Part 34

461 49 9
                                    

"It's nice that someone is welcoming me home." Malambing na kinuskos nito ang kanyang buhok.

Humigpit ang kanyang pagkakayapos nang marinig niya 'yon dito. Pero ramdam niya ang naging impit na pag-igik nito. Bigla siyang bumitaw sa binata. Nasilip niya mula sa round neck t-shirt nito ang benda sa balikat. Tuptop niya ang bibig upang pigilin ang marahas na paghinga. Tila maiiyak na tiningala niya ito.

Again he softly smiled and rustled her head. "It's okay. Kaunting galos lang. Napasabak kami ng laban sa mga tauhan ni Godfrey."

"Nahuli niyo ba?"

Umiling ito. "Nakatakas. Hindi madaling ma-trace ang mga galaw niya. Ilang double body na niya ang napatay namin. Masyado siyang mautak at madulas."

Tinalikuran niya ang binata nang maramdaman niyang tumulo ang kanyang mga luha. Ayaw niyang malaman nito na mahina ang loob niya. Hindi niya kasi mapigilang sobrang mag-alala.

"Sorry," anas ni Xeph mula sa likuran niya. Naramdaman niya ang hininga nito sa kanyang batok. "I'm being so insensitive here with you." Pumalibot ang braso nito sa kanyang baywang. Ibinaon nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg. "You are my only sanctuary, Mary Grace. Salamat at nandito ka sa tabi ko sa mga oras na tulad nito."

Di niya napigilang humarap at sapuhin ang pisngi ng lalaki. "Xeph... alam kong hindi ako puwedeng humadlang sa misyon mo. Pero sa tuwing maiisip ko ang mga bagay na puwede mong sapitin..." Napailing siya dahil di niya kayang isalarawan sa isip ang mga posibilidad. "This anxiety was eating me... at wala 'kong magawa. But if things get really hard, just promise me one thing." Diretso siyang tumingin sa luntiang mga mata nito. "Masugatan ka man, maputulan ng kamay o paa, mabalian ng buto o kahit naliligo ka pa sa sarili mong dugo... ipangako mong babalik ka sa bahay na'to ng humihinga. I would always welcome you even on your worst case condition. So don't hesitate to return to me if ever. Sa akin ka lang, di ba?"

Kumukurap itong nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa ay isang ngiti ang sumibol sa mga labi nito. Hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito at mariin iyong hinalikan. "I'd never thought that I would be this happy hearing that. Na may isang taong aako sa eksistensiya ko bukod sa HYDRA. Pakiramdam ko ay ipinanganak akong muli. Kung may isang nilalang man dito sa mundo na gugustuhin 'kong pagsilbihan, that would be you sweetheart..."

Bigla niyang kinabig sa batok ang lalaki. Siniil niya ito ng mariing halik sa labi. Isang bagay na lakas loob niyang ginawa. Ngunit sa simula lang ito tumugon sa kanyang kapusukan. Naroon ang alinlangan sa kilos nito nang sapilitang ilayo nito ang sarili sa kanya.

"Errr...." Ngumiwi ito at napakamot sa batok. "I'm actually starving. May naaamoy akong mabango sa kitchen. Can I help myself?"

Wala sa loob na napatango na lang siya. Nang tumalikod ito palayo, naiwan siyang tuptop ang mga labi. Ilang araw na niyang napapansin ang kakatwang kilos ng binata. Sa tuwing lumalapit siya dito ay tila ba naiilang ito sa kanya. Lumalayo at umiiwas ng hindi pahalata. Ayaw niyang isipin na walang romantic feelings sa kanya ang binata. Baka attachment lang nararamdaman nito sa kanya. 

Bigla tuloy siyang naguluhan. Xeph cared about her. Given. But what about love? Wala itong binabanggit tungkol sa bagay na 'yon. Siya ang vocal sa kanilang dalawa na magsabi ng nararamdaman. Ngunit wala pa siyang naririnig na sagot mula dito. Di niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang lalaki pagdating sa pakikipagrelasyon. Malay niya ba. Sa tanang buhay niya, wala pa siyang nagiging prospect na maging nobyo. Ngayon pa lang. Sino ba ang dapat niyang konsultahin pagdating doon?

Napapitik siya sa ere nang may umilaw sa utak niya. Lumapit siya sa round table at nag-dial sa telepono.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"TANGA ka, Lead! Isa kang malaking tanga," malupit na pahayag ni Andrea. Kausap ito ni Lead online. Wala si Bismuth at Tin sa kanilang kuta kaya sinamantala niya ang pagkakataon para kausapin ang babae.

Sapo ng binata ang noo. At ilang buntong-hininga na rin ang naibubuga niya. "Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. It's just that... sa tuwing nagiging intimate ang sitwasyon, the image of a nine-year old Mary Grace would suddenly pop out in my head. At di ko maiwasang ma-guilty."

"Are you a pedophile?" walang habas na tanong nito.

"Hell no!" hindik na pagtanggi niya.

"Exactly my point." Pahinamad na itinaas nito ang paa sa computer table. Sumandal sa swivel chair at kinagatan ang chocolate bar na hawak. "Nain-love ka sa grown-up na Mary Grace. Naging attached ka sa batang Mary Grace. Ang problema ay napaghahalo mo ang dalawang pangyayaring magkaiba. Try sorting it out. Walang masama sa nararamdaman mo para sa kanya.'

"You think that's normal? Me being with her?"

"Teka, ano ba talagang problema? Ang nararamdaman mo sa kanya? O ang kunsensiya mo sa pagpapahintulot mong papasukin siya sa buhay mo?"

He sighed again. "Hindi siya safe na kasama ako."

Pumalatak ito. "Ang pinag-uusapan natin dito ay pag-ibig at hindi seguridad. Ang mawala siya sa'yo, maglaho siya sa buhay mo... o mamatay siya sa bisig mo. You just simply would never choose the latter, Lead. Pero ang tanong, saan ba siya mas sasaya? Dapat kinokonsidera mo ang feelings niya bago ang lahat. Alam na ni Mary Grace ang ginagawa niya. Give her some credit. 'Yang pag-iwas-iwas mo sa kanya, baka maipagkamali niya as indifference."

"Sa tingin mo?" nakaangat ang kilay na tanong niya.

"Kahit sinong babae nakakaramdam ng insecurities. Lalo na kung ikaw ang partner," pang-aasar pa nito. "Di manghuhula si Mary Grace. Ang problema sa inyong mga lalaking walang experience sa love, we girls... you take us for granted without even noticing cause you're too busy deciphering your own feelings. At ikaw, Lead... dahil masyadong komplikado ang buhay mo, hindi mo na napagtutuunan ng pansin ang mga bagay na mas importante. Just be honest, pin her down and do her."

Naeskandalo siya sa mga salita nito. "Jesus! Andrea! She's too innocent for that kind of thing."

"Innocent but not young. Sa pagkakaalam ko, hindi ka konserbatibo na tao, Lead. Mahal ka. Mahal mo. Ewan ko sa'yo kung ba't pinatatagal mo pa? Hala ka sige, kapag namatay ka sa misyon, sa ibang lalaki babagsak 'yang precious treasure mo."

Bayolenteng nag-aklas ang isip niya. Isipin pa lang niyang ibang lalaki ang makakasama ng dalaga, nagwawala na ang buong pagkatao niya. Mary Grace was too delicate to be touched by men. At kasama na siya sa mga lalaking 'yon.

"Don't you think the problem is your mind setting?" Iwinasiwas ni Andrea ang hawak na chocolate bar paturo sa kanya. "Napakaimportante niya para sa'yo na ni ang halikan siya ay di mo magawa. At taliwas sa tingin mo sa sarili mo na walang karapatang mabuhay ng masaya sa mundo. Matuto kang tanggapin ang sarili mo at magiging madali ang pagtitiwala mo sa ibang tao. You're an assassin but before anything else, you're just a man."

"Talaga bang masaya siya sa'kin?" may pagdududa pa rin sa dibdib na tanong niya.

"Mahal mo ba talaga siya?"

"Of course!"

Ngumiti ito. "Sabihin mo sa kanya 'yan at siya ang magiging pinakamaligayang babae sa buong mundo."

"Paano ka naman nakakasigurado, Andrea?"

Sinalo nito ang sariling baba. "Duh." Umikot ang asul na mga mata nito. "Halata namang nagselos siya sa akin. At ang toto niyan, tinawagan niya ako para humingi ng payo."

"Ng ano?"

"On how to seduce you."

Bigla siyang nasamid sa narinig. Hinithit siya ng ubo. "D-did you tell her some outrageous things?"

"I told her to go and get you. Dahil di siya tulad ng ibang babaeng nagdaan sa buhay mo, naghinala na 'kong imposibleng magkusa kang hawakan siya."

Natampal niya ang noo sa narinig. There would be a trouble coming.

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu