magkakadugo. Ayokong saktan sina Uncle Marco at Auntie Mercy kaya hindi ako nagtanong o nag-ungkat. Pero ngayon, iniwan na rin nila akong nag-iisa."

"Hindi ka nag-iisa," banayad na bulong ni Lead sa kanyang tainga. "Nangyayari ang mga bagay dahil wala tayong kontrol sa mundo o sa nararamdaman ng ibang tao. I told you before na may buhay na nagsasara para magbukas ang panibago. People are living cause there are actually people dying on their counterpart. Kahit di tinatanggap ng ibang tao, 'yon ang katotohanan sa mundong 'to. Marami sa atin malayang pumili kung paano mabuhay pero hindi natin puwedeng piliin kung paano tayo mamamatay. Ang iba, piniling mamatay dahil nawalan sila ng pagpipilian kung paano mabuhay."

Naramdaman ni Mary Grace ang bigat ng mga salitang 'yon. His words had such impact on her. Lalo na ang huling pangungusap nito. Bakas sa tinig ni Lead na may pinagdaraanan din itong di kayang sukatin ng positibong paniniwala ng tao. Naging curious tuloy siya sa buhay ng binatang ito.

Kumalma siya at unti-unting gumaan ang pakiramdam niya sa mga bisig nito. Nagpasya siyang hindi husgahan ang lalaki. Na kikilalanin niyang mabuti ang taong ito. Pero teka, ano nang nangyari sa binabalak niyang pagtakas?

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon