Part 12

478 51 3
                                    

AMAZING. She really did grow up. 

Iyon ang nasa isip ni Lead habang pinagmamasdan ang nakapikit na mukha ng batang noon ay kalong niya pa. Mary Grace really became a beautiful girl. Sa loob ng dibdib niya ay may tila kung anong gustong kumawala at sumabog. Bakit tila kumikirot ang dibdib niya pagkakita dito?

Dahil ba sa nalaman niya ang mga pangyayari sa buhay nito sa nakalipas na taon na wala siya sa tabi nito? Dahil sa pinilit niyang kalimutan ang naging eksistyensiya nito sa buhay niya? O dahil sa alam niyang ilalagay niya na naman sa panganib ang buhay nito sa oras na pumasok siya sa mundo ng dalaga? 

Bakit ba hindi niya simpleng mabati ito ng walang kaakibat na komplikasyon? Nais niya lang naman itong kumustahin. Bakit ba hindi naging mas normal ang sitwasyon nila? 

Cause your life is not normal, pig head! Sita ng isang bahagi ng isip niya.

Bumaba ang mga mata niya sa mahabang buhok nito. Natural na alun-alon 'yon. Maamo pa rin ang mukha nito tulad noon subalit may halong paghangang nagtutumining sa balintataw niya. Ngayon ay iba na. Dalaga na si Mary Grace. Di na ito bata pa tulad noon na walang muwang sa mundo. Nang makita niya itong lumabas mula sa kapilya ay tila hindi siya nakahinga. Tumatawa ito at nagsasalita sa pagkagulat niya. Pinigilan niya ang sariling lapitan ito. Hangga't maaari ay ayaw niya itong madamay sa gulo sa pagitan ng TRIAD at HYDRA. But his mission alone was center on the very girl. Isang buwan na rin ang nakakaraan nang matanggap niya ang balitang nagising si Godfrey Falkner mula sa coma.

A month ago...

"Oh, ba't natulala ka, Lead?" tanong ni Nitro sa kanya habang nasa control room silang dalawa.

"Sigurado ka ba sa mga nakalap mong impormasyon?"

"I hacked the city hall archive in the Philippines where Mercy de Dios and Marcus de Dios registered as immigrants." Hinarap nito ang computer at tumipa sa keyboard. "Kumpirmadong nasa list of deaths ang pangalan ng mag-asawa. Parehong namatay sa isang plane crash limang taon na ang nakakaraan."

Natigilan siya. "Anong flight?"

"To Brazil."

Halos lumabas ang puso ni Lead sa pagkabog ng dibdib niya. Ang hinalang nasa isip niya ay hindi na isa pang hinala. Pero ang tanong, bakit nagbalik si Marco sa Brazil? Siya ba ang dahilan? Nasuntok niya ang desk. Matagal na siyang nakapagdesisyon na putulin ang kaugnayan kay Marco. Na sana ay isipin nitong namatay siya sa bodegang 'yon siyam na taon na ang nakakaraan. He was so fuck up, big time! Kung ganoon, anong nangyari kay Mary Grace?

"Ang babaeng hinahanap mo na si Mary Grace de Dios ay nasa mabuting kalagayan sa palagay ko."

Nag-angat siya ng mukha at nilingon si Nitro.

"It appears she's studying in college now. Sa mismong siyudad kung saan sila nakarehistro, nakalista ang pangalan niya sa mga estudyante ng isang pribadong unibersidad. Eto... tingnan mo ang student profile niya."

Kunot ang noong hinarap niya ang screen ng computer. Tumambad sa kanya ang half body picture ng isang dalaga. Oo, isang dalaga. Hindi isang walang muwang na bata. Pero walang duda, ito ang batang iniligtas niya. Nakikita niya ang resemblance sa itsura nito. At naroon pa rin ang maliit na nunal sa gilid ng bibig nito. Isang pamilyar na mukha para sa isang estranghera.

"She's a beauty."

Hindi niya pinansin ang komento ni Nitro. Nanatiling nakapako ang mga mata ni Lead sa larawan ni Mary Grace. Kung may magsasabi sa kanya na himala ang buhay sa mga oras na 'yon, sesegundahan niya 'yon ng walang pagdadalawang-isip. Di niya lubos akalain na masasaksihan ng mismong mga mata niya ang pagbabago sa pisikal na anyo ng batang napalapit sa puso niya. Na ang desisyon niya sa pagsasakripisyo sa sarili sampung taon na ang nakalilipas ay may mabuting kinalabasan.

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon